[ 27 ]

127 6 0
                                    

Kinaumagahan, ilang beses nagtangka sila Misha na pangitiin ako. Pero hindi ko magawa. Yung dating Serenity tuluyan nang nawala. Hindi naman kasi talaga ako yon.




Ilang beses nila akong pinilit painumin ng gamot para mabawasan ang pananakit ng ulo ko, which is sobrang dalas na mangyari, hindi ko iniinom. Hindi din naman nakakatulong eh. Kaya bakit ko pa iinumin?






Natapos ang Strand Month at ang section pa din namin ang hinirang na nagkaroon ng malaking kita. Si Zaylee kasi ang pumalit sa pwesto ko. Marami ngang nakikiusyoso sa kung ano daw nangyari saakin. Kung ano daw nangyari saamin ni Jaxzien. Kung nasaan na daw si Jaxzien. Pero wala silang sinabi at sinagot sa kahit anong tanong.









Tumagilid ako at hinayaang tumulong muli ang aking mga luha. Hindi na yata ako mauubusan pa ng luhang itutulo. Hindi na yata mauubusan ng tubig ang mata ko. Hindi pa yata sya napapagod maglabas ng mga luha at butil ng tubig. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Marahil siguro ay nasasaktan ako dahil sa ginawa ni Jaxzien o dahil pinakawalan ko sya. Hindi ko alam.









Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng mga luhang ito. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kaya ako iyak ng iyak at pawang hindi napapagod ang aking mga mata. Wala akong lakas ng loob na pumasok dahil nanghihina pa ako. Masyado pang fresh saakin ang nangyari. At alam kong magtatanong ng magtatanong ang mga tao sa eskwelahan kung ano ang nangyari saakin at saamin ni Jaxzien.







Ayokong magkaroon ng Disaster sa school kaya mas pinili kong wag munang pumasok. Kahit mahirap at kahit biglaan nalang akong umiiyak minsan, nagagawa ko pa ding mag aral. Binibigyan ako ng online quizzes at exams ng mga teachers para hindi daw ako mahuli. Minsan ay pumupunta sila dito para ibigay saakin ang module na ginawa nila.








Kinausap na din nila Mommy ang President ng school. Hindi ko alam kung ano ang pinagusapan nila pero ang alam ko lang ay, pwede akong pumasok thrice a week. Sinabi ko naman kay Mommy na kapag naging okay na ako at makayanan ko nang pakinggan ang mga espekulasyon ng mga taong nasa paligid ko ay papasok na ako.







Heartbreak lang naman ito. At nangangamba lang ako sa mga matatanggap ko na naman na salita, pero alam ko naman na makakayanan ko na itong madinig sadya lang ang ikinakatakot ko ay iyong baka mapaaway ako kapag sobra na ang pangingealam nila at pagkukwesyon saakin ng kung ano ano.









May kumatok sa pintuan. Inilandas ko doon ang aking paningin at inaantay itong magbukas. Iniluwa nito si Lemuel kaya napaupo ako bigla.








"Anong ginagawa mo dito?" suminghot ako at pinunasan ang aking pisngi. Lumapit sya saakin at umupo sa edge ng kama ko.








"Ikaw, bakit ganyan ang ginagawa mo sa sarili mo?" nginitian ko sya ng mapait at niyakap ang unan ko.








"Bakit ba hindi nyo ako magawang pagbigyan ngayon? Minsan lang ako ganito. Sunod sunod kasi ang nangyari kaya hayaan nyo na muna ako. Magiging okay din ako." umiling sya at umusog papalapit saakin.









"Kailan pa? Kapag tuluyan ng lumala ang Migraine mo? Kapag tuluyan ng lumala ang depression mo? Hindi ka mauubusan ng luha. Hindi mapapagod ang mata mo sa kakaiyak. Sinasayang mo lang ang mga araw na pwede mong ienjoy ang buhay mo. Ataxia naman. Kailangan mong magbalik sa normal mong pamumuhay hindi yung ganito. Hindi yung nagkukulong ka dito sa kwarto at nagmumokmok at inaalala ang mga masasakit na nangyari sainyo ni Federis.  Desisyon mo na palayain sya. Kaya hindi ka dapat nagkakaganyan kahit pa alam kong sobrang sakit." hindi ako umimik. Nanatiling tahimik ang buong silid.










Ravishing Serenity Where stories live. Discover now