XXII

2.2K 143 103
                                    

YO'S POINT OF VIEW

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

YO'S POINT OF VIEW


IT HAS been a week mula no'ng nalaman ko na nasa Thailand si Pha kasama si Pring. One week since I learned that his father was in a critical condition. One week na rin na wala akong naririnig mula sa kanya. He didn't call or text me. Hindi ba nya naisip na nag-aalala ako sa bigla nyang pag-alis nang hindi nagpapaalam sa akin? Hindi ba nya naisip kung ano ang nararamdaman ko na magkasama sila ngayon ni Pring? He's my boyfriend kaya ako dapat ang unang nakaalam ng tungkol sa daddy nya. I should be the one comforting him at times like this.

I stopped texting him. Ayokong magmukhang tanga kakahabol sa kanya. Kung ito ang gusto nya, fine. Hahayaan ko sya, bibigyan ko sya ng space. Pero kapag sobrang matagal na, hahanapin ko sya at hihingi ng proper break up kung gusto man nyang makipaghiwalay. I believe I deserve better than this. But for now, I'll give him a few more days. Baka kailangan muna nyang mag-isip.

But it turned out na hindi ko na pala sya kailangang bigyan pa ng space. Dahil pagkalabas ko ng office, naghihintay sya sa'kin sa labas ng kotse nya. His hands were on his pocket while leaning on his car. He smiled as if everything's okay which annoyed me even more. But there was something on his smile that made me feel worried. Hindi iyon kasinlaki ng mga ngiti nya noon. Parang pilit na ngiti iyon.

"Hi," he nervously greeted me.

I remained poker-faced. What did he expect me to do? Na matutuwa ako at sasalubungin sya ng yakap at halik pagkatapos nyang mag-missing in action nang walang paalam?

"Mabuti naman at may plano ka pa palang magpakita."

"I have a lot of explaining to do."

"Right."

"Listen, I know I fucked-up. Again."

"What else is new?"

I saw pain crossed his eyes. Yes, my coldness was hurting him but I didn't care. He hurt me even more by disappearing without a single word.

"Let's talk."

"Nag-uusap na tayo ngayon."

"Let's go to my condo. May importante akong sasabihin sa'yo."

"Ba't sa condo mo? Are you going to make out with me para patawarin kita? Think twice because that's not gonna happen."

"No, no. It's not like that."

"Then what?"

"Please. Just come with me. Marami akong kailangang sabihin sa'yo. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula but I'll try to explain everything."

Maybe NowWhere stories live. Discover now