Chapter Three : Carin

220 20 5
                                    

Chapter Three : Carin

Benedict.

Napakunot ang noo ko nang makita ang babae. Hirap na hirap siyang tumayo. Madami pang palatik na lumabas sa bibig niya. Halatang masakit ang mga paa niya dahil sa paika-ika siyang naglalakad. Mahaba ang buhok niya na hindi nakatali kaya nakadagdag ito sa pagka-irita niya dahil maya't-maya itong tinatangay ng hangin.

"Pwede bang tulungan mo nalang ako?" masungit na sabi niya. Nakatingala siya sa akin.

"Ba't kita tutulungan? Kilala ba kita?" sabi ko. Hindi ko alam kung anong tamang sasabihin, pero hindi ko naman talaga siya kilala at wala akong planong alamin kung sino siya... med'yo curious lang.

"Hindi mo ako kilala pero ikaw, kilalang-kilala ko," sabi niya sa akin sa kumpyansang tono. "Ano? Tutulungan mo ba ako o tutulungan mo ako?" inip na tanong niya kaya ilang beses akong napalunok at napa-isip kung dapat ko ba siyang tulungan.

"Ano bang gagawin ko?" nag-aalinlangang tanong ko.

"Edi i-akyat mo ako riyan sa tree house na 'yan! Diyan muna ako hanggang sa gumaling ang bali ko," mataray na saad nito. Meron bang dalaw 'to kaya ganito kasungit ngayon? Dahil sa ginagawa niya, mas lalong ayoko siyang tulungan.

"Paano kung ayoko?" naka-cross arms kong tanong sa kaniya.

"Paano kung— hindi mo ako tutulungan!? Ha!?" inis na saad niya sa akin. Sinubukan niyang kumuha ng bato sa sahig at tsaka niya ito hinagis sa akin. Kung mabagal ako, malamang natamaan ako no'n at dalawa na kaming injured ngayon.

"Kita mo!? Paano kita tutulungan niyan kung binibigyan mo ako ng dahilan para 'wag kang tulungan?" asik ko. "Mabali sana 'yang paa mo," inis kong saad sa kaniya.

Papasok na sana ako sa loob ng tree house pero muli siyang nagsalita.

"Okay fine! Tulungan mo ako. Bibigyan kita ng tatlong wish," aniya kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita kong kumalma ng kaunti ang itsura niya.

"Tatlong wish? Ano ka Genie?" Halos matawa-tawa kong saad.

"Kung ayaw mo—"

"Sandali," agad kong saad. Nakita kong nanginginig na ang tuhod niya sa sobrang sakit ng paa niya, kaya wala na akong nagawa kundi mag-isip ng paraan para tulungan siya.

Bumalik ako sa loob ng tree house at kumuha ng lubid. Sana lang kayanin ko siya, sana hindi mabigat ang babae na 'yon. Lumabas muli ako sa may terrace at hinagis ko ang tali sa isang sanga pababa sa babae, para mas madali ko siyang mahatak.

"Oh, ayan. Akyat na," ani ko.

Pinilit niyang umakyat kahit na nahihirapan siya. Tinutulungan ko din naman siya sa pag-akyat niya. Hinahatak ko ang lubid para tumaas din siya. Ilang minuto pa naka-akyat na din ang masungit na babaeng 'to. Ang daming butil ng pawis sa noo niya na halatang nahirapan siya sa pag-akyat.

Hingal na hingal naman kaming pareho na napalumpasay sa sahig.

"Tingin ko nabawasan ako ng ten kilos," seryosong saad nito habang pinupunasan ang kaniyang noo. Walang pakundangan na pumasok siya sa loob ng tree house.

Gano'n!? Walang paalam-paalam?!

"Sino ka ba kasi? Anong ginagawa mo sa baba?" tanong ko sa kaniya nang makaupo siya sa sulok ng kama ko. "Never pa kitang nakita rito sa panaginip ko. Kasama ka ba sa imagination ko?" tanong ko sa kaniya. Ang weird ng tanong ko sa kaniya pero nasa panaginip naman ako, lahat dito weird.

"Ako... Ako si Carin. Galing ako sa bubong ng tree house na 'to," saad niya habang hinihilot ang paa niya. Tangina. Ang sakit siguro no'n. Parang tumutunog 'yung buto niya. Napapangiwi nalang ako kasi parang nararamdaman ko rin 'yung sakit.

Benedict DreamsWhere stories live. Discover now