Chapter Two : Tree House

306 22 9
                                    

Chapter Two : Tree House

Benedict.

Kumakalam na ang sikmura ko. Wala naman akong magagawa kundi tiisin ito hanggang sa makauwi ako sa bahay. Sana lang pag-uwi ko sa bahay may pagkain pang tinira saakin sila Tita Jena. Dahil kung wala, mapipilitan akong kumuha sa alkansya ko.

Tangina. Kailangan ko ba talagang kaawaan ang sarili ko?

Hangga't maaari ayoko sanang kumuha at magwaldas nang magwaldas ng pera para lamang sa walang kakwenta-kwentang bagay. Pero hindi naman siguro 'walang kakwenta-kwenta' ang pagkain 'diba? I'm also suffering between life and death. Gutom na gutom na ako.

Tingin ko hindi ako mamamatay sa sakit sa puso, sa tingin ko, mamamatay ako sa gutom. Ayoko no'n! Ayoko na ang reason of death ko ay kagutuman. Pakshet talaga 'yang mga nakabungo saakin. Bumagsak sana sila sa exam.

Ilang minuto na lamang at magbe-bell na. Sana naman makayanan kong tiisin ang kumakalam na sikmura ko para makapag-exam ako ng maayos. Pero base sa pagkakapulot ng braso ko sa tyan ko, mukhang hindi magiging madali ang lahat para sa gaya kong gutom na gutom na.

Nilipat ko sa sunod na pahina ang reviewer ko. Nagre-review parin ako kahit na napupunta sa tyan ang atensyon ko.

"Gusto mo iyo nalang 'to? Mukhang nagugutom ka na." Napa-angat ang tingin ko sa tinig ng babae na nagsalita. Maigsi ang buhok niya na abot hanggang sa paglagpas ng tainga niya. May bilog din siyang salamin na bumagay sa singkit niyang mga mata.

"A-ah. H-hindi na. H-hindi ako gutom," pagsisinungaling ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatingin sa hawak niyang softdrinks at isang pirasong biscuit. Kumulo naman ang tyan ko na sumalungat sa sinabi ko.

"Hindi halata na gutom ka ah," natatawang sabi niya. "Kuhain mo na kasi ito," inip na dagdag niya. Feeling ko ikasasama ng pride niya kapag hindi ko kinuha 'yung binibigay niya sa akin. Isa pa, wala na akong dahilan para tumanggi pa. Gutom ako at voluntarily naman siyang lumapit sa akin.

"S-salamat," mahina at nahihiya kong saad. Inabot ko ang pagkain at binuksan na ito ng walang kabig. Uminom kaagad ako ng softdrink nang maubos ko 'yung biscuit. Kahit papaano ay napunan ang dalangin ng tiyan kong nagsusumigaw-ang magkalaman.

"Erica nga pala," nakangiting sabi niya. Nilahad niya ang kanang kamay niya sa akin, samantalang nakalagay naman sa bewang niya ang kaliwa niyang kamay. For unknown reasons, hindi nakaka-irita ang pagkakatayo niya sa harapan ko. Pakiramdam ko, napaka-friendly niya.

"Benedict," maikli kong tugon as we shaked our hands. "Salamat nga pala ulit ah. Baka kung hindi ka dumating, nakalumpasay na ako dito sa sahig at nakatirik ang mga mata," pabiro kong sabi. Tingin ko gutom pa ako. Tangina ang korni ko nanaman.

Tumawa naman siya ng mahina. "Una na ako, malapit na rin namang mag-bell. Ibinigay ko lang talaga sa'yo 'yan dahil nakita ko ang ginawa nila Greg sa'yo," sabi niya. Panandaliang nawala sa kaniya ang atensyon ko. Mas pinili kong tumingin sa bulaklak malapit sa akin.

Ayoko kasi ng ganito, 'yung binibigyan ng ganitong uri ng pansin. Pakiramdam ko, ang hina-hina ko lalo. Tanggap ko na kaawa-awa ako sa paningin ng iba. Pero iba 'yung pakiramdam kapag sinabi mismo nila na naaawa sila sa'yo.

"Ayos ka lang?" tanong ni Erica.

"Ah, oo. Ayos lang ako. Sabay na tayo. Parehas lang naman tayo ng floor," sabi ko bago tumayo. Tinapon ko ang plastic ng softdrink at biscuit sa trash bin malapit sa akin. Kinuha ko na rin ang reviewer ko.

"Paano mo naman nalaman na magka-floor tayo?" takang tanong nito sa akin.

"Syempre. Sa iisang school lang tayo nag-aaral," pabiro kong sabi sa kaniya. Sa totoo lang, palagi ko siyang nakikita sa floor namin. Kaya kilala ko siya sa itsura. Being me na introvert, ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya.

Benedict DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon