Chapter 9- Enough is Enough

14.2K 393 11
                                    

Cami

Ibang kotse ang dala ni Peter ngayon. It's a red mustang. Hindi na siya pumasok sa loob ng bahay. He and Saint made their goodbye sa gate at masayang pumasok sa bahay si Saint na panay ang kwento.

"Mommy, daddy and I went to Enchanted with Papa P." Sabi ni Saint.
"Sino si Papa P?" Tanong ko sa kanya.
"Si Lolo, Papa P daw itawag ko sa kanya. Mommy, magkamukha sila ni daddy. May tattoo din si Papa P at ang dami niyang motorbike! As in, mommy. Ang laki ng bahay nila ni daddy." Tuloy-tuloy na kwento ni Saint. Nakatitig sa kanya si mommy ko.
"There are a lot of horses sa Country Club. Tita Cailee let me ride one. Ang saya doon." Kwento pa ni Saint. "Next week ulit."
"Meron tayong bisita, next week." Sagot ni mommy.
"Huh?" Napatingin sa akin si Saint. Her eyes are questioning.
"Ipapakilala ka namin sa mapapangasawa ng mommy mo." Sabi ni mommy kay Saint.
Napapikit ako sa inis.
"Mommy?" Naguguluhang tanong ni Saint sa akin.
"Tatawagan ko si daddy mo. Susunduin ka nya sa Friday after class." I replied to Saint.

Saint dropped her head to her right shoulder and look at me. Isang mannerism nya kapag may gusto siyang itanong pero nag-aalalangan siyang magsalita.

"May boyfriend ka na?" She asked.
Pinagpawisan pati ang kamay ko sa tanong ni Saint. What will I say?
"Yes, merong boyfriend si mommy mo. And you will call him daddy in the future." Sabay ni mommy.
"Mom, please. Let me talk to my daughter." Ayaw kong mag-away kami ni mommy sa harap ni Saint.
"Sampung taon na si Saint. Nakakaintindi nayan. Magkakaraoon ka na ng tatay kaya hindi mo na kailangan yang walang kwenta mong ama." Sabi ni mommy kay Saint.

I saw my daughter's tears and it's like a knife to my chest. Hindi kumibo si Saint. Tumalikod siya dala ang bagpack niya at umakyat sa kwarto.

"That's enough. Aalis kami ni Saint sa bahay na ito. You can keep my house and my car and my everything... But I will not allow you to hurt my daughter." Sigaw ko kay mommy.
"Kaya mo ng mabuhay mag-isa? Sige bayaran mo kami sa pagpapalaki namin sayo at sa anak mo. Sampung million Camilla. Bayaran mo ako ng sampung million at saka tayo magkalimutan." Sigaw ni mommy sa akin.
"Anong klase kang magulang?" Puno ng galit na tanong ko.
"And to think na may sakit ka pa sa puso nyan, mommy. Nadidinig mo ba ang mga sinasabi mo?"
"Kulang lahat ng binigay mo sa amin na kapalit sa pag-aalaga sa anak mo." Sabi nito.
"Apo mo si Saint." I shouted.
"Hindi ko gustong magka-apo sa isang hampas-lupa. Ang pangarap ko sayo, makapangasawa ka ng mayaman. Sinayang mo lahat yun dahil ano? Nagmahal ka? Pwe..."
I didn't know I can hate my mother as much as I hate her right now.

"Kung hindi mo ako kayang bayaran Camilla. Magpapakasal ka kay Gary."

"Dad... Wala ka man lang sasabihin? How can you stand this, anak nyo ako..."
"Sundin mo ang mommy mo." Walang ganang sagot ni daddy.

Puno ng galit ang dibdib ko na hindi ko namalayan si Saint na tumatakbo pababa ng hagdanan. Lumapit siya sa akin at pilit na kinukuha ang attention ko.

"Nandiyan si daddy. Sasama ako kay daddy. Umalis na tayo dito mommy. Please." Umiiyak napakiusap ni Saint.

Nadinig kong huminto ang kotse ni Peter sa labas ng gate.

"Cami..." Sigaw ni Peter sa labas ng gate.
"Mommy...please..." Pagmamakaawa ni Saint.
Hinawakan ko si Saint sa kamay at inakay palabas ng bahay.

"Sige umalis ka. Sumama ka sa lalaking yan. Itapon mo ang buhay mo." Sinusundan kami ni mommy palabas ng bahay. Iyak ng iyak si Saint.
Tinakpan ko ang tenga ni Saint bago ako humarap kay mommy.
"Kukuhanin ko ang gamit naming mag-ina bukas. Magsasama ako ng pulis kung kinakailangan. Iawas nyo sa utang ko ang pagkakabili ko ng bahay, lupa at kotse. Ilista mo lahat mommy. Babayaran kita kung iyon ang paraan para makaalis sayo. Babayaran kita." Sigaw ko sa kanya.

Tumalikod ako kay mommy na nanginginig ang buong katawan. Lumakad kami palapit kay Peter na nakakuyom ang mga kamay. Yumakap agad si Saint kay Peter ng makalabas kami ng gate.

"Sumakay na kayo sa kotse, Cami." Nagpipigil si Peter habang inaalalayan niya si Saint na makaupo sa likod ng kotse.

Mabilis na pinaandar ni Peter ang kotse paalis ng bahay namin. Wala akong dalakahit na anong gamit. Si Saint naman, merong bag pack na bitbit.

Hindi ako iiyak... Hindi ako iiyak sa harap ni Saint. Kailangan kong maging matatag para sa aming mag-ina.

Saints of Cami- CompleteМесто, где живут истории. Откройте их для себя