Chapter Ten : Erica's Dream

Start from the beginning
                                    

"Okay!" maligayang saad niya bago ako muling hatakin. This time, hinatak niya ako kasama niya papunta sa lagusang ginawa niya.

Akala ko may mararamdaman ako nang pumasok kami sa portal. Mahihilo, or something like that. Kasi sa mga napanood ko noon, gano'n 'yung nangyayari sa mga bida kapag pumasok sa mga portal.

Tuloy-tuloy kaming tumakbo sa walang hanggang madilim na pasilyo hanggang sa may bilog at dilaw na lagusan muli kaming nakita. Paglagpas namin do'n, namalayan ko nalang na nakatayo na kami sa isang hindi pamilyar na lugar.

"Eto ba ang panaginip ni Erica?" tanong ko.

"Hindi ko alam."

"Pa'nong hindi mo alam? Sabi mo sa akin, kahit kaninong panaginip, dadalhin mo ako."

"Malay ko ba kung sinong Erica ang tinutukoy mo. Ikaw lang ang nakaka-alam ng itsura niya kaya hindi ako sure kung tama ang pinuntahan natin," aniya bago maglakad nang mabagal. "Baka mamaya maraming Erica ang nasa utak mo. Baka 'yung gusto mo talagang makita e hindi siya ang nananaginip ngayon. Hindi ko na kasalanan 'yon," dagdag pa niya.

"Tsk. Sablay naman pala magic mo e," saad ko dahilan para lingunin niya ako at iharap sa akin ang kamao niya. "You are more than safe with your guardian elf," panggagaya ko sa kaniya dahilan para mas lalo siyang mainis.

Natawa naman ako dahil wala siyang magawa.

Nagsimula na akong maglakad.

Nasa isang street kami. Walang ibang tao bukod sa amin ni Carin na naglalakad.

Nang lingunin ko si Carin, nakita kong nakatingin siya sa akin pero agad siyang umiwas.

"Swaying room as the music starts
Strangers making the most of the dark
Two by two their bodies become one."

Napakunot ng sabay ang noo namin ni Carin. Sinundan namin 'yung boses ng kumakanta. Boses babae 'yon. Sa tantsa ko, hindi kalayuan sa amin 'yon dahil naririnig na namin ng malinaw ang bawat salita niya.

Hindi kami nahirapang hanapin kung saan nagmumula 'yung boses, dahil pagliko lang namin—

"Pakshet?"

Nagulat kaming pareho ni Carin nang mahanap namin ang pinagmumulan ng boses.

"I-ikaw?" takang tanong ni Carin nang makita niya ang isa pang ako. May suot na polo na kulay dark blue, nakatayo sa labas ng isang bahay. Nakatingala rin ito kaya sinundan namin kung saan nakatingin ang kawangis ko.

"I see you through the smokey air
Can't you feel the weight of my stare
You're so close but still a world away
What I'm dying to say, is that."

Nakita ko si Erica na nakadungaw sa bintana, kung saan mismo nakatingala ang kamukha ko sa panaginip na 'to.

"Ba-bakit boses babae ako rito?" takang tanong ko. "Tsaka, panaginip ba talaga ni Erica 'to? Baka naligaw lang tayo," saad ko. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya. Dahil ba kumakanta ako gamit ang boses ng babae? o dahil panginip ito ni Erica.

"Malamang gamit niya ang sarili niyang boses. Iniimagine niya na kinakantahan mo siya," sabi ni Carin na parang wala lang 'yon sa kaniya. "Crush ka yata nito."

"I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's true
I never wanted anyone like this
It's all brand new
You'll feel it in my kiss
I'm crazy for you, crazy for you."

Ang weird talaga. Nakikita ko ang sarili ko na tila hinaharana si Erica— na never kong na-imagine. Mas lalo akong hindi kumportable dahil ibang-iba ang boses ko. Hindi ko alam kung saan ko pa isisiksik ang kahihiyang nararamdaman ko ngayon.

"Trying hard to control my heart
I walk over to where you are
Eye to eye we need no words at all."

Hinikayat ng nanghaharanang ako na bumaba si Erica sa bahay nila. Malalim na ang gabi rito, tanging poste na lamang ng ilaw ang nagbibigay liwanag sa daan at sa gabi bukod sa buwan.

Panaginip ba talaga ni Erica 'to?

Nawala sa paningin namin si Erica. Marahil bumaba na sa unang palapag ng bahay nila.

"Ti-tingin ko kailangan na nating umalis," sabi ko kay Carin. Tumalikod na ako at pilit kong tinutulak patalikod si Carin. "Alis na tayo!" mahina ngunit madiin kong saad.

"Ayoko pa. Gusto ko malaman kung anong sunod na mangyayari," parang tangang saad niya. "Kayo ba? I mean, girlfriend mo ba siya? Kaya sa kaniyang panaginip mo gustong pumunta ano? Boyfriend ka niya? Ang sweet mo naman," sunod-sunod na saad niya kaya mas lalo akong naging hindi kumportable.

"Carin, let's go," seryosong saad ko.

Napatingin siya sa akin. Nawala ang ngiti sa labi niya. "KJ naman nito. Bakit? Hindi pa ba kayo? Unrequited love? One sided? Incest ba kay—" Tinakpan ko na agad ang bibig niya dahil ang dami na niya masiyadong sinasabi.

"Masiyado kang madaldal para sa isang guardian elf," ani ko bago siya hatakin pabalik kung nasaan ang portal.

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang lakas niya o sadyang dahil elf siya kaya naka-alis siya sa pagkakahatak ko sa kaniya. Tumakbo siya pabalik kay Erica at sa nanghaharanang kawangis ko.

Wala akong nagawa kundi sundan si Carin nang may inis.

Nakita kong tulala si Carin kaya agad kong sinundan ang mga tingin niya— na sana hindi ko na ginawa.

"Tang...mother—"

I saw Erica, kissing me.

End of Chapter Ten.

Song title : Crazy for You by MYMP

Benedict DreamsWhere stories live. Discover now