"Kahit kailan ay hindi kita mamahalin." Mabigat ko na sabi sa kanya. Gusto kong sampalin sya ng katotohanan. I felt a frog inside my throat as a sign of wanting to cry even more but i swallowed it back because Alice isn't worth any single of my tears. "Kahit ano pang gawin mo, kahit na lumuhod ka pa habang buhay ay hinding hindi parin kita mapapatawad. Pinagkatiwalaan kita. I even treat you as a friend tapos bababuyin mo lang ako."

Napayuko si Alice habang umiiyak. "I'm sorry.."

Tumalikod ako at hinwakan ang doorknob. "At isa pa.." I looked at her over my shoulder. "May mahal na akong iba." After i said that ay nagmamadali na akong umalis ng hotel at tumawag ng taxi. Umiyak lang ako nang umiyak sa taxi hanggang sa mapagod ako. Dahil hindi ko pwedeng ipakita o  iparamdam sa pamilya ko na may nangyaring sakin.

I checked my phone. Ang daming messages at miscalls from my friends and Cassy. My heart hurts when i saw her name sa inbox. I want to call her and ask for her hug but i couldn't dahil nahihiya ako.

Lalo pa ngayon na parang im hiding something big from everyone. Kaya  mas makakabuti na ilihim ko nalang muna ang lahat at kapag nakakuha ako nang tamang tyempo, ako na mismo ang magtatapat sa pamilya ko at kay Cassandra.

Also, at this very moment. I just realized something. I love Cassandra Monteralba.

Kinakabahan ako habang naglalakad papasok ng bahay namin and since it's already one in the morning malamang ay tulog na silang lahat. Hinubad ko ang heels ko para walang ingay. I don't want them to see me like this na para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Itutungtong ko na sana ang paa ko sa unang baitang ng hagdanan ng biglang bumukas ang ilaw ng buong kabahayan.

"Where have you been Aubree?" Dumadagundong ang boses ni Papa na parang kidlat. "Anong oras na.."

Napalunok ako sa takot while looking at him upstairs. "Dad..."

He looks so serious and ready to eat me alive. "Kanina pa ako tawag ng tawag sayo."

Nilunok ko ang takot at kaba. "Sorry dad i was late." I forced myself to smile like the old times para hindi sya magduda. "Lumabas ako kasama sina Ava at Maya."

Naging sumpaan na naming magkakaibigan na kahit anong mangyari ay walang laglagan.

Pinagmasdan ako ni Papa mula ulo hanggang paa. "Went out? Like bar and clubbing?" Tumango ako. "Pero bakit ganyan ang itsura mo?" I felt his fiercing gaze on my face. "Magsabi ka nang totoo Aubree. May nangyari ba sayo?"

I shifted my weight on my feet. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang lahat dahil kapag oo ay siguradong malaking gulo ang mangyayari. "I was telling you the truth." I took me all my powers para makipagtitigan kay Papa just to prove him im not lying. "Kasama ko sina Ava at Maya."

Bumaba si Papa sa hagdanan hanggang sa maging face to face kami. "Kung ganon e bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Kung ang ate mo pa ang inutusan kong tumawag sayo alam mo na ang mangyayari Aubree." Magkasalubong ang kilay nya. "Lagi kaming nag-alala pag gumagala ka o  nagpupunta kung saan saan." 

"I'm sorry po." Paumanhin ko sabay tungo. I felt bad and so guilty. Ayaw ko naman silang pag-alalahanin pero may mga bagay na out of my control. "Hindi na po mauulit."

Dad took a deep and long breath. "Payag naman kami ng mama mo na gumala ka at gawin ang gusto mo sa buhay pero sana man lang ay maging responsable ka Aubree." Bakas sa mukha nya ang pinaghalong galit at pag-aalala. "Paano kung may nangyari sayong masama? Paano na kami? Ang ate mo?"

Niyakap ko si Papa nang mahigpit. "Wag ka na magalit, baka magkasakit ka sa puso e." Pero kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag dahil hindi si Ate Averi ang nakaharap ko ngayon dahil baka hindi lang sermon ang aabutin ko. "I promise na hindi na mauulit."

My Ex and Whys (Lesbian) Where stories live. Discover now