Chapter 15- Love Story

15K 456 18
                                    

Cami

"Camilla, ano balak mo ngayon?" Bulong ni Cailee sa akin habang nakatingin ako kay Saint at Peter na nagkukulitan.
"I was thinking to open my own resto," I replied.
"That's awesome. Maiiwan mo ba ang dalawang Saint mo?" Tukso ni Allisons a akin.

Hindi ako sumagot... Kinuha ko na lang ang iced tea ko na kanina pa natunaw sa mesa.

"Oy, Saint." Tawag ni Allison. Tumingin ng sabay ang mag-ama sa kanya.
"Ang cute nyo." Khal commented.
"Si Daddy Saint ang kailangan ko baby." Nakangiting sagot ni Allison sa nagtatanong na mukha ng dalawang Saint.
"Saint Peter... bakit hindi ko nakilala si Camilla noong college?" Tanong ni Allison.
Nagtawanan kami sa tinawag niya kay Peter. Tumalim ang tingin ni Saint kay Allison.
"Hahaha... Saint Peter... Parang memorial plan lang... Open minded ka ba sa memorial plan?" Hirit ni Rome. Pati si Saint tumawa na lalo naming ikinatawa.
"Ewan ko sayo, Allison." Napipikon na sagot ni Peter.
"Bakit nga? Bakit hindi mo siya pinakilala dati?" Pangungulit ni Allie ng makabawi sila sa pagtawa.
"Hindi siya taga SLU." Sagot ni Saint. Kumunot ang noo nito.
"Kilala siya ni mama." He added tapos nagkibit ng balikat.

"Naalala ko nababanggit ka ni Peter dati. Sabi nya, babae daw ang bestfriend nya. Siguro hindi tayo nagkita dati kasi lagi kang may work after school and weekends." I replied to Allie.
Tumango si Allie. "Sa bagay. Sa library nga lang kami nagkikita ni Saint dati. Tuwing nakaduty kami." Sabi nito.

"Camilla, saan kayo nagkakilala ni Daddy Saint?" Usisa ni Khal. Wala silang preno kung magtangong.
"Sa Baguio po Tita. Sa may Burnham park." Sagot ng nakangiting anak ko. Napatakip ako ng mukha.
"Bakit mo alam?" Natatawang tanong ni Peter.
"Kinukwento ni mommy." Sagot ni Saint.
Mamamatay yata ako sa hiya.
"Natapunan ni mommy ng softdrinks ang mga paint ni daddy. He was painting a wall mural for Flower Festival." Dagdag pa ni Saint.

"Ano pa ang kinuwento ni mommy?" Tanong ni Beth.
"Saint..." I warned. Peter looked at me from Saint's back and his eyes were teasing.
"Suplado daw si daddy dati." Sagot ni Saint.
"Oh, Lord..." Nahihiya akong nagtakip na naman ng mukha. I am completely red from my toes until my split ends.
"At pinagbayad daw siya ni daddy dahil sa paint na natapunan niya." Bakit biglang ang daldal ni Saint?
Nagtawanan ang mga kaibigan ni Peter. I heard him chuckled.

"Sige pa baby Saint...kwento ka lang. Kunwari wala ang mga magulang mo." Pinupush pa talaga ni Zoey ang bata. Kinuha ni Saint ang cellphone nya...
"Saint... That's enough." I warned her. Tumingin si Saint sa akin and then she looks at Peter. Nakakuha na naman siya ng kakampi.
"Then, daddy didn't get her name. So dad painted a mural on a wall on Burnham with mom's face." Nilapag ni Saint ang picture ng wall mural na ginawa ni Peter for me. I have a picture of that. Saved in my all devices. Wala na ngayon sa Burnham ang painting na yun. Natakpan na ng ibang mural. But the memories are still alive with me.
"Oh...shocks... ang sweet." Kinikilig na nagtitili ang mga kaibigan ni Peter na babae. Pinagpasa-pasahan nila ang phone ni Saint at tinitingnan ang picture ng mural. It's a black and white painting but he captured my face perfectly. Then a classmate of mine told him my number.

"Parang ako ang babae sa painting kung kiligin ako." Beth commented.
"Teka, ang buhok mo Camilla. Natatapakan namin." Biro ni Zoey.
Nakakahawa ang mga tilian nila kaya napapangiti ako kahit namumula ako sa hiya.
"Iba ka, brad." Gab said to Peter. Nagfist bump pa sila na lalo kong ikinapula.
"Ano pa kinuwento ni mommy?" Tanong ni Cailee kay Saint.
"She called my dad Peter when everyone called him Saint because..." Natingin sa akin si Saint. Ngayon pa siya nanghingi ng permission para magkwento.
"Because we will give the name Saint to our first born. And you have it." Tinuloy ni Peter ang gustong sabihin ni Saint.

Saint beam a smile to her dad. Gusto kong umiyak sa nakikita ko. A father and daughter's love. Pero magmumukha akong tanga kung iiyak na lang ako bigla so I kept myself at bay.

"Ang cheesy... pero kinikilig talaga kami." Sabi ni Khal. Parang pusa ang mga babaeng kasama namin lalo na si Beth. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa paghigop ng iced tea na wala ng ice kaysa samahan silang kiligin.
"Sana daddy..." Paglalambing ni Saint.
"Ano yun?" Tanong naman ng ama niya.
"Sana may kapatid na ko." Sagot ni Saint.
For the second time, nasamid ako sa sinabi ng anak ko. Literal na lumabas sa ilong ko ang iced tea. Napanganga si Peter sa sinabi ng anak nya habang humagalpak ng tawa ang mga kaibigan niya. Kinakabog ni Allison ng likod ko habang lumuluha kakatawa.

"Baby Saint, kay Tito P ka matulog mamaya para magkaroon ka na ng kapatid. Magpopoker sila mommy at daddy" Tumatawang suggestion ni Rome. Oh my God... Bakit ganito ang usapan dito?
Nagningning ang mata ng anak ko sa sinabi ni Rome.
Oh Lord, magkaka- migraine yata ako.

Saints of Cami- CompleteOnde as histórias ganham vida. Descobre agora