[ 19 ]

168 6 0
                                    

The next day walang ginawa sila Ryanne kundi bulabugin ako dito sa hospital. And yes, hindi pa din ako nakakalabas. Alam nyo kung bakit? Last Night, i tried to stand up and end up facing the floor. I can't use my feet properly. Di ko alam kung injured or sadyang mahina talaga katawan ko.







"Aren't you going to dye your hair?" kinukulit kasi ni Zanea ang kakambal nya na magpakulay ng hair. Nagpakulay kasi ng buhok si Zanea, actually hindi lang sya lahat sila except kay Zaylee. Ginaya nila ang kulay ng buhok ko. Ewan ko ba sa mga yan.







"Ayoko nga okay? Pare pareho na nga tayo ng haircuts pare pareho pa tayo ng color ng hair. Like, girls, are you serious?" yup! pare pareho din kami ng haircuts. Ako nga nalilito na ano pa kaya ang ibang tao diba?







"Pare pareho pa tayo ng height. Pero mas matangkad lang si Ataxia ng mga one inch ata." isa pa yan sa problema. Goodluck talaga sa mga tao sa paligid namin.







"Malilito na yang mga tao saatin dahil sa mga pinaggagawa nyo eh." saad ko tapos ay ipinikit ko ang aking mga mata. Nadinig kong tumunog ang mono block chair sa gilid ko. Agad kong minulat ang mata ko para silipin kung sino iyong umupo.







"Ang saya kaya non 'te girl. Tsaka pwede ba? Wag ka na umangal dyan. Kasi girl, graduating na tayo tapos maghihiwa hiwalay na tayo ng school- ikaw lang pala ang mahihiwalay saamin kasi magiengineer ka at sa New York ka pagaaralin nila tita eh. So, ayun nga..... Hayaan mo na. Tsaka masaya kaya 'to alam mo yon baka maranasan din namin maging ikaw yung madaming naghahabol- ARAY NAMAN! Nagbibiro lang eh! 'To naman nagiging brutal ka na ha!" napailing nalang ako kay Misha. Kahit kailan tong babaeng 'to di mo alam kung nasisiraan na ba ng bait o kung naano na eh.







"Kung ako sayo Misha Catarina Villa. Mananahimik na ako bago pa kita masapak ng tuluyan. Matutuwa sana ako sayo kung bibilhan mo ko ng isang pint ng ice cream at ube ang flavor, kaso hindi eh." bumusangot sya at pinagtawanan naman sya nila Ryanne.







"Hay nako, Catarina. Ano nasampulan ka na? Ikaw kasi eh" pangaasar ni Ryanne sakanya. Tiningnan naman sya ng masama ni Misha.








"Hoy Akisha. Baka gusto mong gawin kong tomato sauce yang pisngi mo kapag di mo tinantanan pang-aasar saakin. Kahapon ka pa eh?!?" inis na ang isang 'to dahil sumigaw na.









"Baka bago lumapat ang kamay mo sa pisngi ni Akisha, nasa leeg mo na ang kamay ni Mindy" panggagatong naman ni Zanea. Napatingin ako sa pwesto ni Zanea na abala sa pagkain ng pasta na dala ni Mommy kanina.







"Talaga ba Margot? Talaga ba?" iritadong sabi ni Misha. Pinilit kong abutin ang dulo ng buhok nya. At nang maabot ko na ito ay mabilis kong hinatak kaya nagtawanan sila Zanea.








"Aray naman Vernice!!!!" ano bang meron na naman ang second name basis na naman kami?







"Pwede bang bigyan nyo naman ng kahit kaunting kapayapaan itong silid na ito? Kanina pang umaga ang ingay ingay na ng kwarto ko eh. Pwede bang matulog muna ako at magpahinga tapos kayo, manahimik muna?" umirap lang si Misha at tinampal ang kamay ko na nakahawak sa braso na nya.






"Matulog ka na nga lang dyan bruha ka! Aalis na din naman kami mamaya. Wag mo lang kaming mamessage message na namimiss mo ingay namin tas kapag nandito na kami at nagingay ang dami mo namang angal. Kaya sige, sino magaadjust mare?" hinayaan ko lang sya magsalita ng magsalita at ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Kapag ginatungan ko pa ang sinabi nya mas lalo lang hahaba ang usapan namin at hindi na naman ako makakatulog. Pasado alas syete na kasi ng gabi kaya dinadalaw na naman ako ng antok.




Ravishing Serenity Onde as histórias ganham vida. Descobre agora