XII

2.5K 131 18
                                    

Y O ' S  P O I N T  O F  V I E W

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Y O ' S  P O I N T  O F  V I E W

HINDI ko napigilang mamangha nang buksan ni Pha ang isang pinto na nasa pinakadulo ng isang mahabang hallway sa second floor ng mansyon nila. Unang sumalubong sa amin ang isang magarang living room na nagsilbing para na ring entertainment room. Makikita roon ang isang smart TV, billiard table, sofas at glass table. Hindi naman kalayuan mula sa sala ay makikita ang isang malaking bed na may kulay puting comforter. Minimal ang disenyo ng kwarto at halatang lalaki ang may-ari niyon. Dominant ang kulay itim, puti at gray.

"Welcome to my room," nakangiting wika niya nang pumasok kami. Hawak nya ang balikat ko habang tinutulak ako papasok. He closed and locked the door and pushed me hanggang sa kama. Napaupo ako roon.

"Ang ganda."

"Thanks."

"Kung ganito pala kaganda ang kwarto mo dito sa mansyon, sana hindi ka na lang nag-condo."

"Hindi 'to kasing ganda ng nakikita mo. Parang palasyo para sa iba. Para sa'kin naman, kulungan. Whenever I'm here, it feels like I'm trapped. Parang wala akong freedom to do what I want."

I nodded. Naiintindihan ko naman sya. Living outside of their mansion was an escape to his suffocating life.

"What are we doing here, anyway?"

"Wala lang," he grinned. "Gusto lang kitang masolo."

I smiled. "Masolo?"

"Ang daming tao do'n sa baba, eh."

"Natural. Photoshoot nga, 'di ba?"

Lumapit sya sa isang drawer at may kinuhang box mula roon then he gave it to me.

"Ano naman 'to?" I asked curiously as I opened the box. Puno iyon ng mga nakatiklop na special and scented papers.

"Dinala ko ang mga 'yan galing sa New York."

Binuksan ko ang isa sa mga papel at halos hindi ako nakahinga sa nabasa ko roon.

***

Dear Yo,

     It fuckin' kills me each day knowing that I can't have you anymore. Ang hirap. Hindi ko pa rin matanggap. It's been twenty two days since I left you. Akala ko things will get better habang tumatagal. I was wrong. So damn wrong. It becomes harder the longer it gets.

***

Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa nabasa ko. Nakatitig lang ako sa papel at paulit-ulit na binasa ang mga nakasulat ro'n. Si Pha naman ay tahimik lang na nakatayo sa harap ko at pinagmamasdan ako.

Isang papel ulit ang binuksan ko. Binasa ko ang laman niyon.

***

Dear Yo,

Maybe NowWhere stories live. Discover now