Chapter Fourteen : Cosmos and Geria

101 8 0
                                    

Chapter Fourteen : Cosmos and Geria

Benedict.

Mas maganda pala ang Kislap Kingdom kapag nasa harapan ka na nito. Hindi gaya nang sa fountain na binuo ni Carin noon.

Nagsasayawan ang mga halaman at puno sa paligid nito.

As if they're welcoming us.

“Lagpas 'to sa inaakala ko,” namamanghang sabi ko.

Nagsimula na ako mag-lakad nang sabihin ni Carin, “I know.”

May mga kakaibang uri ng ibon na nagliliparan. Mas makukulay ang mga ito kumpara sa mga normal na ibong nakita ko na dati. Ang sarap pakinggan ng mga huni nila. Para bang nawala lahat ng nasa isip ko, at tanging mahalaga na lang sa akin ay ang nakikita ng mga mata ko sa oras na ito.

Gaya ng nakita ko sa fountain, may dalawang matatayog na terrace ang kaharian, na mas lalong nagpaganda rito. Malayo pa man, ramdam ko na agad ang positibong enerhiya na nagmumula sa kaharian, kaya hindi ko mapigilang mas lalong ma-excite.

I wonder how beautiful it is inside kung ngayong nasa labas pa lang kami ay maganda na. I expect more sa loob ng palasyo.

Napansin ko na may mga maliliit na lumilipad sa paligid ng kaharian. Para silang mga fairies na nagbabantay. May mga hawak din silang wands at sinusundan din sila ng mga parang glitters. Para talaga silang fairies.

“Anong tawag sa mga 'yon?” Tinuro ko ang mga lumilipad na nilalang. Tiningnan naman ni Carin ang tinuro ko.

“Erinyes,” maikling tugon niya.

“Erinyes?” saad ko bago unti-unting naalala ang nga sinabi niya sa akin noon. “The punishers, right?”

Tumango si Carin.

“Ganito pala ang itsura nila,” halos bulong kong saad. Honestly, I thought they are something bigger than this. Hindi ko in-expect na gano'n sila kaliit. But if they really are punishers, ayoko silang maka-away.

Bawat paghakbang ko papalapit sa kaharian, nakakaramdam ako ng galak at tuwa. As if it's my first time— oh, first time ko talagang makapunta sa ganito kagandang lugar!

Pakiramdam ko, mananatili na ako rito habang buhay.

"Higher Rank Elf, Carin. Kanina pa kayo hinihintay ni Empress Dream," saad ng isang malaking elf. Dalawa sila na nag-babantay dito sa pintuan ng Kastilyo. Matangkad sila kumpara sa normal na laki ng tao. Siguro, sing taas nila ang may sampung palapag na gusali.

"Salamat," saad ni  Carin. Nag-simula na kaming mag-lakad muli nang padaanin na kami ng dalawang guwardiya. Hindi nakakatakot ang mukha nila Kumpara sa Giants at Ogre. Maamo parin ang mga mukha nila pero hindi maaalis ang salitang matapang sa kanila.

Bumukas na ang malaking pintuan na gawa sa kahoy. And as I expected. Hindi ako binigo ng kastilyo. Malawak, sobrang lawak nito. Makinis ang sahig. Madaming elf na nag-lilinis sa paligid. Ngini-ngitian nila si Carin at ang iba ay ngumingiti din saakin.

The expensive golden crystal chandelier made the Palace more elegant. Kumikinang ang bawat butil nito kapag tinatamaan ng sinag ng araw mula sa labas ng kaharian. This is more than I expected. Sobrang ganda nito at hindi mapag-kakailang sa panaginip lang ito makikita.

"Nasaan ang ibang mga Higher Elves?" Tanong ni Carin sa isang elf.

"Nasa Grand Hall sila. Kayo na lang po ang hinihintay," saad nito sa kaniya. Tumango si Carin kaya nag-patuloy sa pag-lilinis ang elf.

"May alipin din pala kayo dito," I said without looking at Carin.

