[ 6 ]

199 6 0
                                    

Tanging liwanag lamang ng lampara ang nagsisilbing liwanag sa buong kwarto ko. Naupo ako sa kama at napasandal sa headboard nito. Ipinilig ko ang aking ulo pakanan. Nadatnan kong naka bukas ang sliding door ng veranda kaya agad nagdugtong ang aking mga kilay.



"Bakit naka bukas ito?" tumayo ako sa kama at naglakad papunta doon. Isinarado ko ang veranda at halos mabuwal na ako sa kinatatayuan ko ng may biglang nagsalita sa likudan ko.




"Gising ka na pala." ani ni Jaxzien sa bagong gising na boses.




"Jusko naman Jaxzien! Nakakagulat ka naman! Magkakaroon ako ng sakit ng puso sayo eh!" nag peace sign sya saakin at umupo sa gilid ng aking kama. Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi nya.



"Salamat nga pala sa paghatid saakin dito. Sorry kung nakatulog ako kanina. Nakakaantok kasi ang atmosphere don!" isinandal nya ang ulo ko sa balikat nya tapos ay yinakap ako patagilid.




"Ayos lang. Alam ko naman na napagod ka kakalakad sa loob ng mall eh." napangiti ako at niyakap ko din sya pabalik.



"Anong oras pala tayo nakarating dito?" tiningnan ko ang orasan para icheck kung anong oras na ngayon. Alas nuebe palang pala. Ibinalik ko ang tingin ko sakanya.



"Kanina yatang mga seven o'clock? Hindi ko na tanda eh" tumango tango ako at nanatiling tahimik. Wala naman na akong masabi eh.



"Nagugutom ka ba?" umiling ako at tinikop ang bibig. Gusto ko lang damhin ang katahimikan kasama sya.



"Hindi ka pa din gutom eh halos dalawang oras kang tulog? Tapos di tayo kumain ng meryenda kanina. Paanong hindi ka magugutom? Lika nga at bababa tayo." napanguso ako ng hilain nya ako patayo at palabas ng kwarto.




Pagkababa namin ay naabutan namin si Mommy na naka apron at naghuhugas ng pinggan. Umupo ako sa may high chair at inaantay kong lingunin nya ako.




"Gising ka na pala. Kanina hindi ka na ginising ni Unique pagka dala nya sayo dito kasi daw ayaw nyang maputol pa ang tulog mo. Oh, heto, kumain ka nga muna pero ikaw maghuhugas nyang pinagkainan mo ha!" natawa ako at tumango na lamang.



"Thanks Mom! Bakit pala hindi pa kayo natutulog?" sumingkit ang mata nya at napatigil tuloy ako sa pagkain.



"Hello? Nak? Nasa earth ka ba nak? Nurse ang nanay mo? Baka nakakalimutan mo?" napakamot ako ng ulo ko at ngumiti na lamang sakanya bago magpatuloy ulit sa pagkain.



"Unique, sabihin mo nga saakin, ano ba nangyayari dito sa batang ito at parang laging sabog at wala sa earth ang utak?" baling ni Mommy kay Jaxzien na abala sa pagkuha ng ice cream.



Lumapit saakin si Jaxzien at inilapag sa unahan ko ang Ice cream bago umikot at tumabi saakin. "Hindi ko din po alam Tita eh" nakangisi nyang sabi kay Mommy. Napailing si Mommy at tinanggal na ang Apron nya.



"O, sya, sige! Ikaw na muna ang bahala dyan sa anak ko ha? Yung kuya nyan nakitulog doon sa kaibigan nya tapos ang daddy nya nasa company pa namin at ako naman, may duty pa ako. Kailangan nila Isla nang mga nurses ngayon. Nakulangan daw kasi sa mga magaassist sa mga patients at madami daw kasing sinisante ang pinakamamahal nyang panganay na anak. Manang mana talaga si Zara sa Nanay nya, jusko." iiling iling na sabi ni Mommy. Bigla ko tuloy naalala yung ginawa ni Zanea for me... Wait- si Zanea ba yon or si Zaylee? Errr basta yon! Kaloka naman kasi ng pagmumukha nung dalawa na yon! Identical twins sila eh! Palatandaan ko nalang sakanila is yung height tsaka uhhh wala na. Parehong pareho ng ugali pati ng pananalita tsaka ng boses din eh, minsan.




Ravishing Serenity Where stories live. Discover now