Chapter 20- Oplan Ligaw

14.6K 406 18
                                    

Saint

"Pasensya na kay Jolens, praktisado na nya ang linya na yun buhat ng magsimula siyang magwork dito." I told Cami. Nadinig kong naglitanya na naman si Jolina kanina. Hindi ko naman alam na si Cami ang dumating.
"Hindi talaga siya masungit?"
"Hindi. Masarap nga kasama yung batang yun. Kasundo lahat ng mga bata ko saka mga client. Maayos pang magtrabaho." I replied habang nilalabas ang mga dala niyang pagkain.
"Ang dami mo na namang niluto. Kumain ka na ba?"
Umiling si Cami. "Binigyan ko din si Allison."
"Sabay na tayong kumain." Pinaupo ko si Cami sa tabi ko at ako naman ang naghain sa kanya.
Tahimik kaming kumain. My favorite, chicken curry. Walang tatalo sa luto ni Cami.
"Sarap." I said while chewing. Ngumiti si Cami pero hindi sumagot.

"Maam, sorry po kanina hindi ko alam na ikaw ang girlfriend ni Boss." Hinging paumanhin ni Jolina kay Cami ng padaan kami sa reception desk.
"Huh? Hindi ako..." Itatanggi ni Cami na girlfriend ko siya kaya inunahan ko na siyang magsalita. Mapapahiya ako kapag sinabi niyang hindi ko siya girlfriend.
"Merong chicken curry sa pantry, kainin nyo na ha. Babalik ako mamaya." Hinila ko si Cami palabas ng shop.

"Peter, you need to tell them that I am not your girlfriend." Sabi nito pagkalabas namin.
"Why would I?"
"Kasi... hindi naman tayo." Sagot niya.
"Huwag mong problemahin ang hindi dapat problemahin." I just said instead.

Malaki ang vacant space na available sa mismong ground floor ng hotel. Tamang-tama para sa resto.
"Ano ang dating nakapwesto dito?" Tanong ni Cami sa manager na nag-aasist sa amin.
"Restaurant din." She replied.
"Bakit nagsarado?"
"Hindi masarap ang food." Nangingiting sagot ng manager.
Nakangiting tumingin sa akin si Cami. And she took my breath away.
"What do you think, Peter?" She asked me.
I got a picture in my head on how the tables and chairs will be like.
"I think you need to put a wine bar over there." Tinuro ko ang isang space na maghahati sa kitchen at dining area.
"Naisip ko din yan." She replied.
"Can we discuss first before we commit?" Tanong ni Cami sa manager.
"Sure, here is my card. If you have questions, feel free to call." Binigay ng manager ang calling card niya.

"What do you think.?" Tanong ko kay Cami habang naglalakad kami papunta sa shop ni Allison. She's chewing her bottom lips. Nag-iisip niya.
"I like the place." She said. I almost jump when I heard it but I played it cool.
"Kaya lang..."
"Kaya lang, ano?" Tanong ko. Hindi ako humihinga.
"Kailangan ko ng partner, and I need him or her para i-supervise ang labas. Hindi ko kayang imanage ang kitchen at ang dining area." Sagot niya. Doon pa lang ako nakahinga ng maayos. Mukhang napag-isipan na niya.

Pagpasok namin sa shop ni Allison, nandoon ang mga kaibigan namin.
"Uy, saan kayo galing?" Tanong ni Zoey.
"Tiningnan namin ang vacant space sa Grace Hotel." Sagot ni Cami.
"And? What do you think?" Tanong ni Khal.
"I like the place... But I need a partner sa resto. Hindi ko kayang imanage ang dining area, gusto kong mag-focus sa kitchen." Sagot ni Cami.
"I have a suggestion, yung pinsan at kapatid ko, naghahanap ng partner for resto din. Baka pwede kayong magcombine since ang focus ng pinsan ko is yung wine bar, at yung kapatid ko naman ay yung pagmanage ng work force. Then you can manage the kitchen." Sabi ni Gab.
"Oo, tama... Si Summer, the best pagdating sa wine. Alam niya kung anong wine ang para sa anong food at mood." Sabi ni Cailee.

Cami chew her bottom lips again...
"Kailan ko sila pwedeng makameet? I have a proposal." Sabi ni Cami.
Yes... fucking hell... This is it. She will stay... Ang kailangan ko lang gawin is to make her stay permanently.

Oplan ligaw na kami ni baby girl.

——————
A/N
Dalawa lang ang UD ngayon dahil walang pasok.
So see you on Monday mga beh.

Saints of Cami- CompleteWhere stories live. Discover now