Chapter 22- Allison strike again

14.9K 402 8
                                    

Saint

"Uuwi na ako." She said at walang lingon-lingon na umalis ng shop.
"Cami," I called her, but she's gone.

"Boss, gwapo nung kasama ni Camilla ah." Pang-aasar ni Zeb, isa sa mga bagong artist ko.
"Asul ang mata noh." Segunda pa ni Nash.
"Gusto nyong mawalan ng trabaho?" Tanong ko sa kanila.

"Boss, habulin mo bago pa ihatid ng iba." Tinuro ni Clint, isa pa sa bagong artist ko, si Cami na kinakausap ni Ralph.
"Putang-ina..." Nayayamot akong lumabas ng shop at mabilis na pinuntahan si Cami.

"Cami." Tawag ko sa kanya. Napatingin sa akin si Ralph. Kamukha nga ni Gabriel ang gago. Nangingibabaw ang asul na mata.
"Boyfriend mo?" Tanong ni Ralph kay Cami ng makalapit ako sa kanila.
"Hindi... Ano...Mahabang kwento." Mabilis na sagot ni Cami bago pa ako makasagot.
"Tatay ako ng anak nya." Sagot ko. Hindi nagbago ang mukha ni Ralph.
"Sabay ka ba, Camilla?" Tanong ni Ralph. Hindi ako pinapansin ng hayop.
"Ako na pre." Hinawakan ko si Cami and lead her to my car.
"Sige Ralph. Next week nalang ulit." Kumaway pa si Cami dito.

Nawala ang ngiti ni Cami ng makasakay na kami sa kotse.

"Ano yun?" Tanong niya.
"Stop flirting, Cami."
"What the hell... Anong flirting?" Sigaw niya.
"I am being polite dahil sa bastos mong asal sa tao. And you accused me of flirting with Ralph? Sumobra ka na sa antiseptic Peter. Natutuyo na yang utak mo."

What a creative insult...

"He asked you kung ano mo ako at ano ang sinagot mo? Mahabang kwento?" I am trying not to shout at her. Really trying not to park this car on the roadside and kiss her senseless.
"Ano ang sasabihin ko? Ano ba kita?"
"Tatay ni Saint," I replied.
"Hindi ako ready na ikwento ang buong buhay ko sa isang tao na kakakilala ko pa lang? Ano ba ang kinakagalit mo?"
"Mahirap bang sabihin na ex mo ako?" Nagsisimula ng tumaas ang boses ko.
Namumula na si Cami... Pero hindi siya sumagot. Nakakuyom ang mg kamay niya at nagpipigil kung ano man ang gusto niyang sabihin.
"Take me home." She said. Tumalikod siya sa akin at tumingin sa bintana.

Iniwan ko sa bahay ni Cami at bumalik sa Grace. Hindi ako makakagawa ng maayos sa shop kaya pumunta na lang ako kay Allison. Tamang-tama naman at nandoon ang mga kumag naming kaibigan.

"Oh... sino kaaway mo?" Bungad ni Allie sa akin pagpasok ko.
"Gabriel, pagsabihan mo yang kapatid mo. Babangasan ko yun." Napagbuntungan ko ng inis si Gab. Tumawa lang ito.
"Sabi ko na eh...yung mga pakindat-kindat ni Rap kanina...may kalalagyan eh." Sulsol ni Rome. Binatukan siya ni Zoey ng makita nilang naningkit ang mga mata ko.
"Kayo na ba ulit ni Camilla?" Tanong ni Allison. Isa pa ito. Hindi ako kumibo. Inagaw ko ang softdrinks na binubuksan niya. Mas okay sana kung beer ito kaysa coke.
"Eh kung hindi...Ano ikinagagalit mo Saint?" Nakapamewang na tanong ni Allie.
"Hindi ko pinapakialaman ang lovelife ng kapatid ko, pre." Gab said.
"Pakialaman mo na. Tatamaan talaga sakin yun kahit kapatid mo pa." Sagot ko.
Nagtawanan sila.
"Seloso mo pala Daddy Saint." Khal commented.
"Huwag mong aawayin si Camilla, baka umalis yun sa bahay nyo. Ikaw din mahihirapan." Biro ni King. Napatingin ako sa kanya, binaba ang coke na dapat sana ay iinumin ko at naihilamos ko ang kamay ko sa mukha.
"Patay tayo diyan pre. Inaway mo na, noh?" Natatawang tanong ni Jon.
"Kailangan mo pang suyuin si Camilla ngayon nyan... Itanan mo na kaya." Suggestion ni Carlos.
"Nakakatulong kayo ng sobra." Sarcastic na sagot ko sa kanila.
Nagtawanan na naman sila.

"Umamin ka na kasi sa kanya na nagseselos ka. Tapos sabihin mong tatanga-tanga ka kaya ka nagwala. Tapos sabihin mong mahal mo siya. Ano mahirap doon?" Bida-bidang sabi ni Allison.
"Ikaw ba Allie nung sinabi ni Carlos na mahal ka nya, naniwala ka ba agad?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Iba naman ang sitwasyon namin." Defensive na sagot ni Allie. Carlos chuckled.
"Ulol... Puro ka kalokohan kadalasan. Pareho kayo ni Beth." Naiinis na sagot ko.
Tumatawang inabutan ulit ako ni Allie ng coke.

"Pagluto mo siya para makabawi ka." Zoey suggested.
"Breakfast in bed, Saint." Nagthumbs up pa si Cailee.
"Then movie after." Suggestion ni Khal.
"Don't forget the kiss on the forehead," Zoey added.
"And a tight embrace." Cailee said.
"And a sorry will make her smile." Khal wiggles her eyebrows.
"Just don't be a douchebag." Sabat ni Allison habang tumatawa.

"Wala ka talagang kwentang kausap, Allison." Nabubwisit ako sa kakatawa niya.

Saints of Cami- CompleteWhere stories live. Discover now