Chapter Eleven : His Power

102 11 2
                                    

Chapter Eleven : His Power

Benedict.

"Sinabi ko sa'yo umalis na tayo e!" Inis kong saad bago tumalikod. "Kung gusto mo pang mapanood ang susunod na mangyayari, bahala ka. Babalik na ako sa tree house," saad ko bago magsimulang maglakad pabalik sa portal.

"Sandali oy! Ayaw mo bang makita kung gaano kagaling humalik—" Naglakad ako pabalik sa kaniya at agad siyang kiniliti sa tagiliran. Hindi niya napigilan ang pagtawa kaya tinakpan ko ang bibig niya.

"Masiyado ka talagang madaldal para sa isang guardian elf," ani ko.

"Tama na! Tama na!" sigaw niya habang nakatakip ang kamay ko sa bibig niya. Tinigilan ko ang pangingiliti sa kaniya. Siya naman pawis na pawis at hinihingal. Tinitigan niya ako ng masama kaya napangisi ako. "Seryoso? Ayaw mo talagang—"

Hinarap ko sa kaniya ang makabila kong palad kaya agad niyang tinikom ang bibig niya. Inirapan lang din niya ako kaya mas lalo akong natawa. Kahit pala guardian elf, nanghihina kapag nakiliti.

"Okay," Carin Answered.

Tumawa si Ericka pag-katapos nilang mag-halikan. Niyaya niya ako na nang-harana sa loob ng bahay nila. Hindi ko na sila sinundan. Basta ang alam ko nalang, nakatulala ako dahil hindi ako maka-paniwala sa nangyari.

How come?

"Ngayon. Gusto mo na ba bumalik o iiwan na kita dito?" Tanong ni Carin. Tumingin ako sa kaniya. Tinaasan lamang niya ako ng kilay. She's quite bored and irritate. I feel it. Parang sumungit siya simula nang makita niya si Ericka. What's happening?

"Kanina gusto mong pumunta kahit saan ko gusto pumunta, you said that. Pero ngayo---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Biglang lumindol sa kinalulugaran namin. Nag-simula ng gumuho ang mga estraktura sa paligid namin. "A-anong nangyayari?" I asked.

Nakarinig ako ng mga taong nag-tatakbuhan. Walang tao dito kanina kaya kumunot ang noo ko kung saan sila nang-gagaling. "This is bad," Carin whispered. "This is more than I expected," she added.

"Ano ba talagang nangyayari?" Tanong ko. Nabitak ang lupa na kinatatayuan ko. Nahati ito sa dalawa kaya kaagad akong lumayo dito. Gano'n din ang ginawa ni Carin.

"Nandito na siya," bulong niya pa.

Gusto ko pa sanang mag-tanong. Gusto ko pa sanang tanungin kung sinong tinutukoy niya at kung anong nangyayari. Lumabas si Ericka mula sa bahay nila at tumakbo kasabay ng mga nag-tatakbuhang tao. Nagulat ako nang may makitang katulad ni Carin.

Mahaba ang tainga niya. At nakasuot ng kulay berdeng damit. Mahaba ang buhok at ang iba ay maigsi. Oo, hindi sila nag-iisa. Madami sila at halos lahat ng ito ay nag-tatakbuhan at may kasabay silang isang tao. Hindi sila sumasabay sa iba.

"Elves?" I asked. Napatingin ako kay Carin.

"Oo. Elves," sagot niya.

"Paano? Nananaginip lang pa din ba si Ericka hanggang ngayon?" I asked. Nag-simula na kaming tumakbo. Mula sa likurang bahagi namin, may itim na usok na lumalamon sa mga estraktura. Walang awa ito at ginuguho ang lahat ng madadaanan niya.

"No. Hindi na ito panaginip ni Ericka. This is the Nightmare. He is, the nightmare," makahulugang saad ni Carin. Hindi ko parin maintindihan ang sinasabi niya kaya sinagot ko siya ng isang kunot noo para sabihing wala akong naintindihan. "Later, ipapaliwanag ko sa'yo," saad niya.

