VI

2.7K 151 37
                                    

Y O ' S  P O I N T  O F  V I E W

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Y O ' S  P O I N T  O F  V I E W

RANDOM question: Will you attend your ex-boyfriend's birthday party?

Siguro 'yong iba sa inyo, sasabihing "depende sa situation. Kasi if okay naman ang break up namin at kaya naming i-treat ang isa't-isa positively, then, why not?" Pero what if bitter ang paghihiwalay nyo? What if halos puro sakitan lang ang naganap sa relasyon nyo kaya kinailangan nyong tapusin 'yon? What if ngayong wala na kayo, you've decided to treat each other as strangers? Kung ako ang tatanungin, NO ang sagot. No, I won't attend my ex-boyfriend's birthday party.

So what the heck am I doing here?

"O, ano, kaya pa?" Night asked me teasingly at inabutan ako ng isang baso ng red wine.

Tinanggap ko iyon at ininom. "Of course."

Nasa isang mamahaling restaurant kami na nasa ika-labinlimang palapag ng isang matayog na building. Pinasara ni Pha ang restaurant para maging exclusive lang sa aming lahat na bisita nya. Maraming mga bigating tao ang imbitado. Nagkalat rin ang mga models na katrabaho ni Pha. Syempre, invited rin ang mga staff ng magazine namin including our boss. Alam ko namang inimbita nya lang ako out of courtesy. Ayaw nya sigurong magtaka ang mga kasama ko kung bakit lahat sila ay nakatanggap ng invitation at ako hindi.

Hindi sana ako pupunta dito pero sobrang mapilit si Mr. Davis. Kahit nag-alibi ako na masama ang pakiramdam ko, pinilit pa rin nya akong dumalo rito sa party kahit isa o dalawang oras lang daw. So far, nakaka-30 minutes na ako. I just have to endure another half an hour at makaka-survive na ako.

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit nyo ginagawa ni Pha 'to sa mga sarili nyo. You're hurting each other, you know?" ani Night na may hawak ring baso na may lamang wine. Nakatayo kami sa harap ng glass window, nakatingin sa city lights at sa mga nahuhulog na snow.

"Matagal na rin naman kaming nagsasakitan, eh. Ba't hindi pa namin itodo?" pabiro kong sagot.

"Sira," he chuckled. "Nakipaghiwalay ka sa kanya dahil takot kang masaktan. Sa ginawa mong 'yon, sya naman ang nasaktan mo. At dahil nasaktan mo sya, he's treating you like a total stranger kaya nasasaktan ka naman ngayon."

I smiled bitterly. "Ang funny, 'di ba?"

"Ang lungkot," he corrected me with a sad smile. Pati ako ay naging seryoso at napahugot ng malalim na hininga. "Nakakalungkot ang katoxican ng relasyon nyo."

"Wala na nga, eh. Wala na ang relasyon, katoxican na lang ang meron."

Napailing-iling sya at tumungga ulit ng wine sa baso nya.

"Ni minsan ba hindi mo pinagsisihan ang desisyon mo?" biglang tanong nya.

"Huh?"

"I mean, hindi mo ba naisip na what if mas naging matapang ka? What if hindi ka sumuko dahil takot kang mas masaktan? What if you took another risk, magiging worth it ba this time?"

Maybe NowOnde histórias criam vida. Descubra agora