XIV

2.3K 122 15
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


B E A M ' S  P O I N T  O F  V I E W

NAGTAKA ako nang i-cancel ng kapatid kong si Yo ang tawag ko. At first, akala ko nagkamali lang sya ng napindot kaya ni-redial ko naman. Pero cannot be reached na nang tawagan ko ulit. Nakakapagtaka. Ipapasabi ko lang naman sana kina mama at papa na late akong makakauwi ngayon kasi magce-celebrate kami sa job promotion ni Forth.

"O, ano na? Kanina ka pa dyan sa cellphone mo, ah," sabi ni Forth habang inaayos ang presentation ng dishes nya. Nakaupo lang ako sa harap ng mesa at parang prinsipe na pinagsisilbihan nya.

"Wala, kinu-contact ko lang si Yo. Ayaw namang sumagot."

"Baka busy."

"Apparently," I said habang naglalagay ng wine sa baso. Kaagad naman iyong inagaw ni Forth at inilayo mula sa'kin.

"Tsaka na 'yan pagkatapos nating kumain."

"Wow, ha. Astig. Kung makautos, daig pa ang papa ko."

"You look distracted."

"Huh? Hindi naman, ah."

"What's wrong, Beam?"

Masyado ba talaga akong obvious? O baka naman kilalang-kilala lang talaga ako ni Forth kaya mabilis nyang napansin ang uneasiness ko. I'm proud to say na na-maintain namin ang friendship namin sa paglipas ng panahon. Tuluyan naming nakalimutan ang mga pinagdaanan namin noon. Hinayaan na lang namin ang past namin na manatili na lang din na nakaraan. And so far, maayos namin ang lahat between the two of us.

He's a good of friend of mine now. Palagi syang nasa tabi ko tuwing kailangan ko ng makakausap at proud rin sya tuwing nagkakaro'n ako ng successful moments. Gano'n rin naman ako sa kanya. At sa tingin ko, mas mabuti na rin siguro ang ganito. We can only be friends lang siguro talaga, no more than that. Kaya pinipilit ko na lang ang sarili ko na makontinto at maging masaya sa kung anumang meron kami.

"Nag-aalala lang ako para sa kapatid ko," I admitted nang nag-umpisa na kaming kumain.

"Bakit? Dahil nagkabalikan sila ni Pha?"

Naikwento ko na rin sa kanya ang tungkol do'n kahit alam kong gusto muna itong itago ni Yo sa ibang tao. Kumportable na kasi ako kay Forth at alam kong mapagkakatiwalaan sya. Isa pa, sa kanya lang naman ako nakakapaglabas ng mga worries and anxieties ko kaya nasabi ko sa kanya ang tungkol do'n.

"Oo. You can't blame me. Nasaksihan ko ang mga paghihirap ng kapatid ko at ng pamilya namin noon. Things are starting to fall into place now. Natatakot lang ako na masira ulit ang lahat ng 'to dahil sa relasyon nila ni Pha."

"Hey, you need to chill. You're overthinking, Beam."

"Madali para sa'yo ang sabihin 'yan. You're from a wealthy family at hindi ka basta-bastang mapapabagsak ng kahit sino. Pero ang kapatid ko? Ang pamilya namin? Mga simpleng tao lang kami. We're not rich and influential. Kayang-kaya kaming sirain ng pamilya ni Pha para lang masunod ang gusto nila. Nagawa na nila 'yon minsan at mas magagawa nila ulit 'yon ngayon."

Maybe NowWhere stories live. Discover now