Chapter 25- Just hold me

15.3K 422 8
                                    

Cami

Nagluto ako ng spaghetti at dinala sa shop ni Peter. Naabutan ko si Saint na nakikipagtawanan sa mga kasamahan ni Peter.
"Hi mommy." Bati ni Saint. "Ano ang dala mo?" Tanong niya.
Tinaas ko ang dala kong grocery bag. Kinuha iyon ni Nash.
"Spaghetti." I replied.

"Merong garlic bread?" Tanong ni Peter somewhere.
"Meron." Sagot ko.
Dinala ni Nash sa pantry ang dala kong grocery bag.
"Ayos, busog na naman." Peter replied.

Lumabas si Peter kasama ang client niya na meron gasa sa likod.
"Siya ba misis mo?" Tanong nito kay Peter.
"Yup." He replied then winked at me. Whoah... From date kahapon to misis ngayon in an instant.
"Ang ganda ah." His client commented.
"Syempre." Peter replied. Nahihiya akong nagyuko ng ulo.

Nagyayang kumain si Peter pagkaalis ng client niya.

"Boss, malapit ka ng tumaba." Biro ni Zeb sa kanya.
"Sarap lagi ng pagkain mo." Nash commented.
"Chef si mommy." Pagmamalaki ni Saint.
"Kaya pala masarap lagi ang baon ni boss." Jolens replied.
"Baka masanay kayo ha... Kapag nag-open na ang resto niya, bibili na tayo ng pagkain." Sagot ni Peter.
Natatawa akong umiling. "Hindi naman. Pagluluto ko kayo kapag hindi ako busy."

"Peter, pupuntahan ko muna si Allie." Paalam ko sa kanya after naming kumain. Si Saint, nasa table ni Jolens at nagdadrawing.
"Hatid kita?"
"Hindi na. Iwan ko na lang si Saint dito."
"Okay." He kissed my forehead. "Ingat ka, mommy."
"Nawiwili ka na sa kakatawag sa akin ng mommy."
Nakangiting sumagot si Peter. "Ang sabi ko, Cami. Ingat ka, Cami."

Pacute pa...

Nangingiti akong lumabas ng shop ni Peter. Nasa cloud nine ang utak ko sa kilig kaya hindi ko napansin si Gary na nag-aabang sa akin.

"Camilla." Tawag nito sa akin. Nagulat ako ng pigilan ako ni Gary sa balikat ng padaan ako sa harapan niya. Biga akong lumayo sa pagkakahawak niya.
"Gary?! What are you doing in here?" I asked.
"I am looking for you. Hindi mo sinasagot ang mga tawag at messages ko so I decided to give you a visit." Sagot nito. His eyes roamed in my body.
"Baka siguro dahil hindi kita gustong kausapin. Excuse me." Iniwasan ko si Gary but he caught my arm.
"Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap nita. I already gave your parents some money. I already paid for you." Nanlilisik ang mga mata ni Gary.
"Bitawan mo ako." I told him. Lalong humigpit ang pagkakahawak niya ang braso ko.
"Let me go..." Sigaw ko. Nagsisimula na kaming makatawag ng attention sa parking lot.

"Help." Sigaw ko.
Hindi nagustuhan ni Gary ang pagsigaw ko so he slapped me... Hard... Naramdaman kong nagdugo ang labi ko dahil sa lakas ng pagsampal niya.

"Cami." I heard Peter's voice.
"Peter... Tulong..." I shouted. Gary covered my mouth and dragged me toward to his car. Nagsisipa ako habang kinakaladkad niya ako. Nakatakip ang isang kamay niya sa bibig ko habang ang isang kamay ay nakayakap sa bewang ko. I really tried to stop him... kinalmot ko siya...nanlaban ako hanggang sa abot ng makakaya ko.

Naramdaman kong napabitaw sa akin si Gary. Pero bago niya ako tuluyang mabitawan, he pushed me to the ground. Gasgas ang mga tuhod at braso ko ng mabuhal ako dahil sa lakas ng pagkakatulak niya.

"Hayop ka..." Narinig ko ang sigaw ni Peter bago ako natauhan sa kung ano ang nangyayari. Hawak niya si Gary sa leeg at sinusuntok niya ito sa mukha.

"Camilla." Tinulungan ako ni Allison na makatayo.
"Awatin nyo." Sigaw ko kay Nash. Napasugod na din si Carlos na marahil kasama ni Allison sa shop niya.
"Hayaan mo muna siya, Cami. He needs that." Carlos replied.

"Sa akin ka lumaban, tarantado ka." Nadinig kong umuungol sa sakit si Gary.
Inawat nila si Peter ng madinig ang sirena ng pulis. Duguan si Gary ng bitawan ni Peter.

"Okay ka lang?" Napalitan ng pag-aalala ang mukha ni Peter na kanina lang ay galit na galit.
Nanginginig akong tumango. Yumakap ako kay Peter at saka nanghihinang sumandal sa kanya.
"May dugo ka sa labi, Cami." He said.
"Just hold me." I replied.

Just hold me and never let me go.

Saints of Cami- CompleteWhere stories live. Discover now