[ 14 ]

135 5 0
                                    

Back to school na ulit kaming lahat. Ang bilis nga lang ng panahon dahil back to school na ulit. Parang kailan lang nagkakagulo pa kami paano kami sasakay sa van papauwi dito sa manila at sa kanya kanya naming tahanan.






"Ahhh back to school na agad! Kabagot naman!" natawa ako ng mahina dahil ayaw pa talaga pumasok ni Zanea. Miski ako dahil ang saya magtambay sa bahay nila lalo na at nanganak na last month si Tita Isla. Ang cute cute ng kambal!







"Edi sana di ka nalang pumasok. Daming angal?" inirapan sya ni Misha at sumandal sa balikat ko. Nandito kami sa classroom at isang line sakop namin.






"Meron ka teh? Meron ka teh? Init ng ulo eh." pangbibwisit pa ni Zanea kay Misha. Napailing nalang ako at tinakpan nalang ang bunganga ni Misha dahil magtatry pa sana sya magsalita.







"Manahimik na nga lang kayo!! Nandyan na mamaya ang homeroom adviser natin." napapikit ako at ipinatong din ang aking ulo sa ulo ni Misha. Pero agad din akong napaayos ng upo dahil pumasok na nga ang homeroom adviser namin.






"Goodmorning STEM Magenta!" miski si Misha ay umayos na ng upo. Siniko nya ako.





"Yan ba ang bagong teacher dito?" tumango tango ako at humarap na sa unahan.






"Lahat kayo ay paniguradong naninibago at nagtataka kung sino ako. I am your homeroom adviser, My name is Diane Alcantara but you can call me Miss Diane." tumango tango kaming lahat. Natatanging si Zaylee at Zanea lang ang di natutuwa.





"Alcantara? Really, Maria Diane Alcantara-Garner?" nakita ko kung paano namutla at napakapit sa teacher's table ang homeroom adviser namin. Lahat napasinghap ng tumayo si Zaylee.





"Bakit ayaw mong sabihin sa lahat na isa kang Garner? Kinakahiya mo ba ang apelyedo mo? Huh? Pasalamat ka nga ipinadala pa sayo ni Tito ang apelyedo nya eh." hinawakan ko na ang kamay ni Zaylee. Binalingan nya lang ako at ngumisi.







"Is that how you treat your teacher, Ms. Garner?" halatang pinipilit ni Ms. Alcantara o kung ano man talaga ang apelyedo nya na magsalita ng malamig at magsungit.






Sarkastikong tumawa si Zaylee at unti unting lumapit sa teacher namin, "Nawp. This is how i treat my COUSIN." ngumisi si Zaylee at hinaplos ang buhok ni Ms. Alcantara.






Napalunok si Ms. Alcantara at tinabig ang kamay ni Zaylee, "Go back to your seat, Ms. Zaylee" nakita ko kung paano napairap si Zanea sa tabi ko.





"Bumalik ka na nga dito, Mindy! Hayaan mo na yang babaeng yan. Kung di sya proud dalhin ang apelyedong Garner edi wag, she doesn't deserve to be called one either. Go back here twin before i totally lose my patience with that daughter of a bitch." matalim ang mga titig ni Zanea kay Ms. Alcantara habang si Zaylee naman ay binibigyan ng masasamang titig si Ms. Alcantara.





Lumingon si Zaylee sa kakambal nya at tinaas ang kamay nya, "Okay!" ngumiti na ulit ng matamis si Zaylee bago nya i-flip ang hair nya at natamaan ang mukha ni Ms. Alcantara dahilan para mapapikit ito.




Bumalik na si Zaylee sa upuan nya at pabagsak na umupo rito. Napailing nalang ako ng lumabas si Ms. Alcantara dala-dala ang mga gamit nya. "Ang arte nya. Pasalamat nalang sya at dinala nya ang apelyedo na Garner pero di pa sya proud don? Dapat nga syang magpasalamat dahil tinuring sya ng pamilya na isang Garner kahit na anak sya sa ibang lalaki ni Tita eh. Peste. Kakainit ng ulo!" alam ko ang tungkol dito.





Ravishing Serenity Where stories live. Discover now