Chapter Twenty : Seven Lights

Start from the beginning
                                    

“This is bad. Hindi pa natin na-ttrain ang mga special dreamer.”

Napatingin ako sa gawi ni Empress Dream. May kung anong ilaw ang lumitaw sa noo niya. Kaboses din niya ang narinig ko sa isip ko. “Oo, ako nga ito. Kinakausap ko kayo gamit ang isipan ko,” saad niya bago tumingin sa akin.

“Kung gano'n lahat kami ay naririnig mo?” Tanong ko rito.

“Oo,” maikling tugon niya sa tanong ko. “Carin, Jellal, Mysto, Mavis, at Makra, tulungan niyo si Zyref. Mga special dreamer, ang kailangan niyong gawin ay ipaliliwanag ko. Basta kahit anong mangyari, 'wag kayong aalis sa pwesto niyo. Kapag binalak kayong tirahin ni Dark, dodge. Please don't die.”

Agad kaming nagtanguan. “It seems like there's a meeting inside your heads. Hindi na naman ako invited,” kunwaring nagtatampong sambit ni Dark.

Agad namang sumugod sila Carin at ang iba pang elves sa kaniya. Masyadong mabilis si Dark kaya hindi siya natatamaan kahit isa sa mga elf.

Aaminin ko, mabilis ang mga elf pero walang panama ang elves sa isang anino. Kahit saan pwede siyang pumunta.

Sa itaas ng hardin, nakalutang ang ilan sa mga elf. Mas maliliit sila kumpara kay Carin, pero ramdam ko ang enerhiyang nanggagaling sa kanila. Nagliliwanag sila. Tingin ko, sila ang mga nakakatandang elf, at binibigyan nila ng karagdagang lakas sila Carin at iba pang lumalaban kay Dark.

“Special dreamers, huminga kayo ng malalim. Makinig kayong mabuti sa sasabihin ko dahil wala na tayong oras para ulitin pa 'to,” ani Empress Dream sa isipan naming mga dreamer habang nakikipaglaban ang mga guardian elf namin.

Tumango ako bago huminga ng malalim. Magkakalayo kami. Mula sa kanan ko, nakikita ko si Erica. Malalim ang iniisip niya at naka-ilang inhale-exhale na rin siya. Halata ko ang takot sa mukha niya.

Ang dalawang kamay ninyo, itapat ninyo sa itaas,”  saad ni Empress Dream na kaagad kong sinunod. “Isipin niyo ang pinakamasaya at pinakamagandang panaginip niyo simula pagkabata,” dagdag pa niya.

“Close your eyes if necessary. Open it when you're ready.”

Malakas na hangin ang sumasalubong sa mukha namin. Pinikit ko ang mga mata ko, iniisip ang pinaka-magandang napanaginipan ko.

Ang makita sa panaginip na kumpleto ang pamilya namin. Ang makita sa panaginip ang mukha ni Beatrice. Ang maranasan na maging normal na tao sa loob ng panaginip.

Then, I saw her.

Carin.

Her smiles. Ang masungit niyang mukha. Ang boses niya everytime she nags me. Ang mata niyang nangungusap. Ang lahat ng ginawa niya. Sa bawat panaginip ko, she's there. At ayokong mawala siya. Ayokong mawala siya sa tabi ko.

Is it weird if I say, I want her badly to stay by my side?

I opened my eyes. “Ready,” I said.

“I'm ready!”

“R-ready.”

“Can I back out? I mean, h-handa na 'ko.”

“Let's go.”

Lahat kami napatingin kay Erica ngayon. Nakangiti siya at nakapikit. Marahan niyang binuksan ang mga mata niya at agad akong sinulyapan.

“Ready as always,” saad niya.

“Good. Then now. Feel the energy coming through your nerves. Isipin niyo ang panaginip ninyo na nagkatotoo sa totoong buhay,” saad ni Empress Dream.

Huminto si Dark sa pag-iwas sa mga elf. Nagpakawala siya ng malakas na itim na enerhiya, dahilan para tumalsik kaming lahat. Gayunpaman, nanatili ang mga nakakatandang elf sa ere. Naramdaman kong bumalik ang lakas ng katawan ko.

They're raising our attributes.

“Akala niyo ba matatalo niyo ako dahil lang may anim na special dreamers sa inyo?” natatawang saad ni Dark. May lumutang na itim na globo sa ere. Nabalot ang langit nito.

Naging alerto kaming lahat dahil baka ihagis niya sa amin ito. “Pito na lamang ang may magandang panaginip. Kayong anim na special dreamer at, hmm... well itong batang ito sa banda rito,” saad niya bago may iturong ilaw sa globo.

“Ilabas niyo ang lahat ng emosyon na meron kayo. Galit. Saya. Lungkot. Lahat,” saad ni Empress Dream sa isipan namin. Pinipigilan niya ang sarili niya na intindihin ang sinasabi ni Dark.

Agad kong nilabas ang lahat ng emosyon ko. Galit, kay Dark. Lungkot, dahil sa buhay na mayroon ako sa labas ng panaginip na 'to, at saya, dahil kay nakilala ko si Carin.

Umilaw ang mga kamay namin—

No.

Umilaw ang mga kamay nila. Tumingin ako sa mga katabi ko. Iba't ibang kulay ang nasa kamay nila. “Anong nagyayari? Benedict?” tanong ni Empress Dream sa akin dahil ako na lamang ang walang nabubuong mahika sa mga palad ko.

Hindi ako pinapansin ng mga kasama ko bukod kay Erica. Nag-aalala siya sa akin habang ang ibang special dreamer ay namamangha sa nagawa nilang liwanag.

“I don't know. Sinunod ko naman lahat ng sinabi—”

“Bumalik tayo sa pitong ilaw, magiging anim,” sabi ni Dark dahilan para mas lalong maging alerto lahat ng elf.

Napagitla ako nang mapatingin siya sa akin.

Hindi.

Hindi p'wede.

End of Chapter Twenty.

Benedict DreamsWhere stories live. Discover now