Chapter 7- Holy Saint

14.4K 469 34
                                    

GIRLS POV

Habang nakabilid sila sa araw at nasa pool ang mga kids kasama si Daddy Saint na nakatop-less at litaw na litaw ang mga muscles at tattoo, nag-uusap naman ang mga magkakaibigan.

"Lakas maka-macho sa lalaki na may karga-kargang bata." Tinuro ni Jack si Daddy Saint na nakapasan si baby Saint sa balikat habang tawa ng tawa.
"Totoo...ang cute nilang tingnan ng anak niya." Khal told them. Nagtanguan sila.
"Parang ibang level ang charisma ni Saint ngayon. Biglang taas eh noh?" Zoey commented.
"Infairness kasi sa kanya, ang ganda talaga ng katawan." Sagot ni Cailee.
"Gusto kong sundan kung nasaan ang buntot ng dragon niya na natatakpan ng shorts. Magmula sa likod paikot sa katawan niya ang tattoo na dragon eh. Saan huminto ang buntot nun? Curious lang ako." Tanong ni Beth sa kanila. Sinundan ng mga girls ang sinasabi ni Beth na tattoo...
There is a dragon tattoo on Daddy Saint's back, ang isang pakpak nito ay nasa likod at ang isa pa ay nasa tagiliran ni Saint habang ang katawan ng dragon ay paikot sa katawan ni niya. Natakpan ng shorts ni Saint ang buntotng dragon.
"Dati payatot yang si Saint. Ngayon, wow, hello abs." Allison said. Tinaas pa ng mga girls ang suot nilang shades para makita ang pagbuhat ni Daddy Saint kay baby Saint. Nilagay niya ang anak niya sa balikat.

"Parang wala kami dito kung mag-usap kayo ah." Sarcastic na sagot ni Gab. Tinaas ni Cailee ng kilay si Gab at bumalik sa panonood sa mga bata sa pool.
"Nasaan ba ang kambal ko. A...B... Sumampa pa kayo sa likod ko... Magsabay pa kayo." Sigaw ni Rome.

Nagtawanan ang mga magkakaibigan na babae.

"Elizabeth... Tutulo na yang laway mo." Sigaw ni Jon kay Beth. Sinarado ni Beth ang bibig nya. Nakanganga pala siya ng hindi niya namamalayan.
"Humanda ka mamaya." Banta ni Jon. Tumawa lang si Beth sa sinabi ni Jon.

"Bakit ba ang bitter nyo? Nakatingin lang kami." Tanong ni Jack sa kanila. Tinaasan siya ng kilay ni William.
"Hindi naman namin tinitikman." Sabi ni Zoey.
"Naappreciate lang namin ang ganda ng view." Sagot ni Beth na biglang tumawa ng makita ang reaction ni Jon na sasabog na naman sa inis.
"May mata kasi kami, gaya nyo na nakafollow sa IG ng mga hubad na babae." Tinaasan ng isang kilay ni Cailee si Gab.
"Hindi naman namin tinatapon ang sarili namin sa paa ni Saint." Allie added.
"Nakatingin lang kami." Sabay-sabay na sabi ng mga girls.

Umahon si Daddy Saint sa pool habang tumutulo ang tubig sa katawan. Tumabi siya sa mga kaibigan niya.

"Oh, ano problema nyo?  Bakit nakatingin kayo sa akin?" Tanong nito.
"Mag-asawa ka na nga." Sagot ni King sa tanong ni Saint.
"Nakakasira ka ng pagsasama." Rome added.
"Ano na naman ang ginawa nyo?" Tanong ni Daddy Saint sa mga kaibigang babae na nagtatawanan lang.
"Gusto nyo talaga akong ipalibing ng mga jowa nyo."

"Daddy..." Tawag ni baby Saint sa ama.
"Look." She said and she went to dive into the pool.
"Ahhh... ang cute." Sabay-sabay na sabi ng mga girls.

"Dun kana, hindi ka na namin bati." Pagtataboy ni Rome kay Saint na ikinitawa nito.

-----------------
A/N
Kailangan ko itong chapter na ito hahaha

Saints of Cami- CompleteWhere stories live. Discover now