[ 25 ]

108 4 0
                                    

Today is the day. Strand Month. Wala silang ginawa kanina kundi tanungin ako kung hindi na ba daw ako magpapalit o ano. Kanina pa sila sa bahay actually. Inantay talaga nila ako matapos mag ayos tapos pag labas ko ng room naka abang sila don at kapag di nila nagustuhan ang suot ko ay pababalikin nila ako ulit sa kwarto ko at sasabihin na magpalit daw ako ng damit.






Kaya ngayon ang suot ko ay isang black long sleeves na croptop. Sobrang exposed ang tyan ko sa damit na 'to and im okay with it. Terno ay isang white na skirt. Oh, by the way, may nakalagay na quote sa damit ko. It says 'Beautiful Disaster'. Ito kasi ang damit na pina-customize namin noon at sila ang pumili ng ilalagay.



Tapos ang suot ko naman na shoes ay isang open na black pumps. Naglagay ako ng extention sa hair ko dahil gusto nila. Sila ang nagayos ng buhok ko pero ako na ang nag-ayos ng mukha ko dahil baka kung anong gawin nila. I am busy chewing my gum when someone smacked my head. Naluwa ko tuloy yung bubble gum!






I turned around at tiningnan ng masama ang nanghampas ng ulo ko. "Who the hell did that?" mariin kong sabi at nagtinginan sila. Tinaasan ko ng kilay si Zanea at yumuko sya tsaka nginuso si Rina.





I rolled my eyes as i walked towards that girl, "Anong trip mo sa buhay at bakit mo ginawa yon?" nanggigil ako. ikaw ba naman ang hampasin sa ulo tapos nananahimik ka at ngumunguya lang ng bubble gum?!







"I-i didn't mean to. I swear!" natataranta nyang sabi. Napakamot ako ng kilay ko ng wala sa oras at bored na tumingin sakanya. Nadinig kong tinawag ako ni Misha kaya nilingon ko sya.





"I can handle this." sinenyasan ko sya na okay lang. Nadinig ko ang pagsinghap nila ng bigla kong hawakan ang mukha ni Rina.





Tiningnan ko sya ng mariin at nginisian, "Next time. Kung magsisinungaling ka.Siguraduhin mo na hindi mahahalata ng pinagsisinungalingan mo. Now, you don't have a choice but to admit to me kung bakit mo ginawa yon." halatang natatakot sya saakin. Nasanay kasi silang mala anghel lagi ako at hindi naggaganito. Nadinig ko ang ilang pag 'tsk' 'tsk' nila Misha.






"I-i said i didn't mean to!" alam kong ngumingisi na ngayon sila Misha.






"Yeah? Didn't hear that awhile ago.." tiningnan ko sya mata sa mata. Hindi sya makatingin saakin dahil alam kong sinadya nya iyon. This time mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa mukha. She flinched but i didn't give a damn.





"Tell me or else imma break your jaws." ngumiti ako sakanya ng pagkatamis tamis at agad naman syang lumunok.






"O-okay fine! Sinadya ko yon pero hindi ko alam kung bakit ko yon ginawa after! I-i'm sorry...." ngumisi ako. tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa mukha nya at dahan dahan naglakad papunta sakanyang likudan.







Pinapakiramdaman nya ang presensya ko at kung ano ang gagawin ko. Huminto ako sa tapat ng likod nya. Tiningnan ko sila Misha at nakatingin lang sila saakin ng diretso. Walang nagtangkang mangealam saamin o sa kung ano man ang nangyayari.







I was about to hit her head when someone pushed her to the side! Kaya hindi ko na hampas ang ulo nya. I frowned. Tumingin ako sa tumulak sakanya pagilid at nakita ko si Jaxzien. Sarkastiko akong napangiti pagkatapos ay sabay baling ng tingin kay Rina na ngayon ay umiiyak na.






Anong nakakaiyak sa ginawa ko? Wala naman diba?





"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!?" namumula ang mukha nya sa inis.





Ravishing Serenity Where stories live. Discover now