[ 10 ]

193 7 0
                                    

The other day, wala naman kaming ginawa. Pumunta lang si Misha para makitambay tapow pumunta ulit ako sa hospital, on my own, i didn't bring anyone with me. I commute. Ayoko kasi magpahatid sa driver.



Nagusap kami ni Ate Zara and as usual si isa pang buntis which is si Tita Isla, she's kinda pissed and nagtatampo saakin. Pero hinayaan ko nalang, mawawala din naman yan kapag nanganak sya.





Kung ano ano lang naman pinagusapan namin ni Ate Zara pero most of the time, inalagaan at binantayan ko lang yung anak nya. Kaya nung nagtext saakin si Mommy na kailangan ako sa house kasi maggigeneral cleaning kami, agad kong sinabihan si Ate Zara at nakaalis na ako.



Hindi naman sa ayaw ko magbantay ng bata pero nakakabagot din naman kasi eh. Kaya nang nakaalis ako ay agad akong naghanap ng masasakyan pauwi. Pero halos magiisang oras na yata ako dito at wala pa ding sasakyan akong masakyan. Ano ba naman yan.





Kahit kating kati na ako itext si Jaxzien at magpapahatid ako pauwi, ayaw ko pa din dahil nga Saturday ngayon and baka busy sya with his fam kaya hindi ko na inabala pa. Tinext ko si Mommy na nahihirapan ako sumakay kaya sabi nya ipapasundo nalang nya ako sa driver namin.





Kahit anong kagustuhan kong mag commute talaga minsan, nakakainis din talaga eh. Kasi mahirap maghanap ng masasakyan. Nakarating kami agad sa bahay at hindi pa man ako nakakapasok ng bahay ng tuluyan at nakakapagbihis ay ibinato na saakin ng magaling kong kapatid ang apron na kulay gray.




Nasalo ko naman ito agad, "Suotin mo yan. Dali, para makatulong ka saamin." ngumuso ako at madaling nagpunta sa kwarto para magpalit ng pangbahay.




Pagkatapos kong magpalit ay agad ko namang binun ang buhok ko at isinuot ang apron. Bumaba na ako at tumulong kela Mommy.





"Ataxia, put it there." sinunod ko ang utos ni Mommy hanggang sa puro nalang sya 'Ataxia, ilipat mo 'to dito' 'Ataxia, iabot mo sakin yan.' 'Ataxia, halika ka nga dito at lagyan mo ko ng sapin sa likod' 'Ataxia, punasan mo nga pawis ko sa likod.' Ataxia.... Ataxia... Ataxia...






Wala naman akong nagawa kundi gawin ang lahat ng utos at gusto ni Mommy. Halos tatlong oras din kaming naglinis sa buong bahay. Nakakapagod sobra! Sino ba namang hindi mapapagod kung ikaw ang pinapak ng utos at parang hindi nakikita si Kuya?




"Ah! Kapagod!" sabi ni Kuya sabay bagsak ng katawan nya sa upuan. Umirap ako ng palihim at umalis sa tapat nya. Para naman sya ang maraming ginawa ah? Tinanong ko nga si Manang kanina sabi halos wala nga daw yang ginawa kanina.



Umalis ako sa pwesto ko at nagtungo sa kusina para kumuha sana ng tubig ko. Kaso may epalogs at kinuha ang pitsel tapos ang baso at sya ang uminom. "Ano ba?!" singhal ko kaya ibinaba nya ang baso at nagpunas ng labi nya.



"O, bat nagagalit ka dyan? Tubig lang yan oh. Pwede ka naman kumuha ulit." tiningnan ko sya na para bang nagsasabing 'nagbibiro-ka-ba-?'



"Nakita mo namang ako ang kumuha kanina diba? Ako ang kumuha at kumuha ako para sa sarili ko. May nadinig ka bang sinabi ko na para sayo yon?" mataray kong sabi sakanya at hinayaan ko nalang ang pitsel ng tubig at ang baso sa unahan ko. Nawalan na ako ng gana uminom.




"Ang dami mong arte." agad akong napapikit at napamasahe sa sentido ko.




Huminga ako ng malalim at dinaanan lang sya. Nakatayo kasi sya sa railings ng hagdan at nakasandal. Dire diretso ang lakad ko paakyat ng kwarto at binalibag ko ang pagkasara ng pinto kaya alam kong umalingaw ngaw iyon sa loob ng buong bahay.





Ravishing Serenity Where stories live. Discover now