Epilogue

146 10 0
                                    

Epilogue.

Benedict.

Sobrang bilis ng mga pangyayari.

Akala ko susugurin ako ni Dark, pero bigla na lang siyang nawala sa paningin naming lahat. Pagkatapos, bigla na lang siyang sumulpot sa isang special dreamer.

Huli na ang guardian elf nito na protektahan siya, dahil agad na sinakal ni Dark ang special dreamer. Nakita kong unti-unting nangulubot ang katawan ng babae, habang tila may usok mula sa katawan niya na napupunta sa bibig ni Dark.

Hindi ko alam kung paano ip-process sa utak ko ang itsura ni Dark. Parang may matutulis siyang ngipin, at nakadikit sa balat niya ang ilong niya, gayundin ang magkabila niyang tainga. Hindi namin makita ang mata niya, at ayokong makita.

“Hindi!” sigaw ng isang lalaking guardian elf. Akma sana niyang aatakihin si Dark pero nang makatalon siya para makakuha ng p'wersa, hindi na siya naka-abot kay Dark. Unti-unti siyang naging abo at tinangay ng hangin.

Magkakonekta ang elf at ang binabantayan nitong tao.

“Six.” Seryoso pero halata ang tuwa sa labi ni Dark.

Hindi ko mapigilang mainis. Naiisip ko pa lang na kapag may nangyaring masama sa akin ay may mangyayari rin kay Carin, hindi ko na agad kinakaya.

“Haaaa!” Sabay-sabay na sumugod ang limang guardian elf. Lima na lamang sila, at lima na lang din kaming special dreamers. Nakita ko na magaling pa ring makipaglabam si Carin kahit na halata na ang edad sa katawan niya. Hindi ko nakikitaan ng pagod ang mga guardian elf, kahit pa mabilis lang silang nasasalag at naiiwasan ni Dark.

Umaalingawngaw ang tawa ni Dark sa buong paligid, dahilan para mas lalong bumigat ang tensyon.

“Boo!”

Nagulat kaming lahat nang bigla siyang lumitaw sa likuran ng isang special dreamer. Gamit ang matalim niyang kuko na gawa sa anino, sinaksak niya ito sa likuran.

Napangiwi ako. Panaginip lang ito hindi ba? Wala naman sigurong mamamatay dito? Pero bakit parang totoo ang lahat.

Napatingin ako sa globo na nasa ibabaw naming lahat. Limang ilaw na lamang ang naroon.

“G-Giro!” Akmang tatakbo na ang isang elf na may kulay lilang damit ngunit nanigas siya sa kinatatayuan. Naging yelo siya pagkatapos, unti-unting nabasag at nakakabinging ingay ang narinig dulot ng pagkabasag niya. Nagkalat ang piraso ng yelo sa buong paligid, hanggang sa matunaw ito.

“Five,” ani Dark. Tumawa siya ng mahina. Halatang natutuwa siya sa ginagawa niya.

“Demon!” Mula sa likuran ni Dark, isang babae ang sumipa sa kaniya. Malakas siya kaya napa-isip ako kung paano niya nagawa 'yon. Isa siya sa mga special dreamer na natitira kasama ko.

Ilang beses niyang nasabayan ang bilis ni Dark, at ang lakas na nilalabas niya ay kakaiba.

Inobserbahan kong maigi ang bawat galaw niya para malaman ko kung saan niya nakukuha ang lakas na 'yon. Tiningnan ko ang bawat kilos niya, hanggang sa makita kong may bilog na umiilaw sa noo niya.

Ang panaginip.

Tama! Ginagamit niya ang kakayahan sa panaginip. Lahat ng bagay na narito ay hindi totoo, pero lahat ng bagay kayang gawin sa panaginip. Ginagamit niya ito para makapaglabas ng sapat na bilis at lakas para malabanan si Dark!

Bakit hindi ko agad naisip 'yon!?

Tumilapon si Dark. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha. Halatang natutuwa pa siya. Agad siyang nawala sa kinalulugaran, tanging patay na damo na lamang ang natira kung saan siya tumilapon kanina. I must think how to fight, kailangan kong tumulong.

Benedict DreamsWhere stories live. Discover now