Chapter 27- Cheque book

16.2K 443 27
                                    

Cami

Wala ng ligaw-ligaw... Kinabukasan, pagkagising ko, Peter asked me to marry him.

"Bakit nagmamadali ka?" Kunwari nagpapakipot na tanong ko.
"Lumalaki na si Saint. Kailangan na ng kapatid." He replied.
Natatawa akong nagtago sa ilalim ng unan. He throws that pillow at the floor.
"Ginamit mo na naman yang anak mo."
He smiles widely. "Effective pa ba?" Tanong niya.
"Effective pa." Tumango ako.
"Yes... Civil or church wedding, it's your choice. Basta makasal tayo." He kissed me on my lips and I am longing to open my mouth. May sugat lang talaga ako na sobrang sakit ngayon.
"Kailangan nating mapalipat si Saint ng apelyido. Saint Gatchalian is much better." Masayang bumangon si Peter sa kama.
"Wala akong sing-sing mommy. Kailangan mong pumili ng gusto mong engagement ring."

Hindi ako tumayo ng kama. Masakit ang buong katawan ko.
"Bumangon ka na, Cami. Nagpipigil lang ako dahil naaksidente ka. Can't you see?" Tinuro nito ang hard on niya na super hard.
"Masakit kasi katawan ko." I told him. Pinipigilan kong tumawa.
"Oh God. Sige mahiga ka lang. Magsho-shower muna ako ng malamig na tubig." He said.
"Hay...kamay na naman ang kapiling..." natatawang sabi nito bago isarado ang pintuan.
I burst on laughing.

Nasa Country Club kami kasama si Tito P. Pinaiwan ni Tita Diane si Saint sa bahay nila. Kalaro ang kambal ni Rome at Rome at ang aso nila Khal at King. Ang gulo namin dahil ang cool ng mga magulang ng kaibigan ni Peter na naging kaibigan ko na din.

Nasa downtown kami at nakahiwalay ng table ang mga Titos and Titas. Umiinom sila ng kape at nag-uusap tungkol sa mga negosyo nila. We, on the other hand, ay tungkol sa nalalapit na kasal namin ni Peter ang usapan. Nasa isang diner kami na halos occupied namin buong lugar.

"Will you invite your parents?" Tanong ni Allison.
Napatingin ako kay Peter. Nagkibit balikat lang siya.

"Bahala ka sa details ng kasal natin. Ang gusto ko lang talaga ay maikasal sayo. The rest is just an additive. Kayo ni Saint ang importante sa akin. Kung saan kayo masaya, doon ako." He told me when I asked him kung payag siya sa simbahan na napili ko. Sino ba ang hindi kikiligin.

"I might talk to them...But I am not expecting anything." I replied.

"Camilla?" Napatingin kami sa tumawag sa pangalan ko.
"Ian..." I acknowledge him.
"Sabi ko na ikaw yan. Where have you been? Is the story circulating is true? Na pinabugbog mo si Gary?" Tanong niya. I heard my female friends gasp.
"No. He attacked me." I replied.
"Oh... But your parents told me..."
"They are lying obviously," I replied coldly.

"Ian..." Tawag ni mommy dito. Then she saw me and her face changed.
"Ano ang ginagawa mo dito, Camilla?" She asked sharply.
"At kasama mo pa ang hampas-lupang ito." Baling nito kay Peter.
Tumawa si Peter na lalong ikinagalit ni mommy.

"Nabalitaan ko na nakabili ka ng bagong sasakyan. Bakit may lakas ka ng loob na gumastos samantalang malaki ang utang mo sa amin ng daddy mo?" Sabi nito.
Naikuyom ko ang kamao ko sa sobrang hiya. Of all the places, sa harap pa talaga ng mga kaibigan ko nagwala si mommy.
"Iuwi mo na si mommy, Ian. Thank you." I dismissed them.
"Mayabang ka na ngayon, Camilla? Bakit? Dahil napakulong mo si Gary? Yung taong kaya kang pakasalan kahit may bastarda kang anak."
"Tama na." Napatayo ako sa galit.
"Bayaran mo ako, Camilla." My mom said with her venom voice.

"Magkano?" Sabay-sabay na tanong ng mga kaibigan ko. Kanya kanya silang dampot ng bag at isa-isang naglabas ng cheque book. Maliban kay Allison at Beth. Nakangisi lang silang dalawa sa nanay ko.
"Magkano kailangan mo para layuan mo ang mag-ina ko?" Tanong ni Peter.
"No... Don't give her anything." Pigil ko kay Peter.
Nakatingin sa amin ang mga Titos and Titas sa kabilang table.
"Huh... ang lakas ng loob mong tanungin kung magkano ang kailangan ko? Bakit may pera ka ba?" Nanglalait na tanong ni mommy. Hindi man lang awatin ni Ian ang kasama niya. At nasaan ba si daddy?
Tiningnan niya si Peter mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha.
"Magkano ka?" Nagngingitngit na tanong ni Peter.
"Kinuha nyo na ang mga naipundar ko. Hindi pa ba sapat yun?" May hinanakit na tanong ko.
"Magkano lang ba ang property mo? Tatlong milyon. Kulang ka pa ng seven million. Then we are even." Mayabang na sagot ni mommy.

Nanginginig ako sa galit. Alam kong namumula na ko.

Tumayo si Tito P mula sa kabilang table at humarap kay mommy.

"Pitong milyon, kapalit ng hindi mo pagcontact kay Camilla at sa apo ko." Sabi ni Tito P.
"Mr. Gatchalian?" Naitanong ni Ian. Tumango si Tito P.
"Ikaw na may ganang hamakin ang nag-iisa kong anak at tawagin na hampas-lupa." Kalmado naman ang pagkakasabi ni Tito P pero napaatras si mommy. I saw Peter smirked.
"Cami, let me handle this," Peter said to me. He is still giving me a choice... But I want to end it so I nod at him.
"You will sign a contract in exchange for seven million. You will not go near my family or I will sue you." Peter said to mommy.

Lumapit si Tita Sam at may inabot kay Peter. It's a handwritten contract but it is a binding never the less.

"Pirma." Binaba ni Peter ang contract sa table. Kinuha niya ang isang cheque book sa bag niyang dala at pumirma ng isang cheque. Binigay niya kay mommy pagkapirma ni mommy ng contract.

"Pitong milyon kapalit ng pagiging ina mo. You can go now and never go near with Cami and Saint again." Peter warned her before she left with her head held high. Nanlalambot akong napaupo. Walang luhang umagos sa mukha ko. It's over and I felt...relieve.

"You go around with your checkbook?" Iyon ang naitanong ko sa kanilang lahat at nagtawanan sila.

"Si Tita Sam nga may dry seal na dala lagi." Cailee commented.

"Samantha, may pang-notaryo ka talagang dala sa bag mo?" Tumatawang tanong ni TitaDiane.
Nagtawanan kami dahil nagka-asaran na sa kabilang table.

"Thank you," I whispered to Peter.
"Anything for you, mommy." He kissed my forehead.

Saints of Cami- CompleteWhere stories live. Discover now