XXVII

2.3K 135 54
                                    

YO'S POINT OF VIEW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

YO'S POINT OF VIEW


THIS is my last day in Thailand. Bukas ay babalik na akong New York. I conditioned my mind and heart to be happy kasi magiging malayo na ako kay Pha. Plano ko nga ring lumipat ng State pretty soon. Maybe California? Ewan. Kahit saan. May na-establish na rin naman akong career as a photographer kahit papaano. May mga memories rin kasi kami ni Pha sa New York and as much as possible, ayokong maalala sya. Pero who am I kidding? Kahit sa north pole pa ako tumira o kahit mangibang-planeta ako, maaalala't-maaalala ko pa rin sya. He's a part of me already. Hindi ko na sya basta-bastang matatanggal sa sistema ko. And to be completely honest, ayoko rin namang mawala sya sa puso ko. I don't care if I carry this pain along with me as long as I get to keep him inside my heart.

"Hanggang dito na lang ba talaga?"

Parang nabibiyak ang puso ko habang tinititigan si Pha. Kasaluluyan kaming nasa isang coffee shop on my last night in Thailand. I agreed to meet him for the last time. But this time, sigurado akong ito na ang magiging huli.

"Our story ends here. Tonight." I hate how much my words are hurting him. But if this is the only way for him to let me go, titiisin ko ang sakit. Dahil sa totoo lang, mas nasasaktan ako 'pag sinasaktan ko sya.

"Gusto ko pa sanang lumaban..."

"Don't," I stopped him abruptly. "It's not gonna be worth it."

"You're worth it. You're worth fighting for, always remember that."

Umiling ako.

"Magsasayang ka lang ng oras at ng effort mo. I've already made up my mind."

"Alam ko. And it pains me that there's nothing I can do to have you back. Siguro nga, this time, I fucked up big time."

I couldn't look at him anymore. Sobrang miserable nyang tingnan and I couldn't bear the fact that I'm responsible for his misery. Kaya tumingin na lang ako sa labas. Unti-unting pumatak ang ulan. Dahan-dahan hanggang sa tuluyan na iyong bumuhos ng malakas. Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid. May mga nagbukas ng payong at may mga nagsitakbuhan upang maghanap ng masisilungan.

"It was a good fight, Pha. Lumaban tayo ng ilang beses kahit sobrang sakit na."

"Bakit hindi pwedeng lumaban ulit tayo ngayon?"

"Kasi parang hindi na tama. It's no longer healthy for both of us."

"Are you saying na masyado ng toxic? Gano'n ba?"

"Honestly?" I gave a deep sigh. "Yes."

"Yo..."

Maybe NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon