[ 11 ]

145 8 0
                                    

Sunday Morning ngayon at abala ako sa pagiimpake ng damit habang sila Misha ay tinatry i-contact si Jaxzien.



"Ano? Hindi pa din sumasagot?" tanong ni Zaylee sakanya habang kumakain ng masanas.




"Kung sumagot na edi sana kanina pa ako may kausap dito diba?" pangbabara naman ni Misha kay Zaylee. Inambahan sya ni Zaylee na babatuhin nya si Misha ng mansanas pero sinaway sya ni Zanea.





"Wag mo idamay yung mansanas sa pagiging pikon mo. Utang na loob, Ate." Zaylee just rolled her eyes to her sister and continue eating.




"Just text him or Just informed him, para lang alam nya na kasama natin ang bebe nya. Hindi naman natin papabayaan 'tong anghel na ito ano!" nagtaas baba ang kilay ni Ryanne habang naka tingin saakin. Umiling na lamang ako at sinarado na ang zipper ng maleta.



Inilapag ko ito sa kama, "Finally! I'm done!" natapos din ako sa pagiimpake. Hindi ko sila hinayaan na tulungan ako dahil baka kung ano ano na naman ang ilagay nila sa maleta ko.



"Kailangan nga nating tawagan para mas formal ang pagpapaalam natin. Mas maarte pa yon kesa dito sa shota nya eh!" huminga nalang ng pagka lalim lalim si Ryanne at sumenyas sakanya na parang bahala na sya.




"Bahala ka na nga! Pag naubos yang pang tawag mo, wag ka magrirequest na ilibre kita ng load ha!" at humiga si Ryanne sa kama ko tsaka niyakap ang life size teddy bear ko na nasa gilid lang nya.





"Inaantok pa ako. Matutulog muna ko, gisingin nyo nalang ako kapag aalis na tayo." saad nya. Palibhasa kagabi palang ang handa na ang mga dadalhin nya, nila. Kaya ngayon nandito na sila nagtatambay.





Magpapahatid nalang kami kay Mommy papunta sa Airport. Dapat kasi si Kuya maghahatid saamin kaso nga magkaaway kami non at naiinis ako sakanya. Tapos di man lang ako magawang suyuin? Pero pag jowa nya ang nagagalit at nagtatampo o naiinis sakanya, eh kabilis bilis magsuyo tapos ang effort pa. Pero pag sarili nyang kapatid........





"Mas mabilis mag drive si Kuya Vernon. Bakit ba kasi di kayo in good terms ng kapatid mo? Hay." mahinang sabi ni Ryanne at tiningnan ko na lamang sya.




Lumapit ako kay Misha, "Ako na ang tatawag, kayo kumausap." nagtinginan pa yung tatlo pero kalaunan ay tumango din at tinago na ni Misha ang phone nya sa bulsa ng shorts nya.





Ilang ring lang ay sumagot na si Jaxzien. Binigay ko agad sakanila ang phone at naka loud speaker ito.



"Hello? Babe?" sabi ng nasa kabilang linya. Sinenyasan ko nalang sila na magsalita na sila dahil okay lang iyon.





"Unique? Hello, ahhh ipapaalam kasi namin si Ataxia. Pwede ba syang sumama saamin? Hiramin muna namin ang jowa mo for three weeks." nakatingin saakin si Misha habang nagsasalita.





"What?! Three weeks?! Ang tagal naman." napapikit ako at napaupo sa kama.






"Sige lang kausapin nyo lang" mahina kong sabi sakanila at iniiwasan na madinig ni Jaxzien ang boses ko.




"Uhh bonding na din kasi namin. Tsaka hindi din kasi kami nakapag swimming nung summer. So....." nadinig ko kung paano bumuntong hininga si Jaxzien sa kabilang linya. Panigurado ay nakapikit na ang mata nyang mariin.





"Okay. Okay. Okay fine. Basta iuwi nyo saakin yan nang walang ka galos galos at sugat o kinagatan man lang. Wag nyong hahayaan yan na makagatan ng kahit langgam lang. Kung maaari bantayan nyo ang mga lalaking nakapaligid sakanya, alam nyo na ang ganda nyan, nakakahatak ng kung sino sinong nilalang. Ingatan nyo Reyna ko kayo malalagot saakin." seryosong sabi ni Jaxzien na nagpangiti saakin. Umirap sila Misha at nagmake face naman si Zaylee.





Ravishing Serenity Where stories live. Discover now