Chapter 5- Lamborghini Effect

14.2K 428 28
                                    

Saint

Pinuntahan ko ang Lambo ni Carlos dahil hindi ako tinigilan ng kakatawag ng mag-syota. Napakamot na lang ako ng ulo ng makita ko ang kumikinang na dilaw na kotse.

"Aanhin ko 'to?" Tanong ko kay Carlos. Tangina, ang yabang ng kotse. Mas pogi pa sa akin.
"Sayo na nga." Inaabot ni Carlos ang susi sa akin. Totoo ka ba? Gusto kong itanong sa kanya.
"Kung ayaw mo yan, yung kay Gab ang dalin mo." Sabi ni Cailee habang dumadaan sa harap namin. Tinuro niya ang itim na Lamborghini ni Gabriel.
Natawa na lang ako. "Pambihira kayo. Pinapamigay nyo ang kotse. Bakit hindi niyo ipagbili?"
"Sino bibili nyan? Kahit ako, hindi ko bibilin yan...Ang mahal-mahal." Sagot ni Cailee bago pumasok sa mansion nila.

"Sige na pre... Kung ayaw mo ng libre, palit tattoo na lang," Tumango si Carlos at inabot sa akin ang susi ng kotse niya.
"Ialis mo lang yan sa garahe namin. Kahit si daddy ayaw gamitin eh. Baka daw madaming chicks na umangkas, lagot siya kay mommy." Natatawang biro ni Carlos.
"Bata ang susunduin ko." Nakakamot ako ng ulo.
"Eh di pati si mommy nya, sunduin mo na din." Nakangising sagot ni Carlos. Sinaksak ni Carlos ang susi sa kamay ko.

"Now that it's yours, mapapahinga na ang tenga ko sa kakasita ni Allison." Minasahe ni Carlos ang tenga nya na parang nadidinig nya pa ang boses ni Allison.
"Saint, ganyan ang isusuot mo pagsundo kay baby Saint?" Lumabas si Allison karga-karga si Uno.
"Ano ang masama sa shorts at T-shirt?" Tanong nito.
"Wala naman. Pero naka-slip on ka lang. Magsapatos ka kaya." Utos ni Allison.
"Pakialamera ka, alam mo yun. May pakiramdam ako na sinadya mo yung nangyari nung binyag." Tiningnan ko si Allison hanggang sa ngumisi siya. Sabi ko na nga ba...
"Pasalamat ka nga at nakilala mo si baby Saint. Now, magpalit ka ng shoes mo. At remember, stay cool. Bilisan mo na. Maghihintay kami sa pool area." Kumaway sila ni Carlos sa akin bago ako iwanan sa garahe nila na puno ng sasakyan. Binalikan ko ang mustang ko at kinuha ang Adidas na sapatos bago ko pinarada sa designated parking space para sa bisita nila.

Kinakabog ang dibdib ko habang nilalabas ko sa garahe ang kotse. Tinitingnan ako ng mga nadadaanan ko. Hindi pala ako, yung kotse. Ang sarap sanang patakbuhin ng mabilis sa SLEX ang kotse kung hindi lang ako mahuhuli for over speeding.

Sa isang subdivision sa San Pedro Laguna nakatira sila Cami ngayon. Nagpark ako sa isang bahay na maraming nakapark na sasakyan. I check the address that she gave me. Tama naman. May party sila ngayon, huh?!

Tinawagan ko si Cami instead na kumatok ako sa bahay nila.

"Hello." Pabulong na sagot ni Cami.
"Nasa labas na ako ng bahay nyo." I told her.
"Pasok mo muna yung kotse mo sa garahe. Gusto ka daw makausap nila mommy." Sabi niya.
Tatanggi sana ako. Ano pakialam ko sa nanay mo... Pero takte, naka Lambo ako. Might as well, maglaway kayo.
"Okay. Pakibukas na lang ang gate nyo." I replied. I saw Cami when their gate opened. Napatulala siya ng makita ang kotse kong dala. Lahat ng bisita nila, nakatingin sa kotse. Gusto kong ikwento ito sa mga kaibigan ko at sabay sabay kaming tatawa sa reaction nila.

Bumaba ako ng kotse. Pasalamat ako kay Allie at pinagsapatos ako.

"Si Saint?" Tanong ko kay Cami.
"Nasa loob pa." She replied.

"Camilla." Tawag ng mommy ni Cami sa kanya. More than ten years have passed and my anger toward her is still inside of me.
"Kanino kotse yan?' Tanong nito. Tinuro ang Lamborghini na kumikinang sa araw.
"Sa akin." I replied.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Sinusukat ang value ng damit na suot ko.

"Ano trabaho mo ngayon? Driver? Alam ba ng amo mo na tinakas moa ng sasakyan niya?" Mayabang na tanong nito. Kahit naghuhurumintado ang pakiramdam ko, hindi ko pinahalata.
"Mommy, will you please be nice." Sita ni Cami.
"Ah, sa akin yan. Meron pa akong apat nyan." I replied. I secretly high five my friends. Tangina, magpayabangan ba kami ng nanay ni Cami. Daming kotse sa garahe nila Carlos, kapag hindi ko hiniram lahat yun.

"Oh my God, is this yours?" Tanong ng isang lalaking mukhang may kaya sa buhay. Bisita nila Cami.
"Yeah." I replied.
"This is the latest Lamborghini Veneno, is it?" Tanong nito.
Tumango ako.
"I'm Ian Montreal."Kinamayan niya ako. "Nakakapaglaway ang kotse mo. Saan ka nagpatattoo?"
"Ian is a Neuro Surgeon." Pagmamalaki ng nanay ni Cami.
"Daddy ko ang nagtattoo ng iba. Yung sa kaliwang braso ko, ako. I have a shop." I replied.
"I have a tattoo on my left shoulder blade. Who is your client so far?" Inakay ako ni Ian papasok sa bahay nila Cami.
"I did Carlos Sebastian's tattoo. King Lagdameo's whole back. Rome Ramirez... Gabriel Miller. I did one for Renz Sebastian" I replied.
"The football star Sebastian of Madrid Spain?" Tanong ni Ian.
"You have bigtime clients... King Lagdameo is a businessman. Damn, si Rome Ramirez yung anak ng heciendera sa Negros." Sabi ni Ian.

Pinakilala ako ni Ian sa mga bisita sa bahay nila Cami. At gusto kong tumawa ng makita ko ang mukha ng mommy niya na parang nakakakin ng ampalaya.

"Daddy..." Sigaw ni Saint mula sa hagdanan.
Nagmamadaling bumaba ito na parang mahuhulog ang puso ko dahil baka madapa.
Yumakap ito agad sa akin. "Aalis na tayo?"
"Yup. Naghihintay na sila Axel at yung kambal sayo sa pool." Sagot ko.
"Si Baby Uno nandoon din?" Masiglang tanong ni Saint.
"Yup. Let's go?"
"Mommy, aalis na po kami." Paalam nito kay Cami.
She kissed our daughter's head.
"Be good ha. Huwag mong kukulitin si daddy mo. Love you baby girl." Cami kissed her cheek and let her go.
"We'll go ahead." Tinanguan ko si Cami at kinuha ang bag na inabot ng katulong nila para kay Saint.

"Daddy, this is your car?" Sigaw ni Saint ng makita ang Lambo.
"Yes," I replied. Tumili si Saint at nagtatalon.
Well, babae nga ang anak ko. She likes shiny things.

Saints of Cami- CompleteМесто, где живут истории. Откройте их для себя