Chapter Twenty : Seven Lights

104 7 3
                                    

Chapter Twenty : Seven Lights

Benedict.

Nilingon ko siya.

She's crying. Napaupo siya sa sahig, yakap niya ang mga tuhod niya. Agad akong nagsisi sa kung ano mang nasabi ko kanina. This is more than I expected. Hindi ko naman akalain na ang simpleng mga salita na 'yon ang magpapa-iyak sa kaniya.

Agad ko siyang nilapitan. Niyakap ko siya. For unknown reason, may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. I don't know what's that. Ang gusto ko lang ngayon ay ang mapatahan si Carin. Ang patigilin ang pag-iyak niya. Ang gusto ko lang, si Carin.

“Shhh... I'm sorry,” mahina kong bulong sa kaniya. Yakap-yakap ko pa rin siya. Hinahawi ko din ang buhok niya paibaba. Hindi pa rin tumitigil sa pag-uunahan ang mga luha niya. “Sorry,” muli kong sambit.

“This is all my fault,” saad niya.

“No, hindi mo kasalanan—”

“Kung sana noong natulog ka sa loob ng panaginip, pinigilan kita, hindi sana lalala ang sitwasyon,” umiiyak at nanghihinang sabi niya. “Mawawala na ako, Benedict. Kasabay ng pagkawala ng abilidad mo,” malungkot na sabi niya.

“You wouldn't. Pipilitin kong huwag mawala ang photographic memory ko,” saad ko nang iharap ko siya sa akin.

Umiling naman siya ng ilang beses. “Hindi mo na maibabalik pa ang mga nawala na. Hindi ko alam kung bakit ka natulog dito sa panaginip. Naisip ko nang may nangyaring masama sa'yo sa labas ng panaginip. Pero alam kong may kasalanan parin ako. Kung sana—”

“Shh...” Nilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya upang patahimikin siya. "Ilang beses ko bang—”

Nakarinig kami ng malakas na pagbagsak ng kung ano.

Agad kaming tumayo ni Carin mula sa pagkakaupo at tumakbo sa pinanggalingan ng malakas na pagbagsak ng bagay. Nakarating kami sa tree house, na ngayon ay nasa lupa na, at nakabagsak.

Nakakapagtaka kung paano biglang bumagsak ang malaking puno na 'yon. Umangat pati ang lupa kung saan ito nakatayo, dahil kasama ang ugat sa natanggal.

“Masama ito,” saad ni Carin.

Dumilim ang buong lugar. Kasabay nito ang pagtawa ng pamilyar na boses.

Tama. Si Nightmare.

“Malapit ng maubos ang mga ilaw. Hindi ko na patatagalin pa. Gusto kong makipaglaro na sa inyong lahat. What if six users turns to... five?" Tumawa siya nang malakas.

Hindi ko alam kung paano, pero bigla nalang kaming napunta ni Carin sa isang hardin. Nandoon din ang lahat ng mga special dreamer, elves at si Empress Dream. Malamang nasa Kislap kami ngayon.

Lahat kami ay nagkatinginan sa isa't isa.

This is wrong. Ito na ba ang panahon ng labanan? Pero wala pa kaming laban kung sakaling ngayon nga.

Ramdam ko ang tensyon sa buong paligid. Lumakas ang ihip ng hangin. Dumilim sa buong paligid kasabay ng nakaka-iritang hawi ng hangin.

Naging pormang tao si Dark, pero naging mailap siya dahil sa anino niyang porma na humahalo sa dilim ng paligid. Ang tanging naaasahan na lamang naming lahat ay ang talas ng pakiramdam namin.

Agad siyang lumapit sa isang special dreamer. Agad naman itong pinrotektahan ng elf niya at gumawa ng nakakasilaw na kulay abong pananggalang. Umiwas dito si Dark. Mukhang takot siya sa liwanag dahil isa lamang siyang anino.

“Playing with nightmare is no fun. Ang boring kaya ng panaginip kung walang bangungot,” mapang-asar na sabi ni Dark bago siya muling mawala sa paningin namin. Nang sumulpot siya, nasa harapan na siya ng isa pang special dreamer.

Benedict DreamsWhere stories live. Discover now