Chapter 12- I Got You

14.7K 417 5
                                    

Saint

Nakatulog akong nakayakap si Saint sa akin. Patay na... alam na niyang paikutin ako. Nakatalikod sa amin si Cami magdamag suot ang t-shirt ko na hanggang tuhod niya sa haba.

Nagising ako na wala ang mag-ina ko sa tabi ko. Bumalik ako sa kwarto at nagwash up bago bumaba. Naamoy ko ang coffee... Bakit parang hindi 3 in 1 ang coffee ngayon.

"Morning daddy." Masiglang bati ng anak ko pagkakita sa akin.
Naabutan ko siyang nagda-drawing sa kitchen island habang nagluluto naman si Cami. Umupo ako sa tabi ni Saint and Cami gave me a cup of coffee. Freshly brewed.
"Thank you," I replied and she smiles before she went back to stove. I kissed Saint on her head.
"What are you doing?" Tanong ko kay Saint.
"I'm drawing the fruits." She replied. Ginagaya niya ang mga prutas na nasa fruit basket sa gitna ng kitchen island. Tiningnan ko ang drawing niya and my kid has a talent on drawing.
"Ang galing ah... manang mana ka sa akin ah." Natutuwa akong niyakap si Saint. Her shading will improve in time but what the hell, she's only ten. Mas maganda pa ang drawing niya kaysa sa ibang Archi Student.

"Ano yang ginagawa nyo?" Tanong ni papa pagpasok sa kusina.
"Papa P, look." Tinaas ni Saint ang ginagawa niya.
"Ang galing ng apo ko, mana ka kay Papa P." He kissed Saint's head and smile to Cami when she offered coffee.
"Ahhh...ang sarap. Salamat Cami. Freshly brewed. Napurga kami ni manang sa 3 in 1." Tumatawang sabi ni papa.
"Ano yang niluluto mo? Meron tayong kasambahay."
"Ay, okay lang po. As much as possible po, gusto ko po ako ang nagluluto." Sagot ni Cami.
My father gave me a knowing smile bago humigop ng kape.
"Papa P, chef si mommy. Kaya the best ang luto niya." Pagmamalaki ni Saint.
"Really... Mukhang tataba kami nyan. Matagal na akong hindi nakakakain ng masarap na luto." Sabi ni papa. Natawa si papa ng tingnan siya ni manang.
"Pero hindi marunong magdrawing si mommy." Sabi ni Saint.
Doon ako natawa kasi totoo yun.
"Kaya niyang idrawing ang toothpick." I commented.
Nagtawanan kaming tatlo nila Saint at papa. Umiiling-iling si Cami na bumalik sa niluluto niya.
"Pinagtulungan nyo na naman akong dalawa." Sabi nito.

"Pagkakain natin apo, punta tayo ng mall. Bili tayong art supply, gusto mo?" Tanong ni papa kay Saint.
"Pwede po pati pang painting?" Tanong ng bata.
"Oo naman. Bibilin natin lahat ng drawing supply." Sagot ni papa.
"Asikasuhin nyo na ni Camilla ang dapat nyong asikasuhin. Ako na bahala kay Saint. Magdadate muna kami ng apo ko." Sabi ni papa sa akin.

Dumating kami sa bahay nila Cami. Ang sabi ng katulong, umalis daw ang mag-asawa. Nagbakasyon... Umiiyak ang matandang katulong nila ng makita si Cami. Mas makakabuti daw na ialis na niya ng tuluyan si Saint dito. Hindi niya sinabi kung bakit pero sapat na sa akin yun para isumpa lalo ang mga magulang ni Cami.

Una naming inayos ang gamit ni Saint. Tinulungan kami ng matandang katulong nila na naging yaya pala ni Cami noon. I saw my old ID photo nakalagay sa maliit na photo frame sa bed side ni Saint. Natatawa akong dinampot yun.
"Mukha akong malnourish dati." I said. Tumingin ang katulong sa amin ni Cami na nakatingin pareho sa picture at tumatawa.
"Kamukha-kamukha mo si Saint." Sabi nito.
"Opo... hindi maitatanggi na ako ang tatay." Nakangiting sagot ko.

Nang matapos kami sa kwarto ni Saint, lumipat kami sa kwarto ni Cami. Ganun na lang ang panglalambot niya ng makitang magulo lahat ang gamit niya. Naluluha siyang tiningnan ang mga papeles na nagkalat.
"Kinuha nila ang titulo ng lupa." She said.
"Anong lupa yun Cami?"
"Etong bahay na ito. Sa akin ito. Ako ang nagpatayo, ako ang bumili. Para sana sa amin ni Saint." She replied.
"Let it go...for a while. I got you and Saint. May kukuhanin ka pa ba?" I asked her. Hindi ko na kailangan na dagdagan pa ang sama ng loob nya by talk trashing to her parents.
Tinulungan pa rin si Cami ng yaya niya na iayos ang kwarto nya after niyang kuhanin ang mga gamit nilang mag-ina.

"Yaya, kung aalis ka dito. Hanapin mo ako o kaya si Saint." Sabi ni Cami sa matandang yaya niya bago kami umalis. Binigay ni Cami ang number ko sa matanda.

Wala kaming kibuan hanggang dumating kami sa bahay puno ng mga kahon ang pickup truck na dala namin. Naabutan namin si Saint at papa na seryoso sa pagpipinta. Tig-isa pa sila easel stand na nakaharap sa garden.

Cami and I just watch our daughter paint at kuntento na kami doon.

"I don't want to go back to Italy." She whispered. "I don't want to miss her growing up."
"Then don't, Cami." I hold her hand. I got you... I got you.

Saints of Cami- CompleteWhere stories live. Discover now