Epilogue

217 2 0
                                    

Isinarado ko ang aklat at nakabusangot na binitbit ito papunta sa silid ni Mamsi.







"Ano bakit—" nanlaki ang mata ni
Mamsi ng ibagsak ko sa unahan nya ang librong sya mismo ang gumawa!







"Mamsi! Ano yan! Bakit hindi tapos! Bakit bitin! Anong nangyari kay Ataxia?! Anong susunod na nangyari?! Mamsi naman!!!!!!! Bakit yun ang ending!!!" bagot akong tiningnan ng Nanay ko. Abat?!









"Anong pinaghihimutok ng butchi mo dyan ha? Tanga! Hindi ko kasalanan kung bakit shunga shunga ang tatay mo at mali ang narelease na libro. Kaso kinagat naman ng mamimili kahit ang gulo gulo ng story na yan! Halos lahat naman ng storya ko magugulo. Binili lang siguro nila dahil napilitan o ewan ko ba!" tiningnan ko sya naparang hindi naniniwala.







"Magulo nga pero may lesson naman. Pero... Mamsi ginigigil mo ko! Alam kong shunga si Dadsi kaya wag mo na ulit ulitin baka mautot na naman ako sa kakatawa. Ikwento mo nalang saakin ang susunod na nangyari o di kaya kung nakasulat dyan sa draft mo pabasa nalang ako!!!" umupo si Mamsi sa swivel chair nya at ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa.








"Mahal kong anak, hindi ko tinapos yang story na yan dahil hindi ko na alam ang isusunod ko. Kaya nung nagrirequest nang mga tao na ipublish ang part two, wala akong mapublish dahil hindi ko naman na talaga tinapos yan. Ginawa ko yan nung wala akong magawa sa buhay ko non. Wala pa kasi kayo non eh." umirap ako at kinuha ang libro. Yinakap ko ito at ngumuso.








"Bakit kasi di mo tinapos?!" napasapo naman ng ulo si Mamsi. May mali ba sa tanong ko ha?! Hindi ko pa naman tinatanong yon sakanya ah?!






"Kasi nga hindi ko na alam ang isusunod ko! Kakulit naman ng batang ire! Bumalik ka na nga lang sa kwarto mo o di kaya bulabugin mo ang kakambal mo! Hindi yung ako ang binubulabog mo." umiling iling ako at hindi umalis dito sa silid nya.









"O, bakit hindi ka pa umaalis? Bakit hindi ka pa tumatayo dyan?" umiling lang ako ulit at pinagmasdan lang sya.






"Ano nga kasi yon?" nangungulit si Mamsi! May himala!





"Bakit gusto mo malaman rason ko?" tinaas baba ko kilay ko.






"Ewan ko sayong bata ka! Sainyong magkakapatid ikaw lang ang napaka kulit, ay hindi! Nasobrahan sa kakulitan!" ngumuso ako at nag sad face.







"Grabe ka saakin Mamsi! Sinasaktan mo feelings ko!" humawak pa ako sa dibdib ko na para bang nasasaktan.









"Luh? Serenity? hawak hawak ka dyan sa dibdib mo... meron ka ba nyan ha?" Tiningnan ko ng masama si Serene na kakapasok lang.










"Hey Mother Angel!" binato sya ni Mamsi ng tissue. Ayaw kasi ni mommy na tinatawag syang Angel. Ewan ko ba dyan.






"Alam nyo bang ilang puno ang nasasayang para lang gumawa ng tissue tapos itatapon mo lang ng ganito? Akala ko ba may pake ka sa kalikasan? Grabe yan Nanay Angel ha!" pinigilan ko ang tawa ko dahil sa sinabi ni Serena. Sya lang talaga ang naiiba ang meaning ng name saamin. Ampon yata yan eh, joks!









De, seryoso, ganito kasi yan. Wala na talagang maisip non sila Mamsi— joke lang ulit. Ito na talaga, dapat Seren ang name nyan kaso bungol yung nurse kaya nasulat Serena. Lagi ko ngang inaasar yan na Serena wala namang buntot tapos pikon na pikon sya pero love love naman nya ako. Subukan nya akong hindi i-love! Kapal naman ng mukha nya pag nagkataon.....









You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ravishing Serenity Where stories live. Discover now