Nag-hintuan ang mga tao. May mga malalalim na humi-hinga dahil sa napagod silang tumakbo. May ibang hindi parin tumitigil sa kakaiyak. May iba namang nag-sisigawan as if naman na matutulungan sila ng iyak nila na makatakas sa usok.

Unti-unti parin nitong nilalamon ang paligid. Dead end na kami. Wala na kaming ibang matatakbuhan dahil pader na ang nasa likuran namin. Pilit na nag-sisiksikan ang mga tao. Pumunta naman sa harapan ang mga elves na kasama namin. As if they're willing to fight the black smoke.

"Umusog ka," Carin said. Sinunod ko siya at umusog. Ngayon, lahat na ng mga elves ay nasa harapan. They're willing to fight for us, naalala ko tuloy bigla ang sinabi saakin ni Carin. This is their job. To guard us.

Mula sa usok, isang porma ng tao ang nabuo dito. Sira-sira na ang mga dinaanan ng mga usok kanina. Tumatawa ang porma ng tao at halatang lalaki iyon. Kamukha ito ng lalakinna ginawa ni Carin sa fountain. Hindi kita ang mukha nito gaya ng sa fountain.

"Scared?" Natatawang sabi niya. Malalim, malamig at nakakatakot ang boses niya. Nag-tayuan ang mga balahibo ko ng mag-salita siya. "This is just the beginning, yet you users are now scared?" Tumawang muli siya.

"What do you need?" An elf asked. Mukhang matapang siya kesa sa ibang elf. Mayroon din siyang dalawang espada. Tsaka ko lang nakita na may Archer na dala si Carin that made her cool enough. Gano'n din ang ibang elf. Mayroon silang mga sandatang dala.

"It's not obvious? The users. I want them all," he said. Seryoso siyang tumingin saamin. "Remember guys, this is just the--Ugh!" Mula sa harapan niya, isang porma ng babae na nababalutan ng liwanag ang nabuo. Hindi namin makita ang itsura at ang nangyayari dahil sobrang liwanag ng buong paligid.

"Is it not enough that you killed my parents? At ngayon gusto mo na din mapa-sa iyo ang mga users? Anong balak mong gawin sa kanila?" The light said. Hindi ako nag-kamali. Babae nga ito base sa tinig niya.

"How can you say that I killed your parents? At kung anong balak ko sa users? It's non of your business. See you in your worst nightmare," the dark one said before he turns into an ashes then blown by the wind.

"Empress Dream," Sabi ng mga elves bago sila yumuko bilang pag-galang sa kanilang Empress. Gano'n din ang mga ginawa ng mga kasama kong tao kaya ginaya ko nalang din sila.

"Stand," the authority is in the Empress' Voice. Nag-sitayuan kami gaya ng sinabi niya. Bakas sa mukha niya ang pagiging seryoso pero alam ko kung anong nasa mata niya, fears.

"Empress, siya ang pumatay sa magulang ninyo?" Tanong ng isang elf. Mukhang ang tinutukoy niya na siya ay ang itim na lalaki kanina.

Tumango ang Empress. "I can see in his eyes. Remember. I know the truth and lie, that's my ability," sagot niya. "Siya din ang estranghero na pumasok sa kaharian. Mukhang ang buong panaginip ay nasa panganib ngayon," dagdag pa niya.

We gasped. Kung gano'n, kailangan ko na magising. Hindi na ako matutulog. Bago ko pa man sabihin ang suhestyon ko, nauna na sabihin iyon ni Carin.

"How about, hintayin natin na magising ang lahat ng tao. Balaan natin sila na 'wag silang matulog pansamantala hangga't hindi natin natatalo ang estranghero," saad ni Carin.

"The possibility is ten percent. Walang maniniwala saatin na may kalaban tayo sa loob ng panaginip. Besides, hindi natin kayang sabihin sa buong mundo ang nangyayari dito ngayon," saad ni Empress Dream. Magaling siya mag-isip. Bagay sa isang Pinuno.

"Anong plano niyo ngayon, Empress?" Tanong ng isang elf.

"Now that we know his power. Kailangan nating mag-ingat mabuti. Lahat ng users, Higher Elves, Dalhin niyo sila sa Kislap Kingdom. Sasanayin natin sila."

--

Benedict DreamsWhere stories live. Discover now