Chapter 13- Protective Father

14.5K 421 24
                                    

Cami

Hinatid namin si Saint sa school niya kinabukasan. She insist na sumama pati si Peter hanggang sa loob ng classroom. Ano na naman kaya ang balak ng anak ko?

"Hi classmates." Napatingin pati ang teacher ni Saint sa amin.
"These are my parents... As you can see, I have a mom and a dad... A real mom and dad." Sabi nito.
Nagkatingin kami ni Peter at ang teacher ni Saint.
"Kaya huwag nyo akong tinutukso na ulila." Sabi ni Saint.
Nagulat pati ang teacher nya sa sinabi ng anak ko.
"Saint." Pagbabawal ko.
"Isusumbong ko na kayo sa daddy ko kapag inaway nyo pa ako ulit." Sabi nito. Sa daddy nya, hindi sa akin. Daddy's girl na siya agad, wala pang one month silang nagkakilala ni Peter.
"At sabi ng Papa P ko, pupuntahan nya daw ang parents nyo kapag pinaiyak nyo pa ako."

"Teacher, nabubully ba si Saint?" Tanong ni Peter sa teacher. Hindi alam ng teacher ni Saint kung ngingiti ba o matatakot sa nakakunot noong si Peter.
"Hindi naman po, Sir. Alam nyo naman po ang mga bata..." Sagot ng teacher.
"Alam kong kulang sa respeto ang mga bata ngayon, teacher. Pero oras na may nanakit sa anak ko..." Banta ni Peter...
"Peter, let me handle this." Pang-aawat ko sa kanya. Paano ko hihilahin ang 100% muscles?
"... Hindi nyo alam kung sino ang nabangga nyo. Kaya make sure wala ni isang galos ang anak ko tuwing uuwi ng bahay." Tumayo ng tuwid si Peter... All in his pure muscle and six feet tall.
"Sorry po teacher. Pasensya na po. Protective po ang tatay." Hinging paumanhin ko.
"And one more thing..." Sabi pa ni Peter. Lalong pinagpawisan ang teacher ni Saint.
"Huwag nyong papasamahin si Saint sa lolo at lola niya. It's either me, her mom or my father ang susundo sa kanya."
Tumango ang teacher sa amin. Siguro, baliw na ang tingin niya sa amin. Bigla nalang susulpot sa school at magbabanta sa kanya.

Tuwing gabi, pahirapan kami ni Peter na patulugin si Saint ng hindi kami katabi, so we end up sleeping together in one bed. Hindi ako makatulog ng maayos. He is inches aways from me. Naamoy ko ang cologne niya. And I don't know if he is really sleeping kaya tumatalikod ako sa kanila ni Saint.

"Cami... alam kong gising ka pa."
Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. Nakayakap si Saint kay Peter. Tulog na tulog ang anak ko sa tabi ng daddy niya.
"Hindi ka makatulog?" He asked.
"Iniisip ko ang gagawin ko." I replied.
"About?"
"Sa job employment." I answered. "Ayaw kong iwan si Saint."
"Eh di huwag ka ng umalis ulit." Simpleng sagot niya.
"Peter, hindi ganun kadali... I need my high paying job."
"Para saan?"
"I need a home for Saint and me. I need to secure her future. I need..."
"Shhh... nandito na ako. I will provide you and Saint everything." Sagot nito.
"I need to pay my parents... Kailangan ko pang mag-ipon."
"Magkano ba ang magulang mo?" Naiinis na tanong niya.
"Peter ha..."
He exhale deeply. "Cami, we already establish that I don't like them. Magkano ang kailangan nila para hintuan nila kayo ng anak ko?"
"Hindi ko pa alam." Sagot ko.
"At ano ang pinag-iipunan mo?"
"Para sa resto na gusto kong itayo." Mahinang sagot ko.
Hindi sumagot si Peter so I look up only to see him staring at me.
"Saan mo gustong itayo ang resto mo?"
"Wala pa akong capital." Iniwasan kong sagutin siya.
"Hindi mo ako sinagot."
"Sa Tagaytay." I replied.
"Then we will build your resto. Hindi mo na kailangang umalis."
"Wala nga akong capital." Frustrated na sagot ko.
"I will be your silent partner. Ako na bahala sa capital. Now matulog ka na." Sabi nito. Pumikit siya at niyakap si Saint na parang unan.
"Peter..."
"Shhh... Matulog ka na." Sagot nito. He put his one leg over my legs.
"Ang bigat ng hita mo."
"Suck it up. Matulog ka na. Maingay ka, mommy." He said.

Napatingin ako sa kanya... What the fucking hell... nahihirapan na nga akong matulog ng katabi siya, nakadantay pa siya ngayon sa akin.
Nasasanay ka ng tawagin akong mommy... sa loob-loob ko.

——————
A/N
ewan ko bakit kinikilig ako...

Saints of Cami- CompleteWhere stories live. Discover now