[ 13 ]

169 4 0
                                    

Malamig na simoy ng hangin ang gumising saakin at dahilan para tuluyan ko ng imulat ang aking mga mata. Tumingin ako sa paligid ko pero wala na sila Misha. Nasan na kaya yung mga iyon?



Napagdesisyunan ko nalang na tumayo at hanapin sila. Partida, hindi pa ako naghihilamos ay hinahanap ko na sila. Pero wala pa din, hindi ko pa din sila mahanap. Kaya bumalik ako sa loob ng villa at ginawa ko muna ang morning routine ko.



Pagkatapos ko ng gawin ang morning routine ko ay nagbihis ako agad at napagdesisyunan na hanapan sila. Hindi pa naman ako gutom kaya hahanapin ko muna sila. Nawawala din kasi ang charger ng phone ko kaya kahit gusto ko silang i-text di ko magawa.



Hindi lang din sila Misha ang hinahanap ko, pati na din si Jaxzien na hindi ko alam kung nasaan ding lupalop ng resort na ito. Linga dito, Linga doon ang ginawa ko buong araw. Tiningnan ko ang orasan at pasado alas syete na, alas singko ako nagising. Kaya ibig sabaihin halos isang oras din akong naghanap sakanila pero hindi ko sila makita.



Naglakad ako papunta sa tagong lugar para sana magpahinga sa ilalim ng coconut tree sandali. Nang may narinig akong boses, hindi lang isang boses kundi maraming boses, na nagtatalo.



"Ayon! Ang bobo ni parekoi! Puntahan mo don shota mo at gisingin mo na! Sabi naman kasi sayo di ka namin kailangan dito eh. Ginigigil mo ko!"

"Kasalanan ko bang miss ko na misis ko?"

"Kasal kayo? Kasal kayo? Bwisit. Dapat getaway namin 'to eh! Wala dapat sabit eh! Nanggigil ako sayo! Nako kung di ko lang best friend si Ataxia at kung di ko lang mahal yung babaita na yon, matagal na kitang sinakal! Kumag ka gisingin mo na yon at papuntahin mo na dito! Kaasar." at nang nadinig ko yon ay alam ko na kung sino ang mga nagtatalo. Naglakad ako papunta kung saan nanggagaling ang ingay.




"G na G ateng?" salita ko at lahat sila ay lumingon saakin na para bang gulat na gulat. Mukha ba akong multo?



Naglakad papalapit saakin si Jaxzien na may ngisi sakanyang mga labi, "Paano mo kami nahanap?" inginuso ko ang puno at para bang nakuha nya kung anong gusto kong sabihin kaya tumango na lamang sya at hinila ako papunta kela Misha.



Umupo ako sa sun lounger, "Anong oras ka nagising? Parang kanina pa mulat na mulat mga mata mo eh plus nakaligo ka na din." sinulyapan ako ni Ryanne at nagpatuloy sa pagiihaw ng isda. Tilapia ata ang iniihaw nya.






"Five o'clock in the morning ako nagising. I roamed around this place kasi hinahanap ko kayo. Isang oras din akong naghanap sainyo pero hindi ko kayo mahanap kaya mga seven o'clock, napagdesisyunan ko na maligo na muna at hanapin ko kayo ulit. I can't text any one of you either, because my charger is missing." tuloy tuloy kong sabi sakanila at kumuha ng barbecue tsaka ito kinain.








"Napaka burara kasi, yan tuloy!" inis na sabi saakin ni Zanea. Wow, parang sya hindi ah?







"Naks! Nahiya naman si Ataxia Vernice sa pagiging sobrang burara mo, Zanea Margot Garner." pangbibwisit ni Zaylee sa kakambal nya. Binato tuloy sya ng barbecue stick ni Zanea at umupo sa plastic na chair sa likod nya.







"Coming from you pa talaga eh ano?" ginatungan pa ni Ryanne na nagluluto na ngayon ng iba pang barbecues. Tiningnan lang ni Zanea ng masama si Ryanne.







"Manahimik na nga lang kayo dahil nagugutom na ako." napairap pa si Misha bago tumabi saakin.






"Kailan ka ba di nagutom?" bulong ko sakanya at minura nya lamang ako. Totoo naman kasi? kailan ba sya di nagutom? Always naman yata syang gutom eh.






Ravishing Serenity Where stories live. Discover now