XX

2.5K 118 15
                                    

B E A M ' S  P O I N T  O F  V I E W

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

B E A M ' S  P O I N T  O F  V I E W

WHERE do we go from here?

Iyon ang tanong ko pagkatapos sabihin ni Forth na mahal nya ako. Is this the happy ending that I've always wanted to have with him? Or is this the start of more confusions and complications? Magiging masaya na ba ako finally o mas masasaktan pa? I honestly don't know.

"Kanina ka pa tahimik," he commented while lying on the sofa bed. Ako naman ay nakahiga sa kama ko. Patay na ang ilaw kaya hindi ko alam kung paano nya nalamang gising pa ako.

Dito ko na sya pinatulog sa bahay because I can't allow him to drive while drunk. Naka-motor pa naman sya at baka kung mapa'no pa sya sa daan.

"Beam, alam kong gising ka pa. Answer my question. Bakit kanina ka pa tahimik?"

"Gabing-gabi na, Forth. Ano'ng gusto mong gawin ko? Mag-ingay? Kumanta ng maingay na rock song at gisingin pati ang mga kapitbahay? Matulog ka na lang dyan."

"You know that's not what I mean."

Of course. Alam ko naman kung ano ang ibig nyang sabihin. I'm just changing the topic on purpose because I'm such a coward to talk about it. Pagkatapos ng unexpected confession nya, I chose not to respond. Instead I simply offered him to spend the night on my room for his safety. Pero alam ko namang hindi ko maiiwasan ang topic na 'to forever. Eventually, kailangan namin 'tong pag-usapan.

"Pagod na kasi ako, Forth. I've had a long day."

"What about my confession? You don't know how hard it is for me na pakapalin ang mukha ko at sabihin sa'yo ang nararamdaman mo. 'Wag mo namang balewalain 'yon."

"Hindi ko binabalewala, okay? It's just that you're drunk—"

"So, hindi valid ang confession ko kasi lasing ako? You think I'm bluffing?"

"No, no. That's not what I mean—"

"Bullshit, Beam!" Nakita ko ang silhouette nya na bumangon at naglakad palapit sa'kin. Napabangon rin ako. "Oo, lasing ako. Pero seryoso ako sa mga sinabi ko kanina. Sigurado ako."

The fury and frustration was evident on his voice. Nagtindigan ang balahibo ko nang umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang mukha ko.

"F-forth..." Napalunok ako.

"I love you, okay? I love you. I'm fuckin' in love with you. Siguro mahirap paniwalaan pero totoo."

The butterflies in my stomach went wilder than usual. He finally said the magical words I've always wanted to hear from him. My illusions and fantasies were finally fulfilled. Pero bakit parang hindi ako sobrang masaya? Don't get me wrong. Masaya ako na mahal ako ni Forth. Pero alam mo 'yong feeling na ang daming doubts? Parang it's too good to be true kaya nakakatakot sunggaban?

Maybe NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon