Chapter 16- Hey Google

14.7K 445 29
                                    

Saint

"Kay Papa P ako matutulog." Bumango si Saint na nasa pagitan namin ni Cami. Napabangon din kami ni Cami dahil nagmarcha palabas ng kwarto si Saint at walang lingon-lingon na sinarado ang pintuan.
"Saan pupunta ang anak mo?" Tanong ni Cami.
Natatawa akong bumangon at sinundan siya sa kwarto ni papa.

"Saint." I called her habang kumakatok sa pintuan ni papa. Nadidinig kong tumatawa si papa.
"Pa, nandiyan ba si Saint?" I asked.
"Pasok ka..." Sagot ni papa.
Nakahiga si Saint sa kama ni papa ng buksan ko ang pintuan. I cross my arms over my chest and leaned on the door.

"Bumalik ka na sa kwarto." I said to Saint.
"Dito ako matutulog." Sagot nito. She stubbornly crosses her little arms over her chest too.
"Sabi ni Tito Rome, magpopoker daw kayo ni mommy."
Pinigilan kong tumawa pero hindi ko nagawa. Natawa pati si papa sa kalokohan ni Saint.
"Gusto ko ng kapatid." Naiinis na nagtalukbong si Saint ng comforter.
"Sige na, magpoker na kayo ni Camilla." Natatawang tinaboy ako ni papa.

Tumatawa pa din akong bumalik sa kwarto ni Cami.
"Nasaan si Saint?"
Napakamot ako ng ulo. "Nakahiga na sa kwarto ni papa." Sagot ko.
"Bakit daw? Gising pa ba?"
"Huwag mo ng pilitin." Natatawang sagot ko.
"Bakit ka tumatawa?"
"Wala naman." I replied.

"Cami, merong vacant space sa Grace Hotel na suitable for resto. Gusto mong tingnan para sa resto mo?" Pag-iiba ko ng topic.
"Peter, wala pa akong capital."
I hold both of her hand...well because I want to at wala si Saint.
"Silent partners tayo... and besides, hindi mo dapat kuhanin sa savings mo lahat ng capital. Kaya nga merong bank loan." I told her.
"Just create a business plan first. Please don't go back to Italy..." I told her. Huwag mo kaming iwan ni Saint dito... I pleaded over my head.
"Pag-iisipan ko." She answered.
"Okay. Doon na ako sa kwarto ko matutulog. Sweet dreams, Cami." She smiled at me and I was lost for a moment. She is still my Cami. Hindi siya napalitan ng kahit na sino... And now that we can have a second chance, mukha akong tanga na hindi alam ang gagawin.

Hindi ako makatulog sa kwarto ko. I am alone, Cami is alone on the other room. Saint is with my father. Nasanay agad ako na katabi ko silang dalawa. I always stared them while they were sleeping. Apat na babae na pala ang mahal ko ngayon. Si mama, si Saint, si Allie at si Cami.
Saint has her eyes. Our daughter, sobrang pilya. I chuckled while remembering how she stubbornly crosses her arms kanina.

Gusto ko ng kapatid...she said. Dadating tayo diyan, anak. Kailangan ko lang igapos muna si mommy mo sa Pilipinas bago ako makausad.

Nagtatalo si Saint at Cami ng maabutan ko sila sa sala pagkagising ko.
"Si Papa P ang maghahatid sa akin, mommy." Sagot ni Saint.
Nakapamewang na si Cami at halatang napipikon na.
"Ano problema dito?" Tiningnan ko si Saint.
"Eh daddy, si Papa P na lang maghatid sa akin sa school." Katwiran ni Saint.
"Bakit ayaw mo si mommy?" I asked.
"Kasi, magpopoker kayo." She replied. Pinigilan ko this time na tumawa kahit gusto kong tumawa sa sinabi ni Saint.
"Bakit kami maglalaro ng poker ni daddy mo?" Napipikon na tanong ni Cami. But I found it funny. Kahit si papa tumatawa sa kitchen.
"Para magkaroon ako ng kapatid?" Hindi sure na sagot ni Saint. Napatingin sa langit si Cami para magpigil ng inis.
"Saint..." Cami inhale then exhale deeply. "Poker is a card game. Binibiro kalang ni Rome." Paliwanag ni Cami. Sumimangot si Saint. Kinuha nito ang cellphone niya.
"Hey google, what is poker?" Tanong nito kay Google via voice command. Tumalikod ako para hindi nya makitang tumatawa ako. Nagsisimula ng mamula si Cami. Galit na siya.
"Poker is a family of card games that combines gambling, strategy, and skill." Sagot naman ni google.
"Ano? Pwede na ba tayong umalis?" Pinapatulan na ni Cami si Saint.
"Sige na Saint, malalate na kayo." Kinampihan ko si Cami this time. Malalate natalaga sila kapag hindi pa sila umalis na mag-ina.
"Hey google." Humirit pa ng isa si Saint. "How the baby is made?" Tanong niya.
Napaupo ako sa baiting ng hagdanan kakatawa kay Saint.

"Saint Roselyn, akin na nga yang cellphone mo." Kinuha ni Cami ang cellphone bago pa makasagot ni google. Pulang pula siya ng hilahin niya si Saint palabas ng pintuan.

-------------
A/N
Hahaha... Hey Google, mabagal kang sumagot, hindi tuloy nalaman ni Saint ang sagot sa tanong niya.

Saints of Cami- CompleteWhere stories live. Discover now