Chapter 18- Two Saints Combined

15K 433 33
                                    

Saint

Tumatawa akong sinaluhan si papa sa kusina. Nag-iwan ng almusal si Cami sa Kitchen Island.
"Ang sarap magluto ni Cami." Sabi ni daddy habang kumakain ng parang scrambled egg pero hindi ordinaring itlog.
"Yup." I replied saka sumubo. Ah, sarap. Papakasalan ko talaga siya kung hindi lang siya aburido pa sa buhay.
"Ano plano mo sa mag-ina?" Biglang tanong ni papa. Nahinto ang pagnguya ko. Tumayo ako saka kumuha ng coffee. Kailangan ko ng kape kapag ganito ang usapan.

"Pa, kailangan ko muna siyang mapilit na magstay sa Pilipinas." I replied.
Tumango si papa saka sumubo ulit ng itlog.
"Gusto ko siyang pakasalan." There I said it.
"Alam nya ba?"
"Na alin?" Tanong ko. Para kaming magkapatid ni papa.
"Na gusto mo siyang pakasalan."
Umiling ako.
"Dahil ba sa nagbigay sya ng statement sa rape case mo before?" Parang casual nalang kung pag-usapan namin ni papa ang nangyari noon.
"Hindi siya nagbigay ng statement. False documents ang binigay ng magulang niya sa pulis. Gab had a copy. We are building informations against her parents. In case lang na manggulo pa sila, may panglaban na ako." Pagkukwento ko.

"Papasok ako office ngayon. Kailan ka sasama para matutuhan mo ang ang pagmanage ng mga company natin?" Tanong ni papa. Yun ang lagi niyang tanong, iisa lang naman ang lagi kong sinasagot.
"Next time, pa." I replied. Napapailing ito.
"Saint, isakang Gatchalian. Sayo mapupunta ang mga negosyo na tinayo ko." Pangaral nito. Pero hindi Gatchalian ang surname na ginagamit ko.
Ngumisi ako kay papa. "Bata ka pa, mukha ka ngang kuya ko. Akala mo hindi ko alam na may girlfriend ka ngayon na halos kasing edad ko... Hintayin mo si Saint bago ka magretire, pa."
Napapailing ito. "Saan mo nabalitaan yun?"
"Nakita ka ni Jon... iisa lang kayo ng condo." I smirked at him.
"Gumamit ka ng condom papa. Baka may sumulpot pa na kapatid ko ha. Mas matanda pa ang apo mo." Paalala ko sa kanya. Tumatawa siyang iniwan ako sa kitchen.

Pagdating ko sa shop, sinalubong agad ako ni Nash.
"Boss, kanina pa siya naghihintay sayo." Tinuro ni Nash ang isang babae na parang kakagraduate pa lang ng college pero ang dami ng tattoo sa braso. Nakat-shirt siya na itim, ripped jeans, converse shoes... at purple ang kulot na buhok.
"Ikaw ba si Saint?" Magalang naman na tanong niya.
Tumango ako at doon niya inabot ang dala nitong resume.
"Jolina Suarez po. Sabi ni Nurse Beth, nasabi nya na po na mag-aaply ako as your secretary."
"Ahh... ikaw pala yun." Inabot ko ang resume niya. Binasa ko na kakagraduate nya as computer science sa isang computer school sa Batangas.
"Freshly Grad ka?" Tanong ko. Nakatingin si Nash at ang apat pang kinuha naming tattoo artist.
"Opo."
"Marunong ka naman magcomputer, obviously. Ganito, Jolens... ikaw ang taga sagot ng phone at ikaw ang gagawa ng schedule namin." Pinaliwanag ko sa kanya ang mga gagawin niya. Pinabukas ko sa kanya ang computer at tinuro ang template ng schedule namin. Tinuruan ko siya sa paggawa ng receipt at siya din ang magiging cashier namin.
"Okay ba sa magulang mo na dito ka magtatrabaho at puro lalaki kaming kasama mo?" Tanong ko sa kanya after kong magpaliwanag.
"Wala na po akong magulang. Kami na lang po ng kapatid ko ang natitira." Sagot niya.
"Kung may mambabastos sayo, kahit sino sa limang 'to, sabihin mo sa akin. Maliwanag?" Tanong ko sa kanya. Tumango si Jolens.
"Kailan mo gustong magsimula?"
Ngumiti si Jolens bago sumagot. "Kahit ngayon na po Boss."
"Okay... tanong ka lang sa akin o kay Nash kung naguguluhan ka." Pumasok ako sa cubicle ko at sinimulan ang unang client ko ng araw na yun.

"Jolens, hindi ako tumatanggap ng babae na client. Kapag merong babae na nagpapaschedule, sabihin mo full ang sched ko. Ibigay mo sa lima kung sino ang available or kung sino ang gustong artist nung client maliban sa akin." Bilin ko sa bagong secretary namin.
"Yes Boss." Sagot nito.
"Nash, tulungan mong mag-cash out si Jolens mamaya. Kayo na ang magsarado ng shop. Kita tayo ulit bukas." Paalam ko sa mga kasama ko.
"Aalis ka na agad? Alas tres pa lang ah." Puna ni Nash.
"Susunduin ko pa ang anak ko." Sagot ko. Nagulat si Nash. Napahinto sa pag-inom ng kape.
"Kailan ka pa nagkaanak?" Tanong nito.
"Chismoso mo." Iniwan ko sila na nakamulala si Nash sa akin.

Malungkot si Saint ng sumakay sa kotse. She kissed me on my cheek bago siya nagseat belt.
"Bakit malungkot ka?"
Yumuko si Saint bago nagsalita. "Sabi kasi ni mommy, baka daw may girlfriend ka na. Eh di hindi na ako magkakaroon ng kapatid."
Natawa ako ng bahagya sa sinagot ng bata. "Sabi ni mommy yun?"
Tumango si Saint. "Na baka daw may girlfriend ka."
"Wala akong girlfriend, Saint."
Doon pa lang tumingin sa akin ang anak ko. Malungkot talaga siya.
"Love mo pa ba si mommy?" tangon nito.
"Can you keep a secret?" Tumango si Saint.
"Bawal sabihin kay mommy ha." Tumango ulit siya.
"I need your help, baby."
"Para saan po?"
"Para ligawan si mommy." I wiggle my eyebrows on her. Doon pa lang ngumiti si Saint and she giggled.
"Deal, daddy. Paint mo ulit si mommy." She started suggesting.
Natatawa ako na natatakot kung saan niya nakukuha ang mga sinasabi niyang tips sa panliligaw.

Saints of Cami- CompleteWhere stories live. Discover now