"Hindi sila alipin. Well, kung ang alipin ang pag-kakaintindi mo sa pusisyon nila, Hindi ako manlalaban. Pero ang mga elf na nakikita mong nag-lilinis dito, mas maganda ang pamumuhay nila kaisa sa pamumuhay ng mga aliping tao," she said, emphasizing the word, Alipin.

Hindi ko nalamang siya pinansin. Sumunod na lamang ako sa kung saan siya pumunta. Hindi parin nawawala ang aliw at pag-kamangha sa mukha ko. Bakas parin dito na natutuwa akong makita ang ganitong klaseng lugar kahit sa panaginip lang.

Dumaan kami sa isang mahabang hallway. May mga nag-lalakihang frame dito at may mga nakapintang mga tao. Ang iba ay fierce at ang iba namab ay mukhang bubbly. Ang iba seryoso at ang iba naman nakangiti at normal lang.

"Sino 'yang mga 'yan?" Tanong ko kay Carin habang pinag-mamasdan ko isa-isa ang mga naka-pintang tao sa bawat frame. May mga naka-ingrained na pangalan sa bawat frame. Siguro 'yun ang mga pangalan nila.

"Sila ang mga former Emperors at Empress ng Kislap Kingdom," saad ni Carin. "And oh, he's my favorite," huminto kami sa isang frame na may pinta ng mukha ng isang gwapong lalaki. Mukhang bata pa siya.

"Bakit naman? Dahil gwapo?" I asked in boring tone.

"Sort of," she giggled. Nag-simula na kami muling mag-lakad. Ang layo naman ng Grand Hall na 'yon. Nakakapagod na mag-lakad. "He ruled the Kislap Kingdom at young age," saad ni Carin.

"May mas babata pa ba kay Empress Dream?" Tanong ko.

"Well, yeah. Si Cosmos. Pangalawa lang si Empress Dream sa pinaka-batang namuno sa buong Panaginip. He's fourteen years old when he's declared as the Emperor of the Kislap," saad ni Carin. "Sad to say, hindi pa ako buhay ng mga panahon na 'yon."

"Buti nga," I whispered.

"Pero naabutan ko ang pinaka-matandang naging Empress ng Kislap," dagdag ni Carin. "Her age is two hundred seventy eight (278)," saad ni Carin na ikinagulat ko.

"Seriously?"

"Mukha ba akong nag-bibiro? Ang elf ay isang immortal. Natural lang 'yon," saad niya. Lumiko kami sa kanan at pumasok sa isang malaking pintuan. Gaya ng nasa front door ng kaharian, may nag-babantay din dito. Actually, lahat ng pintuan dito, may dalawang guards na nag-babantay.

Pinag-buksan nila kami ng pinto. Tumambad saamin ang maluwag na silid. Mayroon din itong gintong chandelier pero ang silid ay walang bintana kahit isa. Siguro ayaw nilang may makakita sa loob nito?

"Anong pangalan no'ng tinutukoy mong pinakamatandang Empress," tanong ko.

"Geria. Binabanggit as Geraya," tugon niya.

"How about you? Ilang taon ka na?" Tanong ko.

"None of your business," masungit na sambit niya.

Balak ko pa sana siyang kulitin kaso nag-salita na si Empress Dream. "You're late, Ranker two," saad ni Empress Dream. Nakatingin siya kay Carin.

"Sorry, Empress Dream. Binigyan ko lamang ng pag-subok---"

"I don't need your explination!" Sigaw ni Empress Dream na ikinagulat ng mga kasamahan niya sa loob ng Grand Hall. Maging ako ay nagulat. Carin was stunned. Hindi niya siguro ineexpect na magiging ganito ang sagot ng Empress.

Pinag-masdan ko mabuti ang Empress. Her eyes caught my attention. Ang isang mata niya ay kulay Itim, at ang isa naman, ay puti. Kakaiba. There's something wrong with the Empress.

Something. . .Weird.

--

Benedict DreamsWhere stories live. Discover now