Chapter 4- Wicked Mother

13.8K 374 5
                                    

Cami

"Lola... Lolo, I met my dad. He looks like me." Pagbabalita agad ni Saint sa mga magulang ko pagdating niya. Walang ibang bukang bibig ang anak ko kung hindi si Peter.

Nawala ang ngiti ni mama ng madinig ang sinabi ni Saint.

"Patay na ang daddy mo, Saint." Calculated na sagot ni mommy.
"No... I meet him. He is very tall and he looks like me." Sagot ni Saint. My mom's smile is brittle. Parang ano mang oras, puputok ang mukha niya sa pinipigil na galit.
"Magpalit ka na ng damit mo. Magpapalit ka na sa yaya mo. Mag-uusap lang kami ni mommy mo ha." Ang sabi ni mommy kay Saint. Hinintay niyang makaakyat si Saint sa hagdanan bago niya ako hinarap.

"Anong kalokohan yang sinasabi ng anak mo, Camilla?" Galit na tanong ni mommy.
"We saw Peter sa Country Club. Why did you lie to me? Bakit nyo siya pinakulong when you all knew that he didn't do anything wrong to me?" I hold my anger in check. I will not cry in front of my mother. I won't.
"He raped you." Diin ni mommy.
"He did not raped me. Bakit nyo ginagawa 'to?" Tanong ko sa kanya.
"We were protecting you, Camilla. Hindi pa ba sapat na nabuntis ka ng animal na yon?"

I can't believe this...

"You were protecting yourself, not me." Sagot ko. Napapagod na ako sa pagtatalo namin ni mommy.
"Ano ang ipapakain ng hampas-lupang yun sayo? Kung hindi dahil sa amin, hindi ka makakapag-abroad. Hindi ka makakapunta sa Europe." Sigaw ni mommy.
"You already disappointed us, once. Do not repeat your mistake again." Dagdag pa ni mommy.

I will not cry... I will not be fucking cry...

"Susunduin ni Peter si Saint sa Saturday." I said.
Nanlaki ang butas ng ilong ni mommy.
"The hell he will." Sabi nito.
"He has all the rights. He is Saint's father." I reasoned out.
"Merong party sa Saturday dito sa bahay. Dadating si Gary."

Nagtagis ang mga ngipin ko para pigilang sumigaw.
"Then maybe it's a good idea that Saint is not here," I replied.
"Tumigil ka Camilla. Mayaman si Gary. Buti nga pumayag na makita ka gayong may anak ka sa isang hampas-lupa."

"Tumigil ka na, Mommy. Nakakhiya ang mga sinasabi mo. Hindi mo alam kung ano ang naging effect kay Peter ng ginawa nyo ni daddy. Sinira nyo ang buhay nya." Nagsisimula ng tumaas ang boses ko.
"Huwag mo akong sigawan, Camilla. Anak lang kita. Papakiharapan mo si Gary sa ayaw at gusto mo."
Iniwan ako ni mommy na nanginginig sa galit.

Kung hindi lang dahil sa anak ko, hindi ako babalik ng Pilipinas.

Bakit ako nakinig sa kanila? Bakit ako nakinig na wala silang gagawin kay Peter kung lalayuan ko siya? Bakit ganito ang magulang ko? Can I just choose not to care anymore?

Pumasok ako sa kwarto ko ang I silently cried...

God, I missed Peter so much that I was losing hope to find him at ipakilala si Saint. I missed him so much that I ache inside of me when I saw him. Lord God, what have I done to deserve this pain? Nagmahal lang naman ako, Panginoon ko. Nagmahal lang ako.

Saints of Cami- CompleteWhere stories live. Discover now