[ 26 ]

106 6 0
                                    

Damang dama ko ang pagkabasa ng mga mata ko. Umiyak ba ako habang natutulog? O baka sadyang basa pa din sya hanggang ngayon dahil nga umiyak ako kanina. Halos hagulgol na nga iyong ginawa ko kanina eh tapos nawalan na ako ng malay.




Inilibot ko ang paningin ko at wala akong kasama dito sa kwarto. Pero akala ko lang pala dahil naaninag ko agad ang bulto ni Jaxzien. Anong ginagawa nyan dito?






"Anong ginagawa mo dito?" pinilit kong lamigan ang boses ko. halata sa mata nya ang lungkot at pagaaalala. pero hindi nya ako madadala dyan. kailangan ko ang effort nya. iparamdam nya saakin ang totoong pagmamahal.







Dahil throughout the years? Ngayon ko lang na realize na, minahal nya ang bagong version na ako pero hindi yung buong ako. Do you get my point guys?







"I-i'm sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Sa pagiging walang kwenta kong boyfriend. Sa pagiging seloso. Sa pagiging over reacting. Sa pagpilit sayo na magbago ka, kasi iniisip ko lang naman yung nararamdaman mo. Alam kong sobra kang nasasaktan na masabihan ng masasakit na salita ng ibang tao. Alam kong—" pinatigil ko sya sa pagsasalita.









"Bakit? Alam mo din ba na hindi ako masaya sa ginagawa ko? Oo nga at naienjoy ko ang mga papuri saakin. Pero hindi porket ngumingiti ako sa mga papuring iyon ay nasisiyahan na ako. Bakit Jaxzien, matanong nga kita. Ginawa mo ba talagang baguhin ako para hindi ako masaktan sa mga sasabihin ng ibang tao at para protektahan ako o Ginawa mo akong baguhin para matanggap ako ng pamilya mo dahil ayaw ng pamilya mo ng isang bad girl na katulad ko?" hinahamon kong tanong sakanya. ni hindi nga sya makatingin saakin ng diretso ng tanungin ko ito sakanya. napailing nalang ako at huminga ng malalim.











"Alam mo ang masakit? Akala ko binago mo ako dahil ayaw mo kong nakikitang nasasaktan at importante sayo ang nararamdaman ko. Akala ko lang pala lahat ng iyon. Dahil binago mo ako para matanggap ng pamilya mo. Binago mo ko para mag fit sa pamilya nyo! At ang mas malala pa doon alam mo kung ano? Buong akala ko, mahal mo ako ng buong buo. Yung buong ako. Pero hindi pala, dahil ang totoo minahal mo yung kalahating ako. Yung kalahating serenity na ako, pero hindi yung buong pagkatao ko. At mas lalo mo kong ginawang tanga, dahil pinamukha mo saakin na tanggap mo ako pero yun pala, yun pala kaya mo ko binago dahil iyon ang gusto mo. Ang gusto mong ugali ko. Side ko. Katauhan ko na mala Serene. Kung mahal mo ako, hindi mo ako pipilitin magbago. Hindi mo ko sasabihan na magbago. Tatanggapin mo kung sino man ako dahil ganoon ang pagmamahal, Jaxzien. Ganoon kapag nagmamahal ka. Hindi mo lang mamahalin ang gusto mong katauhan nya tapos pipilitin mo na baguhin lahat ng nakasanayan nya, mga bagay na komportable sya gawin. Dahil kapag nagmamahal ka, kung totoo mong mahal ang isang tao. Mamahalin mo ang buong katauhan nya. Maging maldita man sya o kung ano pa man. Ganoon ang pagmamahal. Pero sa ginagawa mo, halatang hindi mo alam ang ibig sabihin ng pagmamahal. Hindi mo ako mahal. Alam mo kung anong narealize ko? Narealize ko na napaka tanga ko pala, ang tanga tanga ko para hindi mapansin na kaya mo ko binago dahil gusto mo akong mag fit sa pamilya nyo at yun ang gusto mong katauhan ko. Ang tanga ko para hindi ko makita na, hindi mo ko minahal ng buo. At patuloy na hindi mo ko minamahal na buo. Ang tanga ko para magbago dahil gusto mo. Ang tanga ko para sayangin ang dalawang taon na pagiging Serenity kahit ang hirap maging mala anghel at maging kalmado. Gago ka din para hindi mapansin na hindi naman talaga ako masaya na totoo. Na pinipilit ko lang maging komportable sa mga ginagawa at pinapakita ko sa loob ng dalawang taon na yon. Napaka gago mo. Katulad ka lang din ng ibang tao. Hindi nyo ako kayang tanggapin pero wala na akong pakialam sainyo. Hindi ko kayo kailangan sa buhay ko. Hindi ko na kailangan ang mga opinion at sympathy nyo. Hindi ko kailangan ang mga taong katulad nyo na hindi kayang tanggapin ang buong ako at gusto laging sumabay sa agos ng society. Hindi ko kailangan ang mga taong mahilig mag control ng ibang tao. Hindi kita kailangan sa buhay ko. Kaya utang na loob Jaxzien. Umalis ka na. Tapos na tayo." pinilit kong magpakatatag dahil iyon ang kailangan. Ayokong makita nya akong umiiyak dahil manlambot na naman ang puso ko sa sasabihin nya. Mahal ko sya pero tama nya. Mas lalong naging disaster ang buhay ko dahil sa ginawa nya. Binago nya ako dahil hindi nya matanggap ang totoong ako. Ganoon yon hindi ba? Binabago mo ang isang tao sa kung anong gusto mo dahil hindi mo kayang tanggapin ang totoong sya.











Ravishing Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon