[ 28 ]

111 4 0
                                    

Kinaumagahan, lumabas na ako sa kwarto ko. Pinilit kong maging masigla para kela Mommy. Nagawa ko naman pero pawang sila naman ngayon ang pinagbagsakan ng langit at lupa.








Hindi ko alam kung anong nangyayari sakanila. Masaya ako at ngumingiti na ngayon pero pag nakikita nila akong masaya agad naluluha si Mommy at hahatakin ako para mayakap. Tinatanong ko kung bakit pero sinasabi nila na huwag ko na lang daw pansinin. Hinahayaan ko nalang. Dahil hindi din naman talaga nila sasabihin ang totoong rason kung bakit sila nagkakaganyan.





Naglakad nalang ako papunta sa living room at tinabihan si kuya, "Brader tol, lipat mo naman sa Star Movies. Baka may magandang movie." nginitian ko sya at hinila nya ako para mayakap nya. Kumunot naman ang noo ko at nagsimula nang magpumiglas para lang makatakas sa yakap nya.






"Ano ba kuya!!!! Wag mo nga ako isiksik sa kili kili mo!!! Ang baho! Kadiri ka! Yuck!" pilit kong itinutulak palayo ang katawan nya. Pero nadinig ko lang syang tumawa, parang may something sa ngiti nya. Ipinilig ko ang ulo ko at umiling iling. Bawal akong maging nega ngayon baka kung ano na naman ang mangyari saakin.








"Kailan ka pa ba naging maarte?! Dati nga gustong gusto mong sumiksik sa kili kili ko eh! Hindi ka nga makatulog hanggat di mo naaamoy ang kili kili ko non?! Alam ko naman na namiss mo ang kili kili ko. Wag ka na mahiyaaaaaaa" inasar asar nya ako at mas isiniksik pa sa kili kili nya. Pilit ko namang inililihis ang mukha ko, lalo na ang ilong ko para hindi tumama sa kili kili nya!





Kinurot ko sya sa tagiliran kaya agad naman na syang napalayo saakin. "Excuse me?! Kahit kela hindi ko nagustuhan ang amoy ng kili kili mo! Assuming ka! Nananaginip ka na naman ng gising! Nagiimbento ka na naman eh! Kadiri." nagpunas ako ng ilong at agad nya akong kiniliti. Hindi ako makawala at makaalis sa pwesto ko dahil naka lock ako sa loob ng braso nya. Kaasar.




"Kuya ano ba!!! HAHAHAHA tama na!!!! HAHAHAHA hinihingal na ako!!! HAHAHA mabaho pa din kili kili mo AHHH HAHAHAHAHAHAHAHA" hindi ako magkanda mayaw sa kakatawa. Alam kong hinihingal na sya kakakiliti saakin pero hindi nya pa din ako tinitigilan. Tumigil lang sya ng tawagin ni Mommy ang mga pangalan namin.






"Ataxia Vernice at Ataxies Vernon! Tumigil na nga kayo dyan! Ang ingay ingay nyo! Nakakabulabog kayo ng mga kapit bahay!" saway ni Mommy. Agad kong tinuro si Kuya.








"Sisihin mo ang first born mo mom! Sya ang nanguna!! tapos assuming pa sya! Sabi nya gustong gusto ko daw dati na sumiksik sa kili kili nya non! Hindi naman totoo yon diba?!" pagsusumbong ko kela Mommy. Hindi umimik si Mommy at tumingin kay Kuya. Agad akong napatingin kay Kuya at nahuli ko syang sinisenyasan si Mommy na um-oo.







"Mommy diba? Hindi naman totoo? Makapal lang talaga ang pagmumukha ni kuya kaya nya yon sinabi? Tapos para magmukhang mabango talaga ang kili kili nya, diba? Diba? Mommy diba?!?!?!" tiningnan kami ni Mommy at umiling na lang. Napanguso tuloy ako.







"Ewan ko sainyong magkapatid. Pareho na kayong nasisiraan ng bait. Manahimik na nga lang kayo dyan. Jusko!" napakamot ako ng batok ko at tiningnan ng masama si Kuya. Tawang tawa naman ang isang 'to habang nakaupo sa sofa.







"Alam mo ba kung bakit ganon ang sinabi ni Mommy? Kasi totoo! Ayaw nya lang mahurt ang feelings mo kaya nya sinabi yon. Ayaw nya lang mapahiya ang prinsesa nya sa gwapong gwapong prinsipeng katulad ko— ARAY!!" agad syang napadaing dahil binato ko sya ng Islander nyang tsinelas sa mukha. Tumama ito sa noo nya kaya grabe ang angal nya sa sakit. Inismiran ko sya bago ako maglakad papunta sa Garden, naabutan ko doon si Daddy na nagdidilig ng mga halaman.





Ravishing Serenity Where stories live. Discover now