Chapter 1- Saint meets Saint

27.3K 620 38
                                    

Saint

"Ninong, nasaan ka na?" Pangungulit ni Allison sa akin habang nagmamaneho ako.
"Kung tinitigilan mo kasi ang kakatawag, kanina pa ako nakarating sa Country Club." I relied habang umiiwas sa isang tangang driver na nagcounterflow.
"Bilisan mo."She said and ended the call.

Magpinsan nga sila ni Beth, sobrang kulit.

Kinuha akong ninong ni Allie at Carlos para sa anak nilang si Uno. At ngayon nga ang binyag na mukhang malalate ako dahil sa traffic dito sa Tagaytay.

Hanga din ako sa mga naging kaibigan ni Allison na kahit sobrang yaman, hindi matapobre. Pati mga magulang nila, sobrang down to earth na tinuring na din akong kapamilya. Maswerte si Allison at Beth sa mga kapareha nila. Nakikita ko kung paano sila alagaan ng mga ito.

Napapaisip nga ako minsan kung bakit merong mga tao na hindi naman kasing yaman ng mga kaharap ko ngayon pero sobrang matapobre? Nakakaangat lang ng kaunti sa buhay, parang nasa kanila na ang lahat ng karapatan para manghamak ng kapwa.

"Hindi ko magamit ang kotse ko." Sabi ni Carlos na ikinabalik ng isip ko sa kwentuhan.
"Bakit naman?" Tanong ni William.
"Sa tuwing nakikita ni Allison, pinapagalitan ako. Kuhanin mo na ulit." Sagot ni Carlos na ang tinutukoy ay ang Lamborghini na binigay ni William dahil sa pustahan nila.
Tumatawang umiling si William, na isang prinsepe... Akala ko joke lang, pero totoo pala.
"Benta mo o kaya ibigay mo sa iba..." Tinuro ako ni William kay Carlos. Naudlot ang pagtungga ko ng beer.
"Wala akong pera na pambili ng bagong kotse. Okay na ako sa mustang ko." I replied.
"Saint, sayo na lang yung kotse. Kuhanin mo na sa garahe." Sabi ni Carlos. Tangina, Lamborghini, pinapamigay na parang tamiya lang.
"Kaysa ratratin ako ni Allison tuwing makikita." Dagdag pa ni Carlos.
"Kung ayaw mo yung dilaw na Lambo ni Carlos, kuhanin mo yung puti na nasakin. Ewan ko ba bakit galit na galit din si Beth sa kotse na yun, pustahan naman yun." Sabi naman ni Jon.
Nang mapansin nila na palapit na ang mga asawa at gf nila, nag-iba na sila ng usapan.

Iniwan ko muna sila para kumuha ng isa pang beer. Sa sobrang bait nila, namimigay ng kotse sa pustahan. Napapailing na lang ako ng ulo. Pabalik na ako sa table namin dala ang isang lata ng beer ng hilahin ako ni Allison para magmadali.

"Kanina pa kita hinahanap ah. May papakilala ako sayo." Sabi nito. Hindi nito pinansin ang masama kong tingin sa kanya. Isang babae na nakaharap sa mga kaibigan ko at nakatalikod sa amin ni Allison ang natanaw ko. Medyo payat siya, brown ang medyo kulot na buhok at naka-dress ng puti.

"Camilla, kaibigan ko si Saint." Sabi ni Allison sa babae. Lumingon ito sa akin at napatulala siya.
"Saint, si Camilla."
Nawala ang ngiti ko at napatulala din ako. Nabitawan ko ang beer at narinig kong gumulong lata.
"Cami?"
"Peter?" Hindi makapaniwalang tawag niya sa tunay kong pangalan.

"Peter?" Naitanong ng lahat... Nag-iwas ng tingin si Cami.
"Siya si Peter Anthony." Sagot ni Cami sa tanong nila. What the hell is going on? Siya ba ang ex ni Carlos na nakita namin ni Allison before?
"Eh bakit Saint? Akala ko Saint pangalan mo?" Tanong ni Khal sa akin.
"Teka, magkakilala kayo?" Tanong ni Jack.

Namumutlang si Cami habang patingin-tingin sa paligid maliban sa akin.

"Mommy... Mommy..." Lumapit ang isang batang babae kay Cami.
"Mom, I was looking for you." Sabi nito. Nanginginig ang kamay ni Cami habang inaayos nito ang buhok ng bata na nakatakip sa mukha.
"May anak ka na?" Tanong ni Carlos kay Camilla.
Napayuko si Camilla.
"Hi..." Bati ng bata sa mga kaibigan ko.
"Hello." Sagot naman nila.
Tumingin ang bata sa akin. Para akong hindi makahinga ng makita ko ang mukha niya. She look exactly like me when I was a kid.

"Hi... I'm Saint." Sabi ng bata sa akin. Nakangiti siya at nakatitig sa akin. She has my name.
"I'm Saint." Sagot ni ko. Parang nagningning ang mga mata ng bata ng madinig akong sumagot.

Nanginig si Cami ng tumingin ako sa kanya.
"Saint ang pangalan mo po? Saint Saavedra?" Binalik ko ang tingin ko sa bata na nakatingala sa akin at naghihintay ng sagot ko.
"Yes, that's me." I replied.
"Daddy..." Sigaw ng bata at yumakap sa akin.

"Mag-uusap tayo Cami," I told her before I hug my daughter. A daughter I didn't know I have until this very moment.

Saints of Cami- CompleteDonde viven las historias. Descúbrelo ahora