[ 2 ]

392 9 0
                                    

Last Class na namin ngayong araw at hanggang ngayon ay hindi pa din nila ako tinatantanan tungkol don sa pinagsasabi ni Ryanne kanina.





"Girl kasi! Bakit ayaw mong maniwala?" hindi ko pinansin si Zanea at nagpatuloy lang sa paglalakad. Dumeretso ang lakad ko papunta sa cafeteria dahil nakaramdam ako ng gutom.






"Wala kayong mapapala saakin dahil hindi ako maniniwala sa pinagsasabi nyo. Ravishing Serenity, my ass. Tantanan nyo nga ko sa mga kakaganyan nyo. Ang creepy! Parang katulad nalang din kayo nung mga taong gumigilid at kulang nalang humalik sa paa ko sa tuwing makikita akong naglalakad, ugh!" nadinig ko ang pagbuntong hininga nila. Nagdire-diretso nalang ulit ako sa paglalakad at pumila na.







"Next!" sigaw ng tindera. Ako na ang sumunod na nag-order.






"One capuccino frappe, cheese cake and one galloon of cookies n' cream ice cream, please." saad ko habang kumukuha ng pera sa wallet. Iaabot ko na sana yung bayad ng pagtingin ko sakanya ay nakatulala sya saakin.






Napataas ang isa kong kilay, "Miss?" nabalik sya sa realidad at ngumiti saakin tapos ay kinuha na ang bayad ko. Kinuha ko na din ang order ko at humanap na ng pwesto.






Doon ako pumwesto sa may malapit sa glass at iyong pwestong alam kong madali lang makita nila Misha. Nagtungo ako doon at umupo na. Ibinaba ko ang bag ko sa may gilid ko tapos ay inalis na sa tray ang in-order kong pagkain. Inilapag ko sa may gilid ang tray at sumimsim lang sa aking inumin.







Ilang sandali pa ay dumating na sila. Umupo sa kabilang side ko si Misha at sa unahan namin ay sila Zanea.










"Bakit ka ba kasi hindi naniniwala na may something dyan sa ganda mo? Like," iniangat ko ang tingin ko kay Zaylee at tiningnan sya ng masama. Agad naman syang napatigil at nagpatuloy na ulit sa pagkain.










"Ravishing Serenity do exist, pero hindi sa mukha ko. Hindi saakin. My beauty isn't Ravishing. And, hindi naman gaanong mukhang anghel katulad ng sinasabi nyo. Just please, stop. saying that. Wag nyo nang ipilit pa saakin yang Ravishing Serenity na yan. Jusko naman." binuksan ko na ang ice cream at nagsimula ng kainin ito.







"Okay..." sabay sabay nilang sabi na nagpangiti saakin. Natapos na kami sa pagkain at sana'y babalik na sa classroom dahil ilang minuto nalang ay start na ng classes namin sa last subject ng biglang may nagsalita sa speaker.







Bawat sulok ng eskwelahan ay mayroong speaker, at ngayon ay tumunog ito at may nagsasalita.








"This is an important announcement, students! You must listen and stop what you are doing, right now. Today's class will be cancelled but you will not go to your respective homes. You all will stay here inside the university and will be with us to welcome the governor's son and their family. That's all and prepare yourselves. Thank you and happy good day, Students of Monte Reale University." agad nagsimula ang bulong bulungan. Napangisi ako at nagpaalam sa mga kaibigan ko.







"May pupuntahan lang ako madali. Misha , you'll come with me." hinatak ko si Misha at nagtatakbo kami papunta sa Library. Partida naka pumps pa ako at tumatakbo kami.








Napahawak si Misha sa dibdib nya habang ako ay napahawak sa pader, "Balak mo bang sumali sa marathon? Jusko dai! Kung balak mo wag mo na akong idamay pa! Hiningal ako don ha!" sapo sapo nya pa din ang dibdib nya habang hinahabol ang kanyang hininga.








Ravishing Serenity Where stories live. Discover now