Chapter Two : Tree House

Start from the beginning
                                    

Tumango naman siya bago kami nagsimulang maglakad papunta sa rooms namin.

~•~

After ng exam, dumiretso agad ako sa bahay.

Pagod na pagod akong umuwi at kaagad na pumunta sa kusina pagtungtong ko sa loob ng bahay. Gutom nanaman ako-hindi, kanina pa ako gutom, pero nabawasan dahil kay Erica. Mabuti na lang at ngayon ko nalang ulit naramdaman ang sobrang gutom at hindi kanina habang nag-eexam.

Thanks to Erica.

3:35 palang ng hapon. Mukhang wala sa bahay si Tita Jena at Joshua. At malakas ang kutob ko na nasa 'comfort zone' nanaman sila. At kung ano ang comfort zone nila? Mall. Shopping. Waldas pera nanaman. Kung umasta akala mo sila ang nag-ttrabaho. Comfort zone ang tawag ni Tita Jena sa Mall. Astig 'di ba?

P'wede ko kaya siya tawaging comfort woman? Tutal wala naman siyang ambag sa bahay na 'to bukod sa pagiging asawa niya kay Papa.

Tinanggal ko na sa isip ko ang bad thoughts at naghanap na ng makakain.

Luckily, may nakita akong pagkain sa ref. Nagluto ako ng hotdog at nagsaing ng kanin. Kahit mayaman kami, hindi na kami naghire ng katulong. Para kay Tita Jena, bakit pa magkakatulong, eh nandito naman ako. Imbis na ipang sweldo, bakit hindi nalang niya igastos sa shopping ang pera.

Kumain na agad ako at hinugasan ang pinagkainan ko. Pumasok na ako sa kwarto ko. 'Yung luma, at madaming sapot ng gagamba. Ibang-iba talaga ito sa kwarto ko sa second floor. Mas maganda at mas yayamanin. Kaso, kapag weekdays doon natutulog si Joshua. Kaya nga kapag bumabalik ako doon ng weekend, it's a big mess.

Humiga ako sa kama ko. Wala naman akong gagawin. Naka-charge pa ang cellphone ko.

Oo, may cellphone ako kahit inaalila nila ako dito. Every weekend chine-check ni papa kung nasa akin ba ang cellphone ko. Kaya takot lang nila Tita Jena na kuhain saakin 'yon.

Pero kahit may cellphone ako, ni minsan hindi ko sinabi kay Papa na inaalila nila ako. Natatakot kasi ako na baka hindi niya ako paniwalaan at mas gustuhin pang palayasin ako sa pag-aakalang nagsisinungaling ako. Alam kong kaya niyang gawin 'yon dahil desperado na siyang mamuhay ng tahimik kasama ang bago niyang asawa.

Naramdaman kong unti-unting bumabagsak ang talukap ng mga mata ko. Ang tanging iniisip ko nalang sa ngayon, ay maging maganda ang panaginip ko, gaya ng nakasanayan.

~•~

Matatayog na puno.

Sariwang hangin.

Huni ng mga ibon na paulit-ulit kong naririnig.

Mga tuyong halaman na nagbagsakan mula sa mga puno na ngayo'y naaapakan ko.

Hindi talaga mapagkakaila ang ganda ng lugar kung saan lagi ako napupunta. Hindi ko alam kung paano nangyari na palaging dito ako napupunta kapag nakatulog na ako. Wala naman akong kahit anong kapangyarihan sa panaginip na kayang gawin ang mga gaya nito.

Ang ganda ng buong paligid. Mayroong mga paru-parong lumilipad. Berdeng-berde ang mga halaman at damo sa paligid. Sa matataas ang puno, naroon ang ginawa kong bahay. Tree house.

Umakyat ako roon gamit ang hagdang gawa sa kahoy na permanente nang nakadikit sa trunk ng puno.

Natuwa naman ako nang bumungad sa akin ang loob ng tree house pero at the same time, for the nth time, napakunot ang noo ko. Ilang beses na kasi akong nananaginip pero ni minsan hindi ako napunta sa ibang lugar. Para bang, paulit-ulit kong napapanaginipan ang lugar na ito sa hindi malamang dahilan.

Walang dagdag, walang bawas. Lahat ng gamit sa tree house ay ganoon pa rin. Natutuwa ako dahil palagi akong nandito sa lugar na ito. Sana lagi nalang akong nandito. Nakakarelax, nakakalimutan ko ang lahat ng problema ko.

Pumunta ako sa higaan. I sat at the edge of the bed.

May mga frame na nakalagay sa cabinet na gawa sa kahoy. Maganda sa loob ng tree house. Sariwa ang hangin, at madaming fireflies na nag-liliparan. Makikita mo sila kahit umaga dahil may lilim ang tree house na nagmumula sa mga halaman sa taas at paligid nito.

Hindi mainit dito, pero hindi ko rin masasabing malamig. Tama lang.

Mga ilang metro ang layo ng tree house na ito sa eskwelahan namin. Nakakapag-taka na pati sa panaginip ko ay may paaralan. At gayang-gayang nito ang paaralan na pinapasukan ko. Lahat ng estudyante sa paaralan namin, nandito rin. 'Di ko alam kung dahil ba malawak lang ang imahinasyon ko, o dahil mahal na mahal ko ang lugar na 'to kaya palagi kong napapanaginipan.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may marinig akong kaluskos. Noong una inisip ko na baka isa lang iyong guni-guni. Pero nakarinig ako ng mga palatik kaya na-curious ako at hinanap ang pinanggagalingan ng mahihinang daing.

"Bwiset! Bakit ko ba naman kasi naisipan na sa bubong pa magbantay," dinig kong sabi ng kung sino.

Nanlaki ang mata ko nang itingin ko sa labas ng tree house ang mga mata ko.

Mayroong babae na nakasalampak at halatang nahulog sa mataas na lugar base sa ayos niya. Hawak din niya ang kanang binti niya na parang may iniindang sakit.

"Sino ka?"

End of Chapter Two.

Benedict DreamsWhere stories live. Discover now