XVII

2.5K 112 21
                                    

Y O ' S  P O I N T  O F  V I E W

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Y O ' S  P O I N T  O F  V I E W


THE resthouse reminded me of a lot of things—both sweet and painful memories. I've decided to focus on the beautiful ones dahil ayokong maging emotional ako at maapektuhan ang trabaho ko. Wala ako rito para mag-reminisce ng nakaraan kundi para magtrabaho. Isa pa, we're past that stage. Nalampasan na namin ni Pha ang masakit na chapter na iyon ng buhay namin. Here we are now, happy and together again. We became stronger because of the painful memories we've had.

"Nice one. Let's take a quick break muna," sabi ko at ibinaba ang camera.

Nasa beach kami kaharap ng resthouse para mag-pictorial. Summer season naman ang theme namin today kaya naka-puting sando si Pha na pinatungan niya ng blue polo habang naka-beach shorts. Mas lalo tuloy syang gumwapo at naging hot sa paningin ko. Syempre, I need to be discreet. Hindi ko pwedeng ipahalata na kinikilig ako.

"Naglalaway ka na naman sa boyfriend mo, ah," sabi ni Night na hindi ko namalayang nakaupo na pala sa tabi ko. May tent kasi kaming sinet-up sa beach at doon nag-i-stay ang mga staff.

"Sira. Hindi, ah."

"Asus, sa'kin ka pa ba magdi-deny? I know you better, Yo. Hindi ka pwedeng magsinungaling sa'kin."

"Kung anu-ano'ng napapansin mo kahit wala naman. Malisyoso ka rin, eh."

"Weh?"

Natawa na lang ako sa pangungulit nya. I'm so glad we're back to our normal kind of friendship. Alam kong nasasaktan pa rin sya dahil si Pha ang pinili ko but I can see that he's doing his best to hide it. Ayaw nyang ipakita sa'kin ang totoong nararamdaman nya para hindi ako mag-alala at makonsensya, which I truly appreciate.

"Alam mo, Yo, masaya akong nakikita kang masaya," seryoso nyang wika.

"Salamat, Night. Ang swerte-swerte ko talaga sa'yo."

"Nope, pareho tayo. We're so lucky we have each other."

"Nagbobolohan na tayo, ah."

"Totoo naman ang sinasabi ko. Tsaka, I want you to know that I'm okay. Ayokong mag-alala ka pa dahil nasaktan mo ako. Oo, masakit ang unrequited love. Pero alam mo 'yon, 'pag mahal mo ang isang tao, ile-let go mo sya para sa taong totoong magpapasaya sa kanya."

"Si Pha iyon. He makes me so happy."

"Alam ko. Kitang-kita naman sa mga mata mo, eh. Lalo na sa ngiti mo. He really makes you happy. At ayokong tanggalin ang kasiyahan na 'yan sa'yo. Ayokong mawala ang ngiting meron ka ngayon. You deserve to be this happy."

"Ikaw rin. You deserve to be happy dahil napakabuti mong tao. You're one of a kind and one day, mahahanap mo rin ang taong karapat-dapat sa'yo. Kung sino man sya, maswerte sya."

"Thank you."

Biglang lumapit si Pha sa tent namin. He's giving us a murderous look. Nagtaka rin ang ibang staff na naroon sa biglang pag-switch ng mood ni Pha from sunny to gloomy.

Maybe NowWhere stories live. Discover now