Chapter Thirteen : Photographic Memory

96 7 0
                                    

Chapter Thirteen : Photographic Memory

Benedict.

“Game.”

Hindi ko alam kung paano papaganahin ang sinasabi ni Carin na kakayahan ko, pero sana tatalab ang lakas ng loob do'n.

“Humanda ka na. Ipapa-alala ko lang, may limang segundo lang. Hindi kita tutulungang makalabas sa lugar na 'to, papanoorin lang kita,” aniya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin tiyak kung saan siya nakapwesto. Ang alam ko lang, kasama ko siya ngayon kung nasaan ako.

Huminga ako nang malalim na akala mo'y tatakbo.

Biglang lumiwanag ang buong lugar kaya sinulit ko na agad ang mga nakikita ko. Tila bumagal ang oras— hindi ko alam kung bakit, pero mabilis kong nakuha kung nasaan ako, at ang bawat detalye sa lugar na kinatatayuan ko.

“Five.”

Tama akong hindi gano'n kalaki ang kinalulugaran ko. Parisukat lamang itong silid, na walang kahit ano. Kaya nagtataka ako kung saan ako p'wedeng lumabas, gayong walang pintuan, o bintana man lang.

“Four.”

May kakaibang disenyo sa pader ng silid. 'Yung mga simbolo na nasa portal ni Carin, gano'n mismo ang disensyo sa buong silid. Hindi ko sigurado kung may kinalaman 'yon sa daan palabas ng k'warto na ito, o panggulo lang 'yon para mas lalo akong malito.

“Three.”

Inisip ko na baka wala talagang labasan sa lugar na 'to, o kaya'y pinapatakbo ng mahika ang silid na 'to kaya walang lagusan. Naisip ko na baka mga elf lang ang may kakayahang makalabas dito.

Pero dahil papunta kami sa Kislap, at kung ito lang ang tanging daanan, imposibleng hindi makapasok ang mga tao lalo pa't dito rin paniguradong dumaan sila Erica.

“Two.”

Kinabahan ako dahil dalawang minuto na lang ang natitira sa akin.

Muli kong sinuri ang lugar. Tsaka ko lang napansin na hindi lang basta simbolo ang mga nasa pader. Dikit-dikit ang bawat isang 'yon, na lumikha ng mahabang linya.

Sinundan ko kung nasaan ang dulo ng linya, nang hindi umaalis sa kinatatayuan ko. Kung aalis ako rito, malilito lang ako kapag nawala na ulit ang ilaw.

Nasundan ko ang dulo ng linya— sa mismong kinatatayuan ko. May bilog do'n na binubuo ng mga simbolong hindi pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip ko, pero wala na akong ibang ideya.

“One.” Unti-unting naglaho ang liwanag. Para nanaman akong bulag. “Time's up! Tingin mo ba, kaya mo nang makalabas dito?” saad ni Carin.

Napakunot ang noo ko. Kung may photographic memory ako, ibig sabihin ba, lahat ng nakita ko kanina, ay kabisado ko na? Kung gano'n nga, kahit pala umalis ako kanina sa kinatatayuan ko, ay makakabalik pa rin ako ro'n?

“Sandali, hindi ko maintindihan,” sabi ko.

“Ang alin?”

“Bakit...” bakit ganito ang nakikita ko ngayon sa paligid ko?

“Bakit?”

Napalingon ako sa kaliwa't kanan ko. Sa harap at sa likuran ko.

Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-amaze o dapat akong mawirduhan dahil sa nakikita ko ngayon.

“Naghihintay ako.” Halata sa boses ni Carin na naiinip na siya. Aba! Maghintay siya! Ang dami kasi niya masyadong alam. Kung tutuusin pwede naman na niya ako dalhin sa dapat talaga naming puntahan. Pag na-late kami dahil sa pa-games niya, siya lang sisisihin ko.

Benedict DreamsWhere stories live. Discover now