XXI

2.5K 114 28
                                    

Y O ' S  P O I N T  O F  V I E W

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Y O ' S  P O I N T  O F  V I E W

WHEN you think everything's going smoothly as it should, tsaka naman may darating na isang matinding plot twist sa buhay mo. Isang plot twist na magpapaniwala sa'yo na ang lahat pala ng kasiyahang naramdaman mo ay ilusyon lang. Iyong sasampal sa'yo ng realidad na, oo nga pala, hindi ka nga pala pwedeng maging masaya ng sobrang tagal. I should have known better. Temporary lang ang saya na naramdaman namin ni Pha. Akala ko sapat na ang pagmamahalan namin. I thought it's enough that we've learned a lot of things throughout our journey and we're now stronger to fight whatever battle that comes our way.

Akala ko sapat na 'yon. Hindi pala. Kulang pa pala iyon. Kulang na kulang pa. Because this cruel world is not yet done testing us. And this time, sukdulan na talaga ang pananakit ng mundo sa amin. Hindi ko na alam kung kaya ko pa.

"Hmmm, mukhang excited ka, ah?" panunukso ni Night na lumapit sa desk ko habang nagliligpit ako ng mga gamit.

"Masyado bang halata?" sabi ko naman.

"Iba talaga ang nagagawa ng pagiging in love, 'no?"

Biglang naging awkward ang atmosphere. He's teasing me about my lovelife when he's in love with me. Kahit na nagparaya na sya at sinabi nyang tanggap na nya, mukhang mahirap na nga sigurong maibalik 'yong dati.

"Ikaw talaga," sabi ko na lang at pinilit na hindi ipahalata sa kanya ang pagkailang ko. But I failed. Napansin pala nya.

"You don't have to feel awkward, you know? I know our situation and I have already made peace with the fact that we can never be together."

Saglit akong napahinto sa pagliligpit at tumitig kay Night. He was giving me a genuine smile but there was still a hint of sadness in his eyes.

"Salamat, Night. I really hope mahanap mo na ang taong para sa'yo. You deserved to be loved by the right person kasi napakabuti mong tao."

"I don't have to look for that person. Kusa syang dadating sa buhay ko sa tamang panahon. Sa ngayon, I'm enjoying different companies. Getting to know more people, you know."

"You're dating someone?" namamangha at natutuwang tanong ko.

"Hindi lang someone kasi marami sila. Iba-iba gabi-gabi," he joked and gave me a naughty smile. "If you know what I mean." He winked which elicited a laugh from me. Gets ko kasi ang meaning ng sinabi nya.

"Oy, ikaw, ah. Lumalandi ka."

"Hindi naman. Konti lang."

Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit ko habang nakikipag-usap sa kanya.

"Pero seriously, I'm happy for you, Night. Kung saan ka masaya, magiging masaya rin ako para sa'yo. I-enjoy mo lang kung ano man 'yang ginagawa mo gabi-gabi."

Maybe NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon