[ 8 ]

184 4 0
                                    

"What's our plan for today?" saad ni Zanea kaya napabaling ako sakanya. Sa halos ilang oras nilang pakikipagtitigan sa pabango ay nabalik naman sila agad sa realidad ng buhay.




Nagkibit balikat at nagpatuloy sa pagaayos ng gamit ko. Nagaayos ako ngayon dahil nga binulabog nila ang bawat sulok ng kwarto ko. Kanina pa nga kami dito sa kwarto eh. Hindi kami lumalabas tapos ni-lock pa nila ang pintuan.




"Anong hindi mo alam?" gulat na sabi ni Zaylee. Nilingon ko sya at sumandal sandali sa mini cabinet ko.



"Hindi ko alam kung anong plans ko kasama kayo." ngumiti ako sakanila at nagpatuloy sa ginagawa ko. Naramdaman kong may bumato sa likod ko at pagsilip ko sa baba ko ay may unan na nasa baba.




Pinulot ko ito at patalikod na ibinato sakanila. Nadinig kong sumigaw si Ryanne. "Aray ha!" di nalang ako lumingon at nagpatuloy sa pag gawa.




"Kaya pala parang ang tahimik ni mayora. Iba ang tahimik. Kasi naman may dalaw pala." napahinto ako sa pag gawa ng nadinig ko ang sinabi ni Zanea. Agad kong sinilip ang pang upo ko at napamura ng mahina.



"Shit" agad kung hinanap ang cabinet ko para sa mga sanitary napkins ko. Magkakasama kasi yung mga yon.



Kumuha ako doon sa long pad at kumuha din ng panty and shorts bago nagpunta sa bathroom para magpalit. Nakakainis! Lagi nalang akong natatagusan! Hindi naman kasi sumusunod sa dapat na araw kung kailan ako dadatnan eh.



Nadinig kong sumigaw si Misha sa labas ng bathroom, "Punta lang kami sa baba para gumawa ng Bake Mac and Cheese tapos Pineapple Pizza! Baba ka nalang after!" mukhang inaantay pa nila ang sagot ko dahil nadidinig ko pa ang boses ni Zanea at Zaylee.




"Sige! Susunod ako!" sigaw ko pabalik habang nandito ako sa loob ng bathroom at nagpapalit.



Pag ako talaga nagpapalit inaabot ako ng siyam siyam. Kinusot ko ang panty ko at ibinabad sa sabon panlaba. Marunong naman kasi akong maglaba. Hindi naman porke mayaman kami eh magpapaka señorita na ako.




Pagkatapos kong ibabad at pabulain ang sabod sa balde ay naghugas na ako ng kamay at lumabas na ng kwarto ko. Tinapos ko ang ginagawa ko kanina bago kunin ang phone ko at lumabas ng kwarto. Hindi ko na pinatay ang aircon para malamig na mamaya pagkapasok namin.




Naka twenty one degrees lang naman iyon, hindi naman eighteen kaya okay lang yan. Pababa ako ng hagdan ay amoy na amoy ko na agad ang niluluto sa kusina. Dinalian ko ang pagbaba ko at agad naglakad papunta sa kusina.



Ipinatong ko ang dalawa kong siko sa counter at nagpangalumbaba doon. "Hmmm ang bango ha" saad ko at pinagmamasdan lang silang magluto.




Nilingon ako ni Zaylee at sinimangutan, "Baka gusto mong tumulong?" umiling ako at umalis sa pwesto ko doon. Naglakad ako papunta sa living room at nanood nalang ng TV.



Tuwang tuwa ako ngayon sa palabas ng Star Movies kasi Twilight Saga: Breaking Dawn Part Two ang palabas. Tuwang tuwa ako sa anak nilang mayroong mahirap na spelling ng name. Renaismei ba yon or Renasmei or Renaesmae?!?!




Ah okay naalala ko na ang name nya, Renesmee Carlie Cullen ang name nya!!! Ang ganda nya alam nyo yon! Kaso in real life hindi na sya maganda. Ewan ko ba, baka may mga batang maganda lang simula pag kabata pero pag laki hindi na. Yung iba naman, baliktad ang nangyayari, katulad ko nalang, daw. Ang hindi maniwala mababaog, de loko lang. Pero sabi ni Mommy ganon daw.




Ravishing Serenity Where stories live. Discover now