Chapter Twelve : The Test

102 8 2
                                    

Chapter Twelve : The Test

Carin.

Matapos sabihin ni Empress Dream na nanganganib ang panaginip, I feel a bit nervous.

Ngayon lang nagkaroon ng ganitong problema sa loob ng panaginip. Hangga't maaari, lahat ng nagiging problema ay ginagawan na namin kaagad ng aksyon.

Pero iba ang isang ito. Kalaban namin ang dilim. Kalaban namin ang literal na bangungot. Kalaban namin ang estrangherong hindi pa namin ganap na kilala. Bukod sa lakas ng enerhiya niya, sa kakayahang angkin niya— wala na kaming alam sa kaniya.

Kung saan siya galing, at kung bakit niya 'to ginagawa.

Alam kong patikim pa lang ang pinakita niya sa amin kanina. Alam kong totoo ang sinasabi niyang nagsisimula pa lang siya.

Nang i-utos ni Empress Dream na dalhin ang lahat ng special dreamers sa kaharian, agad na nagtanguan ang mga elf kabilang ako.

Ngayon ko na lang naalala ang katanungan sa isip ko kung paano sila napunta sa panaginip ni Erica. Pero kung iisiping mabuti, malamang pinlano ito ni Dark. Ginawa niyang parang tupa ang mga special dreamer at elf para mapunta sa iisang lugar.

Sa gano'ng paraan, mas madali niyang makukuha ang kailangan niya. Ang special dreamers.

Ilang minuto matapos mawala sa hangin ni Empress Dream, kaagad na naglabasan ang iba't-ibang kulay ng portal sa iba't ibang bahagi ng lugar.

Bawat elf ay may kakaibang kahusayan at angking kapangyarihan na tanging sila lamang ang meron. Ang kakayahang gumawa ng portal patungo sa lugar na nanaisin nila, ay angking kakayahan na ng elf. Bukod pa ito sa espesyal at natatangi niyang kapangyarihan.

Sa lahat ng elf, si Empress Dream ang may pinakamakapangyarihang kakayahan— na siyang dapat. Pero, hindi pa rin siya kasing bihasa ng mga yumao niyang magulang.

Sa isang iglap, nawala na ang mga elf at taong binabantayan nila.

Dalawang elf at dalawang tao nalang ang natitira. Ako, si Benedict, si Erica at si Jellal, ang guardian elf ni Erica. Isang high rank elf si Jellal, at hindi ko na dapat pagdudahang special dreamer din si Erica.

Kaya pala sobrang makatotohanan ng panaginip niya kanina.

“B-benedict?” nagtatakang tanong ni Erica. Parang hindi niya inaasahang makikita niya si Benedict sa ganitong lugar.

Kung sabagay, ang panaginip ang pinakakakaibang lugar sa mundo. Ilang libong beses na mas malawak ang lugar na 'to kaysa sa mundo ng mga tao. Malayang nakakapaglakbay ang mga tao rito, saan man nila gustong mapadpad, gaano man ito kalayo sa tunay nilang buhay sa totoong mundo.

Lumapit si Erica kay Benedict kaya umusog ako at lumapit kay Jellal para makapag-usap sila ng maayos.

“Long time no see,” nakangiting saad ni Jellal sa akin kaya napatingin din ako sa kaniya. Hindi pa rin nagbabago ang pustura  niya. Akala mo'y walang titibag sa tapang ng tayo niya.

“Sa dami ng pagkakataon na p'wede tayong magkita, bakit ngayon pa kung kailan on duty tayo,” saad ko bago siya pabirong sinuntok sa braso. “Ang tagal kitang hindi nakita ah. Gaano na ba karaming elf ang napa-oo mo at parang sobrang busy mo na?” natatawang tanong ko.

Napatawa rin siya ng mahina. “Hanggang ngayon ba ang tingin mo sa akin ay habulin ng elf? Nagbagong buhay na 'ko,” aniya kaya tumaas ang parehong kilay ko, tanda na hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya.

“Okay, sabi mo e,” ani ko bago kami sabay na tumawa.

May sasabihin pa sana si Jellal pero agad siyang napatikom nang pumagitna sa amin si Benedict.

Benedict DreamsWhere stories live. Discover now