Chapter Five : Rain and Pain

170 17 1
                                    

Chapter Five : Rain and Pain

Benedict.

"'Cause I'd get a thousand hugs
From ten thousand lightning bugs
As they tried to teach me how to dance."

Ganito pala ang feeling. Ang sarap sa pakiramdam. Ganito pala ang pakiramdam na makasama ang maraming tao. Masaya, parang walang problema. Pakiramdam ko, tumigil ang mundo ko. Gusto kong lasapin, at patagalin ang oras. Gusto ko, ganito nalang palagi.

Gusto ko nang umiyak sa sobrang saya.

"A foxtrot above my head
A sock hop beneath my bed
A disco ball is just hanging by a thread."

Lahat ng tao, nagsasayawan. Ang lahat ng may boyfriend at girlfriend, masaya. Halata sa mga mukha nila na they treasure every single moment in this time. Para talagang aakalain mo na kapag nandito ka, walang problema ang makakahadlang ng kasiyahan mo. It feels like I'm inside my dream.

"I'd like to make myself believe that planet earth turns slowly
It's hard to say that I'd rather stay awake when I'm asleep
'Cause everything is never as it seems, when I fall asleep!"

Makukulay na ilaw, nagliliwanag ito sa buong lugar. Nahiya na nga ang mga bituin sa walang humpay na pagliwanag at pagsasayaw ng mga ilaw na animo'y sinusundan ang ritmo ng kanta.

Ang ganda, lahat napapangiti ng nagsasayawang makukulay na ilaw. Hanggang saan kaya umaabot ang ingay at ang ilaw na ito?

Sobra man kung pakinggan, pero tingin ko talaga sa mga oras na ito ay nananaginip ako. Maluha-luha na ako dahil sa buong buhay ko, ngayon ko nalang ulit naranasang maging malaya. Ngayon ko nalang ulit naramdaman ang maging masaya.

Malakas na hiyawan ng mga tao ang maririnig sa paligid ko. Mag-aalas otso palang pero sa lamig ng hangin, aakalain mong madaling araw na. Sinabayan pa ng magandang kanta. Kulang na lang higaan at pwede ka ng matulog kahit anong oras mo gustuhin.

Napatingin muli ako kay Erica.

Ang ngiti niyang halos umabot na sa tainga, hindi pa rin naaalis magmula nang pumunta kami rito. Hindi kaya, first time rin niyang pumunta sa ganito? Baka parehas kami ng nararamdaman?

Pero mukhang imposible 'yun dahil sobrang dami niyang kaibigan. Kung meron nga lang na Most Friendly Award kada taon sa school, malamang ilang beses na siyang nanalo. Kaya nga nagtataka ako kung bakit kinaibigan din niya ako. Kung bakit sa dami ng mga kaibigan niya, ako ang inaya niya rito.

Hindi naman siguro dare 'to sa kaniya hindi ba? Mukha naman siyang sincere sa pag-imbita sa akin dito.

Natapos na ang kanta, pero wala pa ring tigil ang hiyawan ng mga tao. Ang saya-saya nila. Hype na hype at tila hindi napapagod kahit pa tumalon sila nang tumalon.

Ilang tugtog pa ang kinanta ng banda. At dahil boy group ang banda at isa lamang ang babae, nagpapakilig ito ng mga kababaihan sa stage. Syempre ang mga may love life na, back off muna. Napaka-sensitive pa naman ng ibang lalaki rito. 'Yung iba nga astang boyfriend kahit hindi naman.

Nakakatawa lang pagmasdan na ganito pala ang feeling. Feeling ko tuloy buong-buo na ang pagkatao ko. Pakiramdam ko talaga, sobrang saya ko na. Ayoko pa nga sanang umalis, kung hindi lang natapos ang palabas.

Tumingin ako sa orasan ko. 9:34 Pm. Masyado pa rin talagang maaga. 'Yung mga audience kanina ay unti-unti nang nag-aalisan. 'Yung iba naman nanatili pa sandali at nagkwentuhan bago tuluyang umalis.

"Erica, gusto mo bang ihatid kita?" Offer ko kay Erica since maaga pa naman para sa akin. Ayoko munang umuwi dahil pakiramdam ko matatagalan pa akomg makatulog.

Benedict DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon