XXVI

2.6K 139 77
                                    

YO'S POINT OF VIEW

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

YO'S POINT OF VIEW

HOW on earth did I end up outside of an emergency room? I honestly don't have an idea. Siguro dahil tanga ako? Ewan ko. Basta no'ng nakita kong ayaw umandar ng kotse ni Pha at pareho silang nagpa-panic ni Pring, I found myself offering them a ride to the hospital. Oo na, ako na ang tanga. I'm too kind for my own good. Pero naawa ako sa kanila. They were parents and their child is in danger. We've been through a lot of awful things (maybe that's an understatement) but we're talking about a child here. Kung ano man ang mga masasakit na pinagdaanan ko dahil sa kanila, walang kinalaman ang anak nila do'n. Labas ang bata sa personal issues namin.

I was supposed to just bring them to the hospital and go home right away. Pero hindi nangyari 'yon. Instead I stayed a little longer. Sinamahan ko sila at dinamayan sa isang napakahirap na sitwasyon sa buhay nila. My heart broke when I saw their worried faces. Ibang Pha at Pring ang nakita ko no'ng mga oras na iyon. Nasaktan nila ako ng ilang beses at hindi pa rin nawawala ang galit ko sa kanila. But to be fair, I witnessed how they tried to be responsible parents to their child and I felt proud of them. Nagkamali sila pero pinanindigan nila ang consequence ng pagkakamali nila.

"Thanks for staying," sabi ni Pha habang magkatabi kaming nakaupo. Sandaling umalis si Pring para bumili ng kape kasama ang maid na nagdala ng anak nila sa ospital.

Kaming dalawa na lang ang naiwan sa labas ng emergency room. It was supposed to be awkward, pero hindi. Balot kami pareho ng tensyon at takot.

"I should probably go in a few minutes," mahinang tugon ko. "I don't even know why I'm here."

"Sa totoo lang, hindi ko rin in-expect na mananatili ka pala rito at sasamahan kami. But I want you to know that I really appreciate your presence. It means a lot."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi nya. I wanted to comfort him pero hindi kami magkaibigan para gawin ko 'yon. Paano ko iku-comfort ang isang taong sobrang nanakit sa'kin?

"Kaya nyo na siguro dito, 'di ba? I have to go now. May work pa ako bukas," paalam ko at tumayo. Pero mabilis nya akong pinigilan at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Pha..."

"Alam kong hindi ito ang tamang oras para sabihin ko sa'yo 'to dahil nag aagaw-buhay ang anak ko. But I want you to know na seryoso ako sa mga sinabi ko kanina."

"Mas mabuti siguro kung kalimutan na lang natin 'yon."

"Yo..."

"We can't fix us anymore. Realistically speaking, sobrang daming masasakit na bagay na ang nangyari. We're too damaged beyond repair and it would be a mistake and a waste to fix something that could potentially ruin us even more."

Maybe NowNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