XI

2.4K 134 20
                                    

Y O ' S  P O I N T  O F  V I E W

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Y O ' S  P O I N T  O F  V I E W

NAKAKAILANG ang titig ni Pha sa'kin habang nagpi-pictorial sya sa loob ng mansyon nila. Imbes na mag-focus sa camera, sa'kin sya nakatitig. And damn, nakakaakit talaga syang tumitig. Ang suggestive ng dating. Nakakakilig na nakaka-turn on.

"Okay, we're good," I declared at ibinaba na ang camera habang nanginginig ang mga kamay. Pinagpawisan ako kahit ilang shots lang ang kinunan ko. "Change outfit naman tayo. Please be ready in twenty minutes."

Kaagad namang kumilos ang glam team para ayusan si Pha. Lumayo muna ako sa kanila at naupo sa isang sulok. As much as possible, gusto kong maging low-key ang relationship namin. Naisip ko kasi na hindi pa ito ang tamang panahon para ipaalam namin sa lahat ang status namin. Masyadong big deal ito at hindi kami sigurado kung paano iti-take ng mga tao ang tungkol dito.

We've decided to take things slow. One step at a time. Slowly but surely, kumbaga. Ayaw naming masira ang isang relasyon na pilit naming binubuo ulit. At sana sa muli naming pagkabuo, mas maging matatag na sana kami. I believe in us. I know we can do this together. Pero minsan, hindi ko pa rin maiwasang mag-overthink at kabahan.

"Hi."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita kong nakatayo sa gilid ko ang mommy ni Yo. Hindi ko namalayan na nandito pala sya sa mansyon. Ang sabi kasi ni Pha kanina, nasa office daw ang mommy nya at mukhang mamayang gabi pa uuwi.

"H-hello po," I greeted her back nervously with a forced smile.

Tipid na ngiti rin ang ibinigay nya sa'kin pagkatapos ay tumingin kay Pha na kasalukuyang inaasikaso ng glam team.

"I'm happy to see him like this. Masaya, masigla, maaliwalas."

I nodded.

"Ako rin po."

"I know you're the reason why he's happy."

"P-po?"

"You're back together, right?" She faced me and gave me a knowing look. "Hindi mo 'yan pwedeng itanggi sa akin because I know better. I'm his mother at kilalang-kilala ko sya."

"Y-yes, nagkabalikan na nga kami." Naisip ko na hindi ako pwedeng magpa-intimidate sa kanya. Hindi ako dapat magpadala sa takot ko. If we want to fight for our relationship, then I have to be stronger and braver. "Alam kong ayaw nyo sa relasyon namin. Hindi ako ang gusto nyong makatuluyan ni Pha kasi bukod sa pareho kaming lalaki, I'm not rich and I can't help you with your business. Pero gusto kong malaman nyo na sa pagkakataong 'to, hindi nyo na kami mapaghihiwalay ulit."

"Really?" She gave me an amused grin.

"Mahal ako ng anak nyo. If you love him, 'di ba dapat priority nyo ang happiness nya? I can make him happy and you know that."

Maybe NowWhere stories live. Discover